26/03/2021
Early Registration for
School Year 2021-2022
Ang Pantao National High School po ay nakikiisa sa Early Registration na ipinapatupad ng DepEd para sa S. Y. 2021-2022 simula Marso 26 hanggang Abril 30, 2021.
Hinihikay po namin ang mga magulang na ipalista ang inyong mga anak na papasok sa Grade 7 at Grade 11 para sa taong panuruan 2021-2022. Makipag-ugnayan po sa Advisers (Grade 6 & 10) ng inyong anak, kung may intensyon pong dito sa Pantao NHS mag-aaral ang inyong anak, upang maisama sa listahan na aming hinihiling mula sa mga kalapit naming mga paaralan. Ito po ay isang paraan upang malimitahan ang face-to-face contact.
Ang mga transferees, balik-aral, at out-of-school youth (osy) ay malugod din naming tinatanggap, subalit kailangang magulang ang pupunta sa paaralan para sa pagpapalista. Mahigpit din na ipinapatupad ang health protocols para sa kaligtasan ng lahat.
Ang mga mag-aaral na in-coming Grade 8, 9, 10 at 12 ay hindi na kailangang magpalista dahil kayo ay pre-registered na alinsunod sa DepEd Memo No. 008 s. 2021.
Para sa mga karagdagang impormasyon, maari pong makipag-ugnayan sa numerong 09561237866 o kaya hanapin ang sumusunod:
Cristobal A. Sayago- School Head
Marilou A. Sedon- Enrolment In-charge (JHS)
Benedicta B. Aquiler- Enrolment In-charge (SHS)