12/06/2026
โMatagumpay na isinagawa ng Cesar C. Cabaya Sr. High School ang Unang School Parents-Teachers Association (SPTA) General Assembly para sa Taong Panuruan 2026โ2027, na dinaluhan ng mga magulang, g**o, at iba pang mga katuwang ng paaralan bilang patunay ng kanilang pagkakaisa at pagtutulungan para sa ikauunlad ng edukasyon ng mga mag-aaral.
โ
โSa nasabing pagtitipon, tinalakay ang mahahalagang paksa tulad ng pagpapakilala sa mga g**o at kawani ng paaralan, pagtalakay sa iskedyul ng klase, pagpapaliwanag sa tatlong terminong kalendaryong pang-akademiko, sistema ng pagmamarka para sa Junior High School, gayundin ang mga alituntunin at patakaran ng paaralan.
โ
โIsa sa mga tampok ng programa ang matagumpay na halalan ng mga bagong opisyal ng SPTA para sa Taong Panuruan 2026โ2027. Ipinahayag ng mga nahalal na opisyal ang kanilang kahandaang makipagtulungan sa pamunuan ng paaralan, mga g**o, at mga magulang upang maisulong ang mga programang makatutulong sa paglinang ng kalidad ng edukasyon at kapakanan ng bawat mag-aaral.
โ
โNaging matagumpay ang pagpupulong at higit na pinagtibay ang matatag na ugnayan ng paaralan at ng komunidad. Ang aktibong pakikilahok at patuloy na suporta ng mga magulang at iba pang mga stakeholder ay nagsisilbing mahalagang pundasyon sa pagkamit ng layunin ng paaralan na makapagbigay ng de-kalidad, inklusibo, at makabuluhang edukasyon.
โ
โLubos na nagpapasalamat ang Cesar C. Cabaya Sr. High School sa lahat ng mga magulang, g**o, at mga katuwang sa komunidad sa kanilang walang sawang suporta at aktibong pakikibahagi. Sa sama-samang pagkilos at pagtutulungan, patuloy nating hinuhubog ang isang paaralang nagtataguyod ng kahusayan, pagkakaisa, at pag-asa para sa mas maliwanag na kinabukasan ng bawat mag-aaral.
โ
โ"Nagkakaisa ang Paaralan, Pamilya, at Pamayanan para sa Mas Matatag na Edukasyon."