28/08/2026
Taos-pusong pagbati Bb. Nicole Arriane SL Junio mula sa Homobono H. Gonzalez National HIgh School ng Bahay, Libmanan, Camarines Sur sa iyong pagkapanalo ng ika-apat na puwesto sa Panrehiyong Paligsahan sa Pagsulat ng Sanaysay sa patimpalak para sa Buwan Ng Wikang Pambansa 2026.
Tagapagsanay: Marife A. Mendoza
Punong-guro: Gilda A. Castaneda
PSDS: Marichu V. Del Rosario
Pagpupugay sa mga Nagwagi sa Panrehiyong Paligsahan sa Pagsulat ng Sanaysay sa Buwan ng Wika 2026 ๐ต๐ญ
Isang taos-pusong pagbati at pagpupugay ang ipinaaabot sa lahat ng mga nagwagi sa Panrehiyong Paligsahan sa Pagsulat ng Sanaysay kaugnay ng Pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2026. Ang inyong tagumpay ay patunay ng angking husay sa malikhaing pagpapahayag, masusing pag-iisip, at mataas na pagpapahalaga sa wikang Filipino bilang daluyan ng kaalaman, kultura, at pambansang pagkakakilanlan.
Ang pagkilala sa inyong mga akda ay hindi lamang tagumpay na pansarili, kundi isang mahalagang ambag sa patuloy na pagpapaunlad at pagpapayabong ng panitikang Filipino. Sa pamamagitan ng inyong mga panulat, naipamalas ninyo ang kapangyarihan ng wika sa pagbibigay-tinig sa mga kaisipan, karanasan, at adhikaing mahalaga sa sambayanang Pilipino.
Gagawaran ang mga nagwagi sa Panrehiyong Palatuntunan sa Pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa Agosto 31, 2026, I:00 n.h., Ayala Malls Lungsod, Legazpi.