28/09/2025
Ipinagpatuloy ng BUCEILS-HS ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa ikalawang araw nito. Sa pamamagitan ng mga pagtatanghal, naipadama ang kahalagahan ng Wikang Filipino bilang sagisag ng kultura, pagkakaisa, at pagkakakilanlan.
Hindi lamang ito nagbigay-aliw kundi naghatid din ng aral at inspirasyon na magsisilbing paalala ng mahalagang papel ng wika sa paghubog ng kabataan at ng pamayanan.
Hiraya Manawari. ๐ธ๐ต๐ญโจ