24/08/2026
๐ฉ๐๐ข๐๐๐ก๐๐ ๐๐๐๐๐ก๐ฆ๐ง ๐ช๐ข๐ ๐๐ก ๐๐ก๐ ๐ง๐๐๐๐ฅ ๐๐๐๐๐๐ฅ๐๐ก (๐ฉ๐๐ช๐): ๐๐ง๐๐๐จ๐ฌ๐ข๐ ๐๐ก๐ ๐ฃ๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐, ๐๐ช๐๐ฆ๐๐ก ๐๐ก๐ ๐๐๐ฅ๐๐๐๐ฆ๐๐ก.
Ang bawat babae at bata ay may karapatang mamuhay nang may dignidad, respeto, at kaligtasan. Walang sinuman ang dapat makaranas ng pisikal, sikolohikal, seksuwal, o ekonomikong pang-aabuso sa loob o labas ng tahanan.
Sa ilalim ng Republic Act No. 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act, pinoprotektahan ang kababaihan at mga anak laban sa anumang uri ng karahasan. Hinihikayat ng Philippine National Police ang sinumang biktima o nakaaalam ng insidente ng pang-aabuso na huwag matakot magsumbong at humingi ng tulong sa kinauukulang awtoridad.
Ang paggalang, pagmamahal, at pagkalinga sa pamilya ang pundasyon ng isang ligtas at maunlad na pamayanan.
"Wakasan ang Karahasan, Itaguyod ang Pagmamahalan."
"Protektahan ang Kababaihan at Kabataan."
"Ligtas na Pamilya, Matatag na Pamayanan."