21/08/2026
๐ฑ GULAYAN SA PAARALAN โ BUNGA NG PAGKAKAISA ๐
Sa bawat kawayan na naiputol, bawat lupang nahukay, bawat pawis na pinuhunan, at bawat pagkaing ipinaghanda para sa ating mga volunteers, may kwento ng malasakit at pagmamahal para sa ating paaralan. โค๏ธ
Maraming, maraming salamat sa lahat ng parents, sa mga miyembro ng Alpha Kappa Rho - Talayb Chapter, sa mga ERPAT members, sa mga 4Ps members, at sa lahat ng naglaan ng oras at lakas para makatulong sa paggawa ng ating Gulayan sa Paaralan.
Taos-puso rin ang aming pasasalamat sa lahat ng nagbigay at nag-sponsor ng kawayan, pagkain, at iba pang tulong. Maaaring simpleng bagay lang ito para sa iba, pero para sa amin, napakalaking tulong nito. Hindi lamang gulayan ang ating nabuo; nabuo rin ang isang magandang halimbawa ng bayanihan para sa ating paaralan. ๐ฑ
At sa mga magulang, isang munting paalala: ๐ต๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐ป๐ฎ๐ด๐๐ฎ๐๐ฎ๐ฝ๐ผ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐๐๐ป๐ด๐ธ๐๐น๐ถ๐ป ๐ฏ๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ด๐๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐ฒ๐ป๐ฟ๐ผ๐น๐น๐บ๐ฒ๐ป๐. ๐๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐น๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฟ๐ฒ๐๐ฒ๐ป๐๐๐ฎ, ๐๐๐ฝ๐ผ๐ฟ๐๐ฎ ๐ฎ๐ ๐ฝ๐ฎ๐ธ๐ถ๐ธ๐ถ๐๐ฎ ๐ต๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐น๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ ๐ฟ๐ฒ๐ด๐ถ๐๐๐ฟ๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป, ๐ธ๐๐ป๐ฑ๐ถ ๐๐ฎ ๐บ๐ด๐ฎ ๐ด๐ฎ๐๐ฎ๐ถ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐๐๐๐๐น๐ผ๐ป๐ด ๐๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ป๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ฎ๐ธ.
Hindi kailangan ng malaking halaga o maraming oras. Minsan, sapat na ang isang araw ng pagtulong, isang pares ng kamay, o simpleng pagpunta at pagsabing, โAno ang maitutulong ko?โ โค๏ธ
Maraming salamat sa lahat ng tumulong at patuloy na tumutulong. Ang Gulayan sa Paaralan na ito ay hindi lamang para sa paaralan, ito ay para sa ating mga anak, at ginawa ito dahil may mga taong handang makiisa. ๐ฑ๐