RVAlbay Bonbon NHS

RVAlbay Bonbon NHS Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from RVAlbay Bonbon NHS, School, Libon.

20/08/2026
17/08/2026

Sa nalalapit na ika-90 kaarawan sa 13 Nobyembre 2026 ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), na kilala noon bilang Surian ng Wikang Pambansa (Institute of National Language), narito ang 90 Kaalaman tungkol sa KWF!



12/08/2026

PANAWAGAN:

YOUNG VOICES! 📢🎤

Ready ka na ba maging boses ng paaralan?

Pampaaralang SCHOOL PRESS CONFERENCE 2026

🗓️ Aug 15, 2026
📍 Bonbon NHS
🎯 Matalas na Pluma, Mahalagang Balita

Para sa mga mag-aaral mula Baitang 7 hanggang Baitang 10 na mahilig magsulat, mag-edit, mag-vlog, gumuhit, at mag-ulat - THIS IS YOUR SIGN!

Kategorya: Pagsulat ng Balita, Editoryal, Lathalain, Sports, Photojournalism, Radio Broadcasting, atbp.

Pumunta at magpalista na kayo sa inyong mga g**o sa English at sa Filipino para magpalista.

Slots are limited! Tara na, ikalat natin ang katotohanan.

Mula sa silid-aralan, tungo sa pahayagan. Mula sa pahayagan, tungo sa pagbabago.

Maraming salamat!



Salamat po sa pagkakataong maging bahagi ng inyong paglalakbay para sa Gawad Selyo ng Kahusayan sa Serbisyo Publiko sa m...
11/08/2026

Salamat po sa pagkakataong maging bahagi ng inyong paglalakbay para sa Gawad Selyo ng Kahusayan sa Serbisyo Publiko sa mga Paaralan 2026.

BNHS MATAGUMPAY NA SUMAILALIM SA BALIDASYON NG GAWAD-SELYO NG KAHUSAYAN SA SERBISYO PUBLIKOBONBON, LIBON, ALBAY | Agosto...
11/08/2026

BNHS MATAGUMPAY NA SUMAILALIM SA BALIDASYON NG GAWAD-SELYO NG KAHUSAYAN SA SERBISYO PUBLIKO

BONBON, LIBON, ALBAY | Agosto 11, 2026 — Matagumpay na isinagawa sa Bonbon National High School (BNHS) ang Balidasyon ng Pansangay na Timpalak Gawad-Selyo ng Kahusayan sa Serbisyo Publiko sa mga Paaralan, bilang bahagi ng pagsusuri sa mga inisyatiba, sistema, at gawaing nagsusulong ng mahusay at dekalidad na serbisyo publiko.

Pinangunahan ni G. Allan Loterte, Pansangay na Tagamasid sa Filipino, ang pangkat ng mga tagapagbalidasyon, kasama sina Gng. Jane St. Revilla, Pansangay na Tagamasid sa Edukasyon sa Pantahanan at Pangkabuhayan; Gng. Grace Fundador; ang Pampurok na Tagamasid ng Silangan ng Pioduran; at si G. Kemuel Biton, pansangay na videographer at photographer.

Sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na pangkalahatang monitoring at suporta ng punongg**o, naging higit na organisado at kumpiyansa ang buong paaralan sa pagharap sa balidasyon. Naging mahalaga rin ang pagtutulungan ng mga g**o at kawani sa paghahanda ng mga dokumento, pasilidad, silid-aralan, at iba pang kinakailangang gawain.

Nagpaabot din ng pasasalamat kay Gng. Gigi Llegado, tagapag-ugnay sa pagsasakatuparan ng mga gawaing nakapaloob sa Atas Tagapagpaganap Blg. 335, gayundin sa mga g**o sa Filipino, mga miyembro ng Lupon Tagapagpaganap sa Filipino, mga g**ong nanguna sa pagsasaayos ng kani-kanilang silid-aralan, at sa lahat ng g**o at kawani na naging bahagi ng paghahanda at matagumpay na pagsasagawa ng balidasyon.

Binigyang-diin ng paaralan na ang Gawad-Selyo ay hindi nagtatapos sa balidasyon. Ang mga mabubuting sistema, gawi, at inisyatibang naitatag ay patuloy na isasagawa, pauunlarin, at pananatilihin upang maging bahagi ng kultura ng paaralan at ng mahusay, tapat, at makataong paglilingkod.

Maaaring matapos ang balidasyon, ngunit ang paghahangad sa kahusayan ay patuloy na isasabuhay.

Bonbon National High School — Patuloy sa Kahusayan, Tapat sa Paglilingkod.

📍SPTA Officers and HPTA Presidents of BONBON NHS LAY OUT STRATEGIC ROADMAP FOR A STRONGER SCHOOL–COMMUNITY PARTNERSHIPPa...
07/08/2026

📍SPTA Officers and HPTA Presidents of BONBON NHS LAY OUT STRATEGIC ROADMAP FOR A STRONGER SCHOOL–COMMUNITY PARTNERSHIP

Para sa mas produktibo at makabuluhang Taong Panuruan 2026–2027, nagsagawa ng pagpupulong ang punong-g**o, katuwang ang pangulo ng SPTA na si G. Simplicio Neri at kanyang mga miyembro sa nasabing samahan, at ang mga pangulo ng HPTA upang talakayin ang Strategic Plans o Roadmap ng paaralan.

Sa nasabing pagpupulong, pinagtuunan ng pansin ang mga responsibilidad na nakaatang sa bawat miyembro at mga kongkretong hakbang kung paano higit na mapalakas ang partisipasyon ng mga magulang at iba pang stakeholders upang matagumpay na maisakatuparan ang mga nakaplanong programa, proyekto, at mga gawain ng paaralan.

Taos-puso ang aming pasasalamat sa lahat ng mga opisyal ng SPTA at sa mga pangulo ng HPTA sa inyong paglaan ng oras, at aktibong pakikilahok sa paanyaya ng paaralan.

Ang inyong suporta ay nagsisilbing matibay na pundasyon sa pagbuo ng isang mas maunlad at mas matatag na samahan para sa kapakanan ng ating mga mag-aaral.

Ito ay simula pa lamang. Sa sama-samang pagkilos, bukas na komunikasyon, at iisang layunin, makakamit natin ang mas marami pang tagumpay para sa Bonbon National High School.

MGA BENEPISYARYONG MAGULANG NG 4Ps, NAKIISA SA MATAGUMPAY NA CLEAN-UP DRIVE NG BONBON NHS!Ipinamalas ng mga benispisyary...
07/08/2026

MGA BENEPISYARYONG MAGULANG NG 4Ps, NAKIISA SA MATAGUMPAY NA CLEAN-UP DRIVE NG BONBON NHS!

Ipinamalas ng mga benispisyaryong magulang ng 4Ps mula Baitang 7 hanggang Baitang 12 ang kanilang buong pusong pakikiisa at malasakit sa Bonbon National High School sa pamamagitan ng aktibong paglahok sa isinagawang Clean-Up Drive.

Sa kabila ng pagod at iba't ibang responsibilidad, ipinakita nila ang kanilang kasipagan, pagkakaisa, at pagiging maaasahan sa paglilinis ng kapaligiran ng paaralan. Ang kanilang boluntaryong serbisyo ay naging malaking ambag sa pagpapanatili ng isang malinis, ligtas, at kaaya-ayang lugar para sa pagkatuto ng mga mag-aaral.

Lubos ang pasasalamat ng pamunuan ng paaralan sa lahat ng mga magulang na nakiisa sa gawaing ito. Ang inyong walang sawang suporta at pakikipagtulungan ay patunay na ang tagumpay ng paaralan ay bunga ng sama-samang pagkilos ng buong komunidad.

Maraming salamat po sa inyong dedikasyon at patuloy na pakikiisa para sa ikabubuti ng ating mga mag-aaral at ikagaganda ng Bonbon National High School.👏👏👏






Taos-pusong pasasalamat mula sa mga g**o ng Bonbon National High School sa pangunguna ng aming Pinuno ng Paaralan na si ...
04/08/2026

Taos-pusong pasasalamat mula sa mga g**o ng Bonbon National High School sa pangunguna ng aming Pinuno ng Paaralan na si G. Raymond G. Lolo sa matagumpay na Seremonya ng Paglilipat ng mga Lapel Voice Amplifier na buong-pusong ipinagkaloob ng Kagawaran ng Edukasyon.

Ang kagamitang ito ay malaking tulong upang higit na mapahusay ang pagtuturo ng mga g**o, mapangalagaan ang kalusugan ng kanilang boses, at maihatid nang mas malinaw at epektibo ang pagkatuto sa kanilang mga mag-aaral.

Kasabay nito, isinagawa rin ang pagtalakay sa Pandibisyong Memorandum Blg.. 350, s. 2026, na may pamagat na "Reiteration of Responsible Digital Citizenship, Professional Ethics, and Internal Grievance Processes Among DepEd Personnel."

Layunin nitong higit pang paigtingin ang kamalayan ng bawat kawani sa responsableng paggamit ng mga dihital na plataporma, pagsunod sa pamantayang etikal ng propesyon, at wastong pagsunod sa mga itinakdang proseso sa loob ng Kagawaran ng Edukasyon.

Sama-sama nating isabuhay ang propesyonalismo, pananagutan, at kahusayan sa paglilingkod para sa kapakanan ng ating mga mag-aaral at ng komunidad.

Sinimulan ng Bonbon NHS ang buwan ng  Agosto sa Pagtataas ng Watawat ng Piipinas sapagkat ipinagdiriwang ang Buwan ng Wi...
03/08/2026

Sinimulan ng Bonbon NHS ang buwan ng Agosto sa Pagtataas ng Watawat ng Piipinas sapagkat ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika na may temang _"WIKANG FILIPINO AT AI: KASANGKAPAN SA PANANALIKSIK AT TULAY SA YAMAN NG IMPORMASYON"_. Sa panahon ngayon, hindi na hadlang ang distansya at teknolohiya upang maipalaganap at mapayaman ang ating sariling wika.

Tungkulin nating gamitin ang makabagong kasangkapan tulad ng AI hindi para palitan ang ating pag-iisip, kundi para tumulong sa pananaliksik, pagkatuto, at pagpapalalim ng kaalaman tungkol sa kulturang Pilipino. Ang AI ay tulay, ngunit ang puso at diwa ay nananatiling Pilipino.

Kaya’t sabay-sabay nating itaas ang bandila ng ating wika. Mula baybayin hanggang sa digital na mundo, ipagmalaki natin kung sino tayo. Dahil ang wikang Filipino ay hindi lamang salita — ito ang kaluluwa ng ating lahi.

Mabuhay ang Wikang Filipino! Mabuhay ang BONBON NHS!

Address

Libon

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when RVAlbay Bonbon NHS posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category