15/12/2020
๐
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐
๐๐ ๐๐๐ ๐ฉ๐๐ฉ๐๐ญ๐ฎ๐ฉ๐๐ ๐ง๐ ๐๐ข๐ฆ๐ข๐ญ๐๐๐จ๐ง๐ ๐
๐๐๐-๐ญ๐จ-๐
๐๐๐ ๐๐ฅ๐๐ฌ๐ฌ๐๐ฌ
Disyembre 15, 2020 โ Malugod na tinatanggap ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ang pagpapahintulot ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte at ng gabinete sa pagpapatupad at pagpapasimulang muli ng face-to-face classes sa mga piling paaralan sa mga lugar na may mababang kaso ng COVID-19 sa buong buwan ng Enero 2021. Magbibigay ng mahalagang karanasan at kaalaman ang nasabing implementasyon sa DepEd sa pagbibigay ng pinal ng rekomendasyon ukol sa mas malawak na pagpapatuloy ng face-to-face classes.
Binibigyang-diin ng DepEd na ang pagsasagawa nito ay dadaan sa masusi at mahigpit na kondisyon:
โข Isasagawa lamang ang pagpapatupad nito sa mga lugar na nabibilang sa may mababang banta o kaso (o nasa ilalim ng Modified General Community Quarantine o MGCQ).
โข Kinakailangan din ang nagkakaisang tungkulin at responsibilidad mula sa DepEd, lokal na pamahalaan (LGU) at ng mga magulang para sa pagpapatupad nito.
โข Nararapat lamang na sundin ang mahigpit na panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan sa ating mga tahanan, sa panahong bibiyahe papunta at paalis ng paaralan, at sa loob ng eskwelahan.
Nais ding bigyang-linaw ng Kagawaran na ang partisipasyon ng mga mag-aaral sa naturang pag-aaral ay boluntaryo, kalakip ang pagpayag o pagsang-ayon ng kanilang mga magulang dito. Hindi isasagawa ang face-to-face classes sa buong linggo. Isasailalim ang mga mag-aaral sa hiwa-hiwalay na schedule, at babawasan din ang bilang ng mga estudyante sa mga silid-aralan upang masunod ang tamang physical distancing.
Nagsumite na rin ang Regional Directors sa Kalihim ng Edukasyon para sa mga napili nilang paaralang isasama sa pag-aaral. Malalaman ang mga limitadong pampublikong paaralan na makakalahok dito bago matapos ang buwan kasabay ang pagsusuri ng kanilang pagsunod at kahandaan na nakaayon sa risk classification, dokumentadong ulat ukol sa kanilang responsibilidad sa mga mag-aaral at classroom management plan, at panuntunang pang-kalusugan sa tahanan, tuwing aalis at sa loob ng paaralan.
Matapos na mapili, sasailalim ang mga paaralan, LGUs, mag mag-aaral at magulang sa masusing orientation at kumpirmasyon ng kanilang kaalaman at kahandaan bago ang aktwal na pagpapatupad ng face-to-face classes.
Mahigpit na babantayan ng DepEd ang pagpapatupad nito sa tulong ng COVID-19 National Task Force (NTF). Inaanyayahan din ang mga katuwang na organisasyon na magbigay suporta, puna o tugon, at tulong na makalikom at makabuo ng mga kakailanganin upang masiguro ang tagumpay ng programa.
[English version: https://www.deped.gov.ph/2020/12/15/official-statement-on-the-pilot-implementation-of-limited-face-to-face-classes/]