23/06/2026
Message from Coach Dhel
Nakakalungkot at nakababahala ang mga nagaganap na insidente kung saan may mga kabataang nasasangkot sa paggawa ng krimen. Bilang mga magulang, g**o, at mga lider ng komunidad, tungkulin nating gabayan at protektahan ang ating mga anak upang hindi sila maligaw ng landas.
Mahalagang gampanan ng bawat magulang ang kanilang responsibilidad sa pamamagitan ng tamang pagdidisiplina, paggabay, at masusing pagmo-monitor sa kanilang mga anak. Ang bukas na komunikasyon at matibay na ugnayan sa loob ng pamilya ay mahalagang susi upang maagapan ang mga suliraning maaaring kaharapin ng mga kabataan.
Kasabay nito, hinihikayat ko rin ang mga paaralan, g**o, at guidance counselors na magsagawa ng mga hakbang upang matukoy at matugunan ang mga pangangailangan ng mga mag-aaral. Ang pagbibigay ng psychological evaluation, counseling, at iba pang intervention programs ay makatutulong upang mabigyan ng tamang suporta ang mga kabataan.
Mahalaga ring maging bahagi ang mga magulang sa mga prosesong ito upang magkaroon ng close monitoring at mas epektibong paggabay sa kanilang mga anak. Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos ng pamilya, paaralan, at komunidad, maiiwasan natin ang pag-uulit ng mga ganitong pangyayari at matutulungan nating lumaki ang ating mga kabataan bilang responsableng mamamayan.
– Coach Dhel