16/02/2025
Magandang araw sa inyo!
Narito ang mga larawan na kuha noong Oktubre 2, 2024, sa aming pagganap ng maikling palabas na pinamagatang "FORBIDDEN LOVE." Ang mensahe nito sa mga manonood ay, "Ang lahat ay pantay-pantay, anuman ang tungkulin o trabaho, basta't marangal ito, ay katanggap-tanggap sa ating lipunan." Dagdag pa rito, "Huwag kalimutan ang pagbibigay-respeto sa ating mga magulang, piliin ang magpatawad, at magmahal ng walang kapalit."
Maraming salamat sa lahat ng dumalo at nanood ng aming palabas. Nawa'y may napulot kayong aral at sana'y nagbigay ito ng inspirasyon sa inyo upang labanan ang mga pagsubok sa buhay at sa pag-ibig. Nawa'y magamit ninyo ang mga napulot ninyong aral sa aming palabas sa pang-araw-araw na hamon sa inyong buhay at maging daan ito upang makamit ninyo ang inyong mga pangarap. Manatiling matatag at huwag sumuko.
Nais rin naming iparating ang aming pasasalamat sa aming g**o sa Theater Arts, si Ma'am Angelica, sa pagbibigay ng payo at gabay sa paggawa ng aming produksyon.
Hanggang sa susunod na palabas, mga ka-Teatro!