08/06/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐: ๐๐๐ง๐ข๐๐๐ ๐จ๐ง๐ ๐๐๐จ๐ง๐ ๐๐๐ง๐ฎ๐ซ๐ฎ๐๐ง, ๐๐ข๐ง๐๐ฅ๐ฎ๐๐จ๐ง๐ ๐ง๐
๐ ๐๐ฅ๐๐ญ ๐ง๐ข: ๐๐๐ซ๐ค ๐๐ซ๐ฏ๐ข๐ง ๐๐ฅ๐๐ง๐๐จ
๐ผ๏ธ ๐๐ซ๐๐ฉ๐ข๐ค๐จ ๐ง๐ข: ๐๐๐๐๐ซ๐๐ฒ ๐. ๐๐ฅ๐๐ฒ๐ซ๐๐ฌ
๐ธ ๐๐๐ซ๐๐ฐ๐๐ง ๐ง๐ข: ๐๐ข๐ฆ ๐๐ฎ๐ฌ๐จ๐ง
๐ ๐๐๐ ๐๐ฉ๐๐ฒ๐จ: ๐๐๐๐ฅ๐๐ ๐. ๐๐ขรฑ๐๐ฌ
Matagumpay na isinagawa ng Mataas na Paaralan ng Gogon ang programang โKumustahan sa Gogon Highโ ngayong Hunyo 8, 2026, bilang mainit na pagtanggap sa mga mag-aaral para sa Taong Panuruan 2026โ2027.
โSa pambungad na bahagi, ipinakilala ang mga Tagapangulo sa Bawat Antas, mga Tagapag-ugnay ng Asignatura, mga g**o, kawaning pampangasiwaan, at ang mga bagong opisyal ng Kataas-taasang Pamahalaan ng mga Mag-aaral sa Sekundarya (SSLG). Layunin nitong mapagtibay ang ugnayan ng mga mag-aaral sa mga gabay ng kanilang akademikong paglalakbay. Kasabay nito, opisyal na ring sinimulan ng SSLG ang kanilang paglilingkod upang itaguyod ang kapakanan ng bawat Gogonian.
โIsang oryentasyon din ang isinagawa ukol sa pagpapatupad ng Nirebisang Kurikulum. Tinalakay rito ang mga bagong patakaran at kasanayang nakatuon sa mas de-kalidad na pagkatuto, upang maging malinaw sa mga mag-aaral ang direksyong tatahakin ng paaralan.
โLubos namang pinasalamatan ng komunidad ang Pinuno ng Paaralan na si G. Jerry Nicol, at Katuwang na Pinuno na si G. Delfin Bolaรฑos Jr., sa kanilang dedikasyon at pamumuno sa matagumpay na aktibidad.
โSa pagkakaisa ng mga g**o, kawani, at mag-aaral, ang Kumustahan sa Gogon High ay naging isang makabuluhang simula upang maihanda ang bawat Gogonian sa isang taong puno ng pagkatuto at tagumpay.