16/08/2026
๐๐๐ญ๐ข๐ฆ๐ฉ๐๐ฅ๐๐ค ๐ฌ๐ ๐๐ฎ๐ฐ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐ข๐ค๐ ๐๐๐๐, ๐ญ๐๐ฆ๐ฉ๐จ๐ค ๐ฌ๐ ๐๐๐ฅ๐จ ๐๐๐
Matagumpay na inilunsad ng Palo National High School (Palo NHS) nitong ๐ถ๐ธ๐ฎ-๐ญ๐ฐ ๐ป๐ด ๐๐ด๐ผ๐๐๐ผ ang ibaโt ibang patimpalak bilang bahagi ng pagdiriwang ng ๐๐๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐ช๐ถ๐ธ๐ฎ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ, alinsunod sa temang โ๐๐๐ ๐๐ฃ๐ ๐๐๐ก๐๐ฅ๐๐ฃ๐ค ๐๐ฉ ๐ผ๐: ๐๐๐จ๐๐ฃ๐๐ ๐๐ฅ๐๐ฃ ๐จ๐ ๐๐๐ฃ๐๐ฃ๐๐ก๐๐ ๐จ๐๐ ๐๐ฉ ๐๐ช๐ก๐๐ฎ ๐จ๐ ๐๐๐ข๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐๐ข๐ฅ๐ค๐ง๐ข๐๐จ๐ฎ๐ค๐ฃ,โ upang maipamalas ng mga mag-aaral ang kanilang talento, husay, at pagkamalikhain.
Kabilang sa mga patimpalak ang ๐ง๐ฎ๐ต๐ถ-๐๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐๐ฎ๐ป, ๐๐ถ๐๐๐ฎ๐น๐ถ๐๐ฎ, ๐ฎ๐ ๐ฃ๐ฎ๐ด๐ธ๐๐ธ๐๐๐ฒ๐ป๐๐ผ, na naglalayong maipamalas ng mga mag-aaral ang kanilang talento, pagkamalikhain, at husay sa paggamit ng wikang Filipino.
Sa Tahi-Larawan, ipinamalas ng mga kalahok ang kanilang kakayahan sa pagbuo ng maikling kuwento batay sa mga litratong naglalaman ng mga ideyang may kaugnayan sa tema ng Buwan ng Wika.
Bukod pa rito, ginamit naman ng mga kalahok sa Biswalita ang ibaโt ibang biswal na elemento upang maihatid nang malinaw at malikhaing paraan ang kanilang mensahe sa madla.
Hindi rin nagpahuli ang mga kalahok sa Pagkukuwento, kung saan ipinamalas nila ang kanilang husay sa pagsasalaysay, pagbigkas, at paggamit ng wikang Filipino upang maihatid nang malinaw at makabuluhan ang kanilang mga kuwento.
Layunin naman ng paaralan na higit pang mapaunlad at mapalalim ang pagpapahalaga ng mga mag-aaral sa wikang Filipino, panitikan, at kulturang Pilipino.
Samantala, magpapatuloy pa ang ibaโt ibang aktibidad ng paaralan bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika ngayong taon, kabilang ang KwizPinoy na gaganapin sa darating na Lunes.
โ๐ป: ๐บ๐๐๐๐๐ ๐บ๐๐๐๐
๐ธ: ๐ฑ๐๐๐๐๐๐ ๐ฉ๐๐๐๐๐๐๐, ๐ช๐๐๐๐ ๐ด๐๐๐๐๐๐๐, at ๐ฒ๐๐๐๐๐๐ ๐ฉ๐๐๐๐๐๐๐
๐ป: ๐ฎ๐๐๐๐๐๐๐ ๐ญ๐๐๐
I via Ang Duyan