01/06/2026
Taos-pusong pagbati sa lahat ng mga mag-aaral ng BSED Filipino na nagsipagtapos sa kolehiyo, lalo na sa mga nagkamit ng karangalan. Ang inyong tagumpay ay patunay ng inyong sipag, dedikasyon, at pagmamahal sa wikang Filipino at sa propesyong inyong tatahakin.
Bilang mga magiging g**o ng wika at panitikan, dala ninyo ang mahalagang tungkulin na pagyamanin at ipagmalaki ang ating sariling kultura at wika. Nawa’y magsilbi kayong inspirasyon sa mga susunod pang henerasyon ng kabataang Pilipino.
Tulad ng winika ni Francisco Balagtas:
“Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad sa bait at muni’t sa hatol ay salat.”
Nawa’y manatili kayong mapagpakumbaba, masipag, at handang maglingkod sa bayan sa pamamagitan ng edukasyon.
Muli, maligayang pagbati sa inyong natamong tagumpay! Mabuhay ang mga bagong g**o ng Filipino at congratulations, graduates!