17/08/2026
Ipinaabot ng buong DepEd Dionisio P. Vito NHS- Batangas Province ang taos-pusong pasasalamat at mainit na pagbati sa ating Dionihigh Karakultura Dancers and Movers sa pagkamit ng CML Choice Award sa katatapos lamang na Street Dancing Competition!
Mula pa lamang sa unang araw ng inyong pagsasanay, ipinakita ninyo ang dedikasyon at tiyaga. Kahit may bagyo, hindi kayo sumuko at patuloy na nagsanay para maibigay ang inyong pinakamahusay na performance.
Maraming salamat din po sa ating mga magulang na walang sawang sumuporta sa kanilang mga anak at sa paaralan. Ang inyong pag-unawa, pagtitiwala, at presensya ay malaking bahagi ng tagumpay na ito.
Lubos din po kaming nagpapasalamat sa buong DPVito NHS Faculty and Staff sa pangunguna ni Sir Dino Villanueva Busilig , para sa inyong buong-pusong suporta, walang kapagurang effort, at paggabay sa ating mga mag-aaral mula umpisa hanggang sa huli, sa mga naging punong abala para sa paghahanda ng ating karakultura, Ma'am Rhona De Villa Hernandez , Sir Francis Pasumbal, Sir Jayson Tenorio at Ma'am Quel Alcazar , Class advisers, Maraming salamat po.
Gayundin, taos-pusong pasasalamat sa Esteban E. Vito MES Faculty and Staff para sa inyong ipinaabot na tulong pinansyal na malaking tulong at tulak sa ating mga dancers.
Bukod dito, maraming salamat din kina Ate Rubielyn Aldea Atienza at kay Maβam Malou sa patuloy na suporta at pag-aasikaso sa ating mga choreographers habang tayo ay nagsasanay. Maraming salamat din po sa mag-asawa ni Ate Lyn at sa Eautopia Water Refilling Station sa FREE 21 Gallon ng tubig sa kabuuan ng ensayo at FREE 100 bottles na tubig para sa araw ng competitionβmalaking tulong po ito sa amin. Gayundin kay Sir Jayson Boa Tenorio para sa 100 bottles ng Mineral water para sa ating dancers.
Kay PTA Pres. Ate Lea D. De Castro at sa lahat ng miyembro ng PTA, maraming salamat po sa inyong palaging pagsuportaβmula sa ating Zumbayanihan hanggang sa paghahanda at pagluluto ng LIBRENG almusal para sa ating lahat. Malaking bagay po ang inyong pagmamalasakit.
Hindi rin po namin makakalimutang pasalamatan ang pamilya ni Jairus Ryco Pilapil sa kanilang pagsuporta sa ating mga batang Dionihigh sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng meryenda. Maraming salamat po!
Taos-pusong pasasalamat din po sa ating mga Punong Barangay sa kanilang walang sawang pagsuporta sa ating paaralan:
Kap. Leonardo Atienza ng Brgy. Dita
Kap. Reynaldo Magnaye ng Brgy. Cahilan I
Kap. Armando Eguia ng Brgy. Cahilan II
Maraming salamat din po kay Maβam Emmylou Arcilla para sa pag-accommodate sa ating mga choreographer at mga mag-aaral.
Maraming salamat din kina Kuya Joemar Joejane Pasumbal, Kuya Pamping, at kay Kuya Erwing Magnaye at Silverio Huertas para sa truck na ginamit sa paghahakot at pag-aasikaso ng ating mga props. Hindi magiging madali ang lahat kung wala ang inyong tulong.
Salamat din kina Ma'am Donnabel P. Garcia, Justine Pacia, at Sir Mark Neil BendaΓ±a para sa kanilang mahusay na voice-over recording.
Damang-dama naming lahat ang inyong suporta. Ang bawat sakripisyo, oras, at tulong na inyong ibinigay ay naging inspirasyon upang maibigay nila ang kanilang pinakamahusay na sayaw.
At siyempre, maraming salamat sa ating mga choreographers, sa pangunguna nina Sir Guilla Bilale Tangonan at Sir John Lenard Cueto, para sa inyong mahabang pasensya at walang sawang paggabay sa ating mga bata.
Hindi man tayo ang nag-uwi ng pinakamataas na parangal, ang CML Choice Award at ang ipinakita ninyong husay at pagmamahal sa paaralan ay isang tagumpay na hindi matutumbasan ng anumang tropeo.
PANALO KAYO SA PUSO NAMIN!
At tandaan ninyo, ang huling sayaw ninyo para sa Dionisio ay nag-iwan ng magagandang alaala at nagdala ng karangalan sa ating paaralan. Ipinagmamalaki namin kayo!
Maraming salamat at mabuhay ang Dionihigh Karakultura Dancers and Movers!