24/04/2022
Kaugnay ng Buwan ng Panitikang Filipino ang mga mag-aaral sa Programang Doktor ng Pilosopiya sa Filipino partikular ang mga kumukuha ng asignaturang PhD Fil 313 – Panulaan at Tuluyang Filipino ay magsasagawa ng isang pananaliksik forum sa pamamagitan ng webinar na may paksang “TUKLAS KARUNUGANG-BAYAN: Hamon sa Kontemporaneong Panahon” bilang pagtamo sa layunin ng kurso na; Pagtalunton sa mga naging landasin ng iba’t ibang anyo ng panitikan tungo sa pagkakaroon ng pagkakataong makasulat ng gayong anyo. Pag-aaral at pagsusuri sa pagkaunlad ng mga anyo ng panitikan at pagkilala sa mga makata at manunulat na makapag-ambag sa kaunlarang ito. Alinsunod sa Proklamasyon Bilang 968 na nilagdaan noong 2015. Sa pangunguna ng Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining (NCCA), Komisyon sa Wikang Filipino (KWF); at Pambansang Lupon para sa Pagpapaunlad ng Aklat (National Book Development Board – Philippines), isinasagawa tuwing buwan ng Abril ang Buwan ng Panitikan.
Bilang pagpapataas ng kakayahan at kaalaman sa kalagayan ng Wika at Panitikang Filipino sa makabagong panahon. Kaugnay po nito,Inaanyayahan po kayong dumalo.Karangalan ang makasama po kayo sa araw na ito. 🥰😏