SCA, LBI. Fil-Eng Club 2025-2026

Directions

SCA, LBI. Fil-Eng Club 2025-2026

🇵🇭✨ PINOY HENYO: EDISYONG BUWAN NG WIKA AT TEKNOLOHIYA ✨🇵🇭🗣️ “Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tula...
01/09/2026

🇵🇭✨ PINOY HENYO: EDISYONG BUWAN NG WIKA AT TEKNOLOHIYA ✨🇵🇭

🗣️ “Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon”

Handa na ba kayong subukin ang inyong talino, bilis, at husay sa paghula? 🧠💡

Bilang bahagi ng ating pagdiriwang ng Buwan ng Wika, magkakaroon ng Pinoy Henyo sa darating na:

📅 Setyembre 4, 2026
👥 2 kinatawan bawat seksyon
💰 Registration Fee: ₱50 bawat kinatawan (₱100 bawat seksyon)

Bukas, iikot ang mga officers ng Fil-Eng Club upang alamin ang mga magiging kinatawan ng bawat seksyon at kolektahin na rin ang registration fee.

📌 Mahalagang Paalala: Kahit walang makakasali o hindi makikilahok ang isang seksyon, kinakailangan pa rin nitong bayaran ang registration fee.

📢 Ang iba pang mahahalagang detalye tungkol sa paligsahan ay ipaaalam bukas sa pag-iikot ng ating mga officers.

Makilahok, matuto, at magsaya! 🌟
Tuklasin ang talino sa wika at teknolohiya sa isang larong siguradong puno ng kaalaman, saya, at hamon! 🇵🇭🤖🧠

🖼️: Marah Sale ( G8 REPRESENTATIVE )
✍🏼: Sigrid Croy M. Villan ( COORDINATOR )

PAANYAYA CLARENIANS! Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2026, ang Fil-Eng Club ay magsasagawa ng Spelling Bee...
27/08/2026

PAANYAYA CLARENIANS!

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2026, ang Fil-Eng Club ay magsasagawa ng Spelling Bee.

Tema:
“Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon”

Ang Spelling Bee ay isang paligsahan na susubok sa kaalaman, kasanayan, at wastong pagbabaybay ng mga kalahok sa wikang Filipino.

📅 Petsa: Agosto 28, 2026
⏰ Oras: 3:30 PM
📍 Tagpuan: Stage
📝 Gagamitin: Bond Paper at Panulat

Inaanyayahan ang mga mag-aaral na makilahok at ipakita ang kanilang kahusayan sa wastong paggamit at pagbabaybay ng wikang Filipino.

Makiisa, matuto, at ipamalas ang husay sa bawat titik!

🖼️: Marah Sale
✍🏼: Hannary Endozo

PAANYAYA CLARENIANS! Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2026, ang Fil-Eng Club ay magsasagawa ng Pagsulat ng ...
27/08/2026

PAANYAYA CLARENIANS!

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2026, ang Fil-Eng Club ay magsasagawa ng Pagsulat ng Sanaysay (Essay Writing).

Tema:
“Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon”

Ang mga kalahok ay susulat ng isang sanaysay na maglalahad ng kanilang mga kaisipan at pananaw na may kaugnayan sa tema ng pagdiriwang.

📅 Petsa: Agosto 28, 2026
⏰ Oras: 3:30 PM
📍 Tagpuan: Library
📝 Gagamitin: Yellow Pad at Panulat

Inaanyayahan ang mga mag-aaral na makilahok at gamitin ang kanilang kakayahan sa pagsulat upang maipahayag ang kanilang mga ideya tungkol sa Wikang Filipino, AI, at makabagong panahon.

Isulat ang iyong kaisipan, ipahayag ang iyong pananaw, at maging bahagi ng pagdiriwang ng ating wika!

🖼️: Yzabel Margarette Parado
✍🏼: Hannary Endozo

Yohooo dito ang tingin! Magandang Gabi Clarenians! 💗✨ Kaway-kaway sa mga estudyanteng magpapakita ng kagalingan sa pag-s...
26/08/2026

Yohooo dito ang tingin! Magandang Gabi Clarenians! 💗✨ Kaway-kaway sa mga estudyanteng magpapakita ng kagalingan sa pag-sagot! A, B o C? Ikaw, saan ka kung ikaw ay isa sa kanila? 🤔

Tara lets, tara tara tara let—tara sumali tayo!
Isa ka man, okay lang! kung gusto groupings hati hati ng sagot okay lang din! basta tatlo lang kayo walang lalagpas! Hep hep hep hep! Magkasunod lang din ang individual at group quiz bee kaya wag mag aalala mga bhie!

Huwag mahiyang sumali kung may tinatago kang aking galing pagdating sa pag-sagot! Halika, halika! Sumagot sa mga katanungan. Pero teka, sinagot ka na ba? Hayts, olats tayo d’yan. 😆
Magkita-kita tayo bukas! Agosto 27, 2026, saan? Sa puso mo este, sa Covered Court ng SHS, 3:30 PM! 🫶

Alinsunod ito sa tema nating “Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon.”📚🤖

Sali na, sali na! Huwag palampasin ang pagkakataon na ipakita ang iyong galing at kaalaman! 💪✨ Kita-kits tayo, Clarenians! ❤️🇵🇭

🖼️: Marah Sale
✍🏼: Carol Dulutan

MAGANDANG ARAW, CLARENIANS! 🇵🇭✨Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2026, matagumpay na naisagawa ngayong araw ...
26/08/2026

MAGANDANG ARAW, CLARENIANS! 🇵🇭✨

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2026, matagumpay na naisagawa ngayong araw ang mga aktibidad ng Fil-Eng Club—Digital Poster Making, Collage Making, at Bidyokasiya! 📸

Sa pamamagitan ng mga ito, naipamalas ng ating mga Clarenians ang kanilang pagkamalikhain, husay, at pagpapahalaga sa Wikang Filipino, kasabay ng makabuluhang paggamit ng AI, teknolohiya, at impormasyon.

Sa temang “Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon,” patuloy nating ipinagdiriwang ang wika bilang tulay ng kaalaman, kultura, at makabagong panahon. 🇵🇭

🖼️: Yzabel Margarette Parado
✍🏼: Romarie Almojuela

BIDYOKASIYA 2026: Tinig para sa Wastong Impormasyon! Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2026 ng Saint Claire ...
25/08/2026

BIDYOKASIYA 2026: Tinig para sa Wastong Impormasyon!

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2026 ng Saint Claire Academy, inaanyayahan ang lahat na makilahok sa Bidyokasiya—isang gawaing naglalayong magpalaganap ng kamalayan tungkol sa wastong paggamit ng wikang Filipino, responsableng paggamit ng AI, at tamang pag-unawa at paggamit ng digital na impormasyon.

Ano ang gagawin?
Ang mga kalahok ay gagawa ng isang bidyo na naglalayong magbigay-kaalaman at magtaguyod ng responsableng paggamit ng Filipino, AI, at digital na impormasyon.

📅 Petsa: Agosto 24–28, 2026
⏰ Oras: 3:30 PM
📍 Tagpuan: Library

Gamitin ang inyong tinig, talento, at pagkamalikhain upang maging bahagi ng isang makabuluhang adhikain!

🖼️: Yzabel Margarette Parado
✍🏼: Hannary Endozo

📢 PAANYAYA CLARENIANS!Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2026, ang Fil-Eng Club ay magsasagawa ng Collage Mak...
25/08/2026

📢 PAANYAYA CLARENIANS!

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2026, ang Fil-Eng Club ay magsasagawa ng Collage Making.

Tema:
“Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon”

Ang mga kalahok ay bubuo ng isang malikhain at makabuluhang collage na naglalarawan sa ugnayan ng kulturang Pilipino, Wikang Filipino, teknolohiya, at makabagong panahon.

📅 Petsa: Agosto 26, 2026
⏰ Oras: 3:30 PM
📍 Tagpuan: Senior High School Court

Inaanyayahan ang mga mag-aaral na ipakita ang kanilang pagkamalikhain at pagpapahalaga sa kulturang Pilipino sa pamamagitan ng isang makabuluhang collage.

Makilahok at ipakita ang kulay ng kulturang Pilipino sa makabagong panahon!

🖼️: Marah Sale
✍🏼: Hannary Endozo

📢 PAANYAYA CLARENIANS!Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2026, ang Fil-Eng Club ng ay magsasagawa ng Digital ...
25/08/2026

📢 PAANYAYA CLARENIANS!

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2026, ang Fil-Eng Club ng ay magsasagawa ng Digital Poster Making.

Tema:
“Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon”

Ang mga kalahok ay gagawa ng isang digital poster na naglalahad ng mensahe tungkol sa kahalagahan ng Wikang Filipino at sa responsableng paggamit ng AI bilang kasangkapan sa pagkatuto at pananaliksik.

📅 Petsa: Agosto 26, 2026
⏰ Oras: 3:30 PM
📍 Tagpuan: Senior High School Court
💻 Gagamitin: Digital device na maaaring gamitin sa paggawa ng poster

Inaanyayahan ang mga mag-aaral na makilahok at gamitin ang kanilang pagkamalikhain at kaalaman sa paggawa ng isang makabuluhang digital poster.

Makilahok at ipakita ang makabuluhang ugnayan ng wika, teknolohiya, at edukasyon!

🖼️: Marah Sale
✍🏼: Hannary Endozo

MAGANDANG ARAW CLARENIANS! Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2026, ang Fil-Eng Club ay nagsagawa ng Pagbuo n...
25/08/2026

MAGANDANG ARAW CLARENIANS!

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2026, ang Fil-Eng Club ay nagsagawa ng Pagbuo ng Tula at Paggawa ng Slogan.

Tula na galing sa puso, slogan na may malalim na diwa—ito ang ating munting handog para sa Buwan ng Wika. Gamit ang sariling wika, ipinapakita natin ang ating kultura, kasaysayan, at pagiging matatag na bayang nagmamahalan at nagtutulungan. 📜✒️

Ang mga kalahok ay bumuo ng orihinal at makabuluhang mga gawa na nagpapakita ng ugnayan ng Wikang Filipino, AI, pananaliksik, at makabagong teknolohiya.

🖼️: Yzabel Margarette Parado
✍🏼: Jenina Fagandoy

PAANYANYA MGA CLARENIANS!Ngayong Buwan ng Wika 2026, panahon na upang hayaang magsalita ang iyong panulat! Lumahok sa PA...
24/08/2026

PAANYANYA MGA CLARENIANS!

Ngayong Buwan ng Wika 2026, panahon na upang hayaang magsalita ang iyong panulat!

Lumahok sa PAGSULAT NG TULA at lumikha ng isang orihinal na akda na maaaring tumalakay sa wika, kultura, teknolohiya, AI, impormasyon, o pagkakakilanlang Pilipino.

Tema: “Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon”

📝 Gagamitin: Yellow Pad Paper, Ballpen
📅 Petsa: Agosto 25, 2026
⏰ Oras: 3:30 PM
📍 Tagpuan: Library

Huwag hayaang manatili sa isip ang iyong mga salita—gawin itong tula at hayaang marinig ang iyong tinig!

🖼️: Yzabel Margarette Parado
✍🏼: Hannary Endozo

Address

Brgy. 4
Lian
4216

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SCA, LBI. Fil-Eng Club 2025-2026 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category