Values Formation: Excellence
Edukasyon sa Pagpapakatao Club - CHS
ESP Club of Cabangan High School
10/01/2022
Mga gabay sa paglinang ng buhay na may integridad.
20/12/2021
Congratulations to CHSians for winning various during the Filipino Values Month contests.
Annica Kim Drio
1st Place-Values Monograph
Coach: Cesar CariƱo Jr.
Angela Malaregis
1st Place-Virtual Spoken Poetry
Coach: Marife Banania
Alfonso Ybrahim Mammah
Earl Jade Clyde Llaguno
Sunshine Paular
2nd place-Values Tiktok Challenge
Coach: Jefrey Ubas Rizo
20/12/2021
13/12/2021
Values Restoration Program
Week 2 - Integrity
INTEGRIDAD: ISANG MAHALAGANG SANGKAP NG MABUTING PAMUMUHAY
Isa sa mga mahahalagang ideyang ipinahayag ng pilosopong si Aristotle ay ang pagiging sentral ng kaligayahan sa buhay ng tao. Ayon sa kanya, ang bawat pagpapahalga ay umaayon lamang sa unibersal na pangangailangan ng tao na makamit ang mabuting pamumuhay (Eudaimonia). Walang taong nanaisin para sa kanyang sarili ang pagdurusa. Ang paggawa ng kabutihan at paglinang ng mga pagpapahalaga ay nakatutulong sa pag-abot ng isang buo at masaganang buhay.
Kung ating susuriin ang ideyang ito, makikita natin na hindi kasali sa adhikaing nakaukol sa kaligayahan ang bulag na paghahangad ng yaman o karangalan. Ang kaligayahan ayon sa pilosopikal na pagpapaliwanag ni Aristotle ay hindi nasusukat sa mga bagay na nakamit ng isang tao. Binubuo ito ng mga pasya at ang walang tigil na paglinang ng sarili tungo sa kung ano ang mabuti.
At hindi natin madadaya ang ating mga sarili. Tayo ang unang kumikilatis sa ating mga kilos at gawa. Maaari tayong makadama ng pagkalugod sa tuwing napupuri ng ibang tao ang ating mga kilos. Masarap sa pakiramdam ang mapansin at makatanggap ng parangal. Subalit, higit kaninuman, ang ating mga sarili ang pangunahing nakauunawa ng katotohanan sa likod ng ating mga kilos. Ano ba ang ating mga intensyon sa paggawa ng mabuti? Gumagawa ba tayo nito upang mapansin at umani ng papuri? Ano ba ang ating mga pagpapahalaga sa buhay? Hindi ba tayo nagsisinungaling sa ating mga sarili?
Ang mga tanong na ito ang huhusga sa ating pagkatao. Kung hindi buo ang ating mga pagpapahalaga at pagkilala sa ating mga sarili, wala tayong maisasagot sa mga katanungang ito. Bakit natin dadayain ang ating mga sarili kung alam natin na hindi ito ang landas tungo sa mabuting pamumuhay? Maraming tao ang nakadarama ng labis na hiya at maging p**t sa kanilang mga sarili. Hindi nila magawang magnilay sa harap ng salamin sapagkat naroon ang mapait na katotohanan sa likod ng kanilang mga gawa.
Kaya't napakahalaga ng integridad sa buhay ng isang tao. Ang pagiging buo ng ating mga sarili sa bawat desisyon na ating nililikha ay nagdudulot ng kapanatagan at kompiyansa. Hindi ba't nakalulugod ang isang buhay na malaya at walang kailangang itago? Hindi ba't mas maluwag sa pakiramdam kapag hindi tayo nagpapanggap? Mas mainam ang buhay na malaya nating naipapakita ang ating mga kalakasan, kahinaan at personal na pagpapahalaga. Ang positibong pagkilala sa sarili ay nag-uugat sa karakter at integridad.
Isa ring mahalagang sangkap ang integridad sa kalusugang pangkaisipan. Ayon sa mga pag-aaral sa larangan ng sikolohiya, ang pagmamahal sa sarili ang isa sa mga aspetong nakadaragdag sa mga positibong pakiramdam at nagdudulot ng "positive well-being." Matututunan nating mahalin ang ating mga sarili kung nakikilala natin ito. Ang paggawa ng mga bagay na naaayon sa sariling pananaw at pagpapasya ay nakatutulong sa pagpapayabong ng mga personal na kalakasan. Hindi ito posible kung ang isang tao ay patuloy na magpapanggap at maghahangad lamang ng positibong opinyon ng ibang tao. Papaano natin iibigin ang ating mga sarili kung nakaasa lamang ang "self-esteem" natin sa kung ano ang sasabihin ng iba? Ang pagkakaroon ng integridad -- ang matalinong pagpapasya at pagkilos batay sa mga pansariling pagpapahalaga -- ang tumutulong sa pag-usbong sa pag-ibig na ito. Marahil ay tama nga si Aristotle: ang bawat pagpapahalaga ay nakaukol sa kaligayahan at ang mabuting buhay.
Ngunit, marapat lamang na kilalanin din natin ang ating mga limitasyon. Ang imperpeksyon ng buhay ng tao ay isang hamon sa atin na mas linangin pa ang ating mga pagpapahalaga. Maaari tayong magkamali't matisod sa pang-araw-araw nating mga pamumuhay. Sadyang kumplikado ang mundo at tayo ay patuloy na hinahamon nito. Ang buhay na may integridad ang siyang dapat nating maging layunin sapagkat susi ito sa isang buhay na mabuti. Katotohanan ang siyang dapat na maging pundasyon ng ating mga kilos at pasya.
Values Restoration Program
Week 1 - Unity and Fellowship
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Website
Address
Cabangan
Legazpi
4500