03/08/2026
Ang bawat salita ay nagsisilbing tulay tungo sa kaalaman, kultura, at pagkakakilanlan. Sa pagsisimula ng Buwan ng Wika 2026, buong galak na nakiisa ang Cuyaoyao National High School sa temang “Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon.”
Sa pangunguna ng ating masigasig na Filipino Coordinator, Bb. Maria Alyssa Soria, at ng ating Punong-Guro, G. Marcos P. Garcia III, matagumpay na isinagawa ang pambungad na programa bilang hudyat ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2026.
Nagsimula ang programa sa panalangin, sinundan ng pag-awit ng Pambansang Awit, Panunumpa sa Katapatan sa Watawat ng Pilipinas, Panunumpa ng Lingkod Bayan, pagbigkas ng Bisyon, Misyon at Pangunahing Halagahan ng DepEd, Patakaran ng Kalidad ng DepEd, pag-awit ng Himno ng Albay, Martsa ng Bicol, at Himno ng Sangay ng Albay/Paaralan. Nagbigay rin ng mensahe si Bb. Soria na nagbigay-diin sa kahalagahan ng Wikang Filipino bilang puso ng ating pagkakakilanlan at sa responsableng paggamit ng Artificial Intelligence (AI) bilang kasangkapan sa pananaliksik at pagpapalawak ng kaalaman.
Nawa’y maging makabuluhan ang pagdiriwang na ito at magsilbing inspirasyon sa bawat mag-aaral na patuloy na pahalagahan, gamitin, at pagyamanin ang ating sariling wika kasabay ng makabagong teknolohiya.
Mabuhay ang Wikang Filipino! Mabuhay ang Buwan ng Wika 2026!