01/03/2023
Ang buwan ng Marso ay Fire Prevention Month!
Kaisa ang Kagawaran ng Edukasyon ng buong bansa sa pagpapalakas ng kampanya upang maiwasan ang sunog, lalo na ngayong Fire Prevention Month.
May temang “Sa pag-iwas sa sunog, hindi ka nag-iisa,” patuloy na pinatatatag ng DepEd ang pagpapatupad sa mga programa sa paaralan na nagbibigay ng kaalaman kung paano maiiwasan at ano ang mga sanhi, hazards, at panganib ng sunog.
Para sa higit pang impormasyon patungkol sa Fire Safety and Awareness Program ng Kagawaran, basahin ang DepEd Order No. 28, s. 2016: https://bit.ly/DO28S2016