20/04/2026
PAMAMARAAN NG ONLINE PRE-ENROLLMENT
1. I-scan ang kopya ng Birth Certificate, Report Card (harap at likod), at isang (1) 2x2 colored na litrato.
2. I-save ang mga na-scan na dokumento sa cellphone o laptop.
3. Buksan ang Google Form sa link na
https://forms.gle/ZPcap8q7sTmU4Kby8
para sa EXEHIGH โ Basic Education Enrollment Form para sa School Year 2026โ2027.
4. Sa tulong ng magulang, o nakatatandang kapatid, punan nang wasto at kumpleto ang lahat ng kinakailangang impormasyon sa form at i-submit ito.
5. Itabi at i-save ang email acknowledgement na ipapadala ng paaralan bilang patunay ng matagumpay na online enrollment at para sa susunod na sanggunian.
6. Ang original na kopya ng Report Card, 1 2x2 picture at photocopy ng Birth Certificate (PSA/NSO/LCR/Barangay Certification) ay ipapasa sa enrolling teacher sa itinakdang Enrollment Week- Hunyo 1-5, 2026.
Paalala:
Ang pagpapatala sa taong ito ay magiging mabilis lamang dahil sa pre-enrollment na ginawa online, kaya ang lahat ay inaasahang makikilahok sa aming Brigada Eskwela.
Sama-sama at tulung-tulong nating ihanda ang ating Paaralang Exequiel R. Lina para sa pagbubukas ng klase sa Hunyo 8, 2026.
Arangkada Exehigh!