26/06/2026
MAHALAGANG IMPORMASYON MULA SA SEMINAR NG ADADAIT LEGAZPI SA SHS.
Buong tapat naming ibabahagi sa inyo ang mga mahahalagang detalye mula sa isinagawang seminar ng ADADAIT Legazpi sa SHS ukol sa pag-iwas sa iligal na droga. Layunin po ng impormasyong ito na maging gabay ng paaralan sa paggabay at pagprotekta sa ating mga mag-aaral. Ibinabahagi rin namin ito lalo na para sa mga mag-aaral ng GHS.
Para sa Pag asa ng Bayan! Taos puso namin sainyo ibabahagi ang mga mahahalagang detalye mula sa isinagawang seminar ng ADADAIT Legazpi sa SHS ukol sa pag-iwas sa iligal na droga. Layunin po ng impormasyong ito na maging gabay ng paaralan sa paggabay at pagprotekta sa ating mga mag-aaral.
Ano ang mga Layunin ng Programang Ito?
Ang pangunahing mithiin ng ADADAIT ay mailapit sa mga paaralan ang tamang kaalaman upang:
Makilala at Matukoy: Malaman kung ano nga ba ang mga iligal na droga, ang mga dahilan kung bakit napapasok dito ang isang tao, at ang mga sintomas o senyales ng paggamit nito.
Epekto at Solusyon: Maunawaan ang masamang epekto nito sa kalusugan at matukoy ang mga nararapat gawin upang maiwasan ito, lalo na kung may napansing senyales sa isang mag-aaral.
Kaalaman sa Batas: Maipabatid ang mga kaparusahan sa ilalim ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ligal vs. Iligal na Droga
Mahalagang maipaliwanag sa mga bata na hindi lahat ng "droga" ay masama.
Ang mga iligal na droga ay ang mga gamot na inireseta ng doktor at nabibili sa mga rehistradong botika tulad ng The Generics Pharmacy o Botika ng Bayan (halimbawa: Paracetamol Biogesic).
Ang mga iligal na droga naman na karaniwang talamak sa Pilipinas ay ang Shabu, Ma*****na, at Ecstasy.
Ang Katotohanan sa Likod ng "Shabu"
Ang Shabu o M**hamphetamine Hydrochloride ay kilala rin sa mga kalye sa tawag na Bato, M**h, Suyop, Lingo, Badlis, o Butang. Mukha man itong puting kristal, ang totoo ay gawa ito sa mga nakalalasong kemikal sa bahay tulad ng:
* Acetone (panlinis ng kuko)
* Hydrochloric Acid o Muriatic Acid
* Drain Cleaner o Liquid Soap
* Lithium galing sa mga baterya
* Ephedrine (isang mapanganib na drogang nakasisira ng utak) at Toluene (kemikal sa pintura at pandikit).
Karaniwan itong ginagamit sa pamamagitan ng pag-ineksyon (pagtusok gamit ang hiringgilya) o kaya ay pagsinghot at paghitit.
Kaalaman Tungkol sa Ma*****na
Ang Ma*****na o Cannabis ay madalas ding tawaging Pot, Damo, Grass, W**d, Dope, MJ, Chongki, Mary Jane, o G***a. Bukod sa karaniwang paghithit o pagsinghot nito, may mga gumagamit din nito sa pamamagitan ng pag-inom (nilalagay sa inumin) o kaya ay direktang pagnguya.
Sama-sama Nating Protektahan ang mga Mag-aaral
Kung mayroon kayong mapansin na kahina-hinalang aktibidad o kung kailangan ninyo ng tulong para sa isang mag-aaral, maaari po kayong direktang makipag-ugnayan sa
CADAC Legazpi:
Hotline: 0912-2526865Facebook
Page: CADAC Legazpi
Email: [email protected]
Maaari niyo itong gamiting gabay sa mga susunod na homeroom guidance o seminars sa paaralan. Maraming salamat po sa inyong walang-sawang paggabay sa kabataan!