03/05/2022
๐๐๐ง๐๐ก๐ ๐๐๐๐๐ : Malayang Pahayagan ng 9-SSC. ๐งฌ
๐๐ฎ๐ฟ๐ฑ๐ ๐ผ๐๐ & ๐ฅ๐ฒ๐๐ฟ๐ถ๐ฒ๐๐ฎ๐น ๐ถ๐๐ถ๐ป๐ฎ๐ด๐ฎ๐๐ฎ ; ๐๐
๐ฝ๐ฎ๐ป๐ฑ๐ฒ๐ฑ ๐๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐๐ซ-๐ฆ๐ฆ๐ ๐ป๐ฎ๐ด๐๐ถ๐บ๐๐น๐ฎ ๐ป๐ฎ.
Idinaos ang pirmahan ng marka ng mga estudyante ng Baitang 9, pangkat Special Science Class kasama ang, pagbabalik ng mga nasagutang module, sa unang dalawang linggo ng ikaapat na markahan.
Naganap ang nasabing pangyayari noong Ika- 29 ng Abril, alas otso hanggang alas-diyes ng umaga.
Pinangunahan ito ng kanilang gurong tagapayo na si Ginoong Sherwin Salazar, na nakaabang sa bawat magulang na darating.
Naglagay ng walong kahon si G. Salazar sa labas ng silid, upang magsilbing tagahiwalay ng mga nasagutan sa bawat asignatura.
" Masaya ako sa natanggap kong marka. Blessed at nakaka flatter dahil bihira lang makatanggap ng ganon kataas na marka. Proud rin ako sa sarili ko dahil nakikita ko ang kinakalabasan ng hardwork ko at willing akong gumawa pa ng much better at mag aral pa nang mabuti. " Ani Mary Lyza Alcaraz, isang mag-aaral ng 9-SSC
Naging matagumpay ang pagdaos ng nasabing pangyayari.
Samantala naman, nagsimula na ang expanded face to face class ng 9-SSC, noong Abril 19, kasabay ang iba pang baitang.
Inaasahang babalik muli sila pagkatapos ng halalan 2022.
Isinulat ni : John Miel Reyes
Iniwasto ni: Zhaicie Delizo
Larawan nina: Jhun Bricks Maglunog & Mary Lyza Alcaraz
Disenyo ni: Julee Xyrelle Maneja