D.A. lebak chapter

D.A. lebak chapter Sharing knowledge Therefore, kinakailangang ikhlas kayo sa pagpasok dito. To be a member of this organization is a responsibility.

Asalamu Alaikum warahmatullahi wabarakatuhu �

Do you want to be part of DA'WAH ANNISA'EYYAH COMMITTEE or Lumpukan No Mga Babay Bangenggat Ko Agama Islam? Come and be with us! �

� Please send us your message including the following:

√ Your name
√ Address in philippines (para alam namin anong branch ka ipasok)
√ contact # optional
√ Why do you want to join?

� WHAT YOU NEED TO KNOW ABOUT D.A.C �


� Ang D.A.C team ay bukas sa lahat ng nais sumali sa amin ng buong puso, dito sa middle east o sa pilipinas.

� Ang aming layunin ay makatulong sa pagpapalaganap ng katuruan ng islam sa pilipinas at makatulong sa mga maliliit na bagay sa aming kapwa lalong-lalo na sa aming mga kapatid na mga muslimah. Hangarin nito na ma encourage ang aming pamilya, kamag-anak, relatives, kaibigan at mga kapatid sa islam sa mga ganitong programa at maipamalas sakanila kung ano ang tinatawag na "SISTERHOOD IN ISLAM" In Shaa Allah.

� Meron kaming iba't ibang activities online sa aming groups at lessons para sa mga members naming nandito sa ibang bansa. We've already conducted a various programs in philippines since 2017 like Islamic Symposiums, free Iftar programs, etc.

� Ang D.A.C members and admins ay hindi po mga ustadsa bagkus karamihan sakanila ay mga kapatid din nating mga pasaway noon na kung saan unti-unting natuklasan at napag aralan ang tamang katuruan ng islam sa social media sa gabay ng ALLAH (s.w.t). Kung kaya't nagtutulungan kami paano madagdagan ang aming kaalaman at maging isang mabuting muslimah In shaa Allah.

� D.A.C ay branch ng JUM'EYYATUL INMA LITTAB'SIRAH na pinamumunuan ng aming mga Ustads na siya ding gumagabay sa amin sa pamamalakad ng organisasyong ito.

� WHAT YOU NEED TO KNOW TO BE A MEMBER�

� Alam nating hindi madali ang daan patungong paraiso, or i should say we can't enter jannah without hardships. At kailangan ninyo ang sabr, tyaga, at ikhlas bilang sandata bago pumasok dito.

� Kailangang alam ninyo kung ano ang layunin ninyo bakit kayo sasali sa organization na ito. Wa Billahit Tawfeek Walhidayah �

Thank you,
Admin Rãinë �
By:JIL-MANAGEMENT

Dear Sisters!
09/04/2026

Dear Sisters!

12/02/2026

❗️𝐕𝐀𝐋𝐄𝐍𝐓𝐈𝐍𝐄’𝐒 𝐃𝐀𝐘, 𝐏𝐈𝐍𝐀𝐆𝐌𝐔𝐋𝐀𝐍 𝐀𝐓 𝐏𝐀𝐍𝐀𝐍𝐀𝐖
𝐍𝐆 𝐈𝐒𝐋𝐀𝐌 𝐃𝐈𝐓𝐎❗️

Noong ika-4 na siglo, ang Ancient Rome ay nagkakaroon ng Pagan Festival, o pagdiriwang para sa kanilang mga diyos-diyusan, na nagaganap tuwing kalagitnaan ng Pebrero. At ito ay kilala rin bilang Lupercalia Festival, na isinasagawa nila bilang pasasalamat kay Lupa, isang babaeng lobo, na siyang nagpagatas umano sa kambal na si Romulus at Remus, na nagtatag ng Rome. At nagsisimula ang pagdiriwang na ito sa pamamagitan ng pag-aalay ng mga hayop sa kanilang mga diyos-diyusan.

At kabilang sa mga nabanggit, ay may dumaan na panahon sa Rome na ipinagbawal ng emperador sa mga sundalo ang magkaroon ng asawa, dahil nagiging dahilan daw ito ng kahinaan. At may isang pari na lihim na ikinakasal ang mga sundalo at ang kanilang mga kasintahan. At nang malaman ito ng emperador, ay ipinabitay niya ang pari na yaon, at ito ay naganap sa ika-14 ng Pebrero. At ang pangalan ng pari na yaon ay Valentine.

At bilang paggunita, pagdakila, at pagbabanal kay Father Valentine, ay ipinag-utos ng Simbahang Katolika na magdiwang tuwing sasapit ang ika-14 ng Pebrero, kaya ginawa nilang Kristiyanong ritwal ang mga paganong pagdiriwang na nagaganap tuwing kalagitnaan ng Pebrero, at tinawag nila itong Valentine’s Day.

At ang mga larawan naman na lumalaganap tuwing Valentine’s Day, na batang lalaki na may pakpak, na may dalang pana at mga palaso, ay tinatawag nilang Kupido, na itinuturing ng mga Romano na Diyos ng pag-ibig.

Ibig sabihin, ang pagdiriwang ng Valentine’s Day ay malinaw na PANG-RELIHIYON NA PAGDIRIWANG na isinasagawa ng mga hindi muslim, mula man sa pinagmulan nito sa Ancient Rome, hangga’t sa ipangalan kay Father Valentine. Kungkaya, MARIING IPINAGBABAWAL sa Islam ang pakikibahagi sa pagdiriwang na ito.

At sinumang muslim ang makibahagi sa pagdiriwang na ito, tulad ng pagbati sakanila ng “Happy Valentine’s Day” o sa pamamagitan ng pagsusuot ng kulay p**a, o pagbibigay ng mga Greeting Cards, o sa kahit na anumang paraan na may ugnay sa okasyon na ito, ay katotohanan na siya ay nakagawa ng gawaing kinamumuhian ni Allah (Subhanahu wa taala), samakatuwid ay nakagawa ng Haram, bagkus magiging kabilang sa kanila.

Sinabi ni Allah (Subhanahu wa taala):

﴿وَقَدْ نَزَّلَ عَلَيْكُم فِي الكِتَابِ أَنْ إِذَا سَمِعْتُم آيَاتِ اللَّهِ يُكْفَرُ بِهَا وَيُسْتَهزَأُ بِهَا فَلَا تَقْعُدُوا مَعَهُم حَتَّى يَخُوضُوا فِي حَدِيْثٍ غَيْرِهِ إِنَّكُم إِذًا مِثْلُهُم﴾ [النساء: ١٤٠]

“At inihayag sa inyo sa aklat, na kapag narinig niyo ang mga talata ni Allah na sinusuway ang mga ito, at hinahamak ang mga ito, ay huwag kayong umupo (o makisama) sa kanila, hangga’t sa pasukin nila ang usapin na iba dito, (sapagkat kung kayo ay kasama nila sa ganung kalagayan ay) tunay na kayo kung ganun, ay tulad nila.”

At iyan ay pinagtanto ng Rasulullah (SallAllahu alayhi wa sallam), Kanyang sinabi:

«مَنْ تَشَبَّهَ بِقَوْمٍ فَهُوَ مِنْهُم.» [الإمام أحمد في مسنده: 5114، ابن أبي شيبة في مصنفه: 19401، أبو داود في سننه: 4031، الطبراني في المعجم الأوسط: 8327، البيهقي في شعب الإيمان: 1154، وصححه الألباني في الإرواء: 2384]

“Sinuman ang tumulad sa isang pangkat (o nasyon), ay siya ay kabilang sa kanila.”

Ang ibig sabihin ng naturang talata at hadeeth, ay sinuman ang makisama sa mga gumagawa ng MA’SIYAH (kasalanan) ay kabilang sakanila, sinuman ang makisama sa mga gumagawa ng KUFR (nagpapalabas sa Islam) ay kabilang sakanila, at sinuman ang makisama sa mga gumagawa ng SHIRK (pagtatambal) ay kabilang sakanila.
[Yundhar: Tafseer Al-qurtubiy: 5/418]

At ang pagdiriwang ng Valentine’s Day ay hindi lamang kasalanan, bagkus pasok rin sa Shirk, dahil tulad ng nabanggit natin sa itaas, na ito ay ipinagdiriwang ng mga Romano bilang pagdakila sa mga diyos-diyusan, at ng mga kristiyano bilang paggunita kay Father Valentine. IYAN AY TUNAY NA TALIWAS SA TAHWEED.

At ang Shirk ay walang katumbas na kasalanan, sinabi ni Allah (Subhanahu wa taala):

﴿إِنَّ اللهَ لَا يَغْفِرُ أَنْ يُشْرَكَ بِهِ وَيَغْفِرُ مَا دُونَ ذَلِكَ لِمَنْ يَشَاءُ وَمَنْ يُشْرِكْ بِاللهِ فَقَدْ ضَلَّ ضَلَالًا بَعِيدًا﴾ [النساء: 116]

“Katiyakan na si Allah ay hindi Niya ipapatawad ang itambal Siya, at ipapatawad niya ang iba doon (iba sa Shirk) sa sinumang naisin Niya, at sinuman ang itambal niya si Allah ay tunay na naligaw nang pagkaligaw na malayo.”

Kanya pang sinabi:

﴿إِنَّهُ مَنْ يُشْرِكْ بِاللهِ فَقَدْ حَرَّمَ اللهُ عَلَيْهِ الجَنَّةَ وَمَأْوَاهُ النَّارُ﴾ [المائدة: 72]

“Katiyakan na sinuman ang itambal niya si Allah ay tunay na ipinagbawal ni Allah sa kanya ang Paraiso, at ang patutunguhan niya ay ang Apoy (ng Impiyerno).”

At sa panahon ngayon, tuwing ika-14 ng Pebrero, ay nagaganap ang isa sa mga itinuturing na malaking kasalanan sa Islam, ang Zina (pangangalunya), at iyan ay batid ng karamihan. At masakit isipin na maraming muslim ang nakikigaya at tumatangkilik sa madungis na gawaing ito. Iyan lamang ay sapat na na kamuihan ang pagdiriwang na ito.

At kung sasabihin na bakit bawal ang pagdiriwang sa araw na ito, kung ang pakay lang naman ay upang ipahayag ang pagmamahal sa mga mahal sa buhay?

Ang sagot niyan, maliban pa sa mga nabanggit sa itaas, ay ang Islam ay GANAP NA PARAAN NG PAMUMUHAY NA ISINABATAS NI ALLAH, na itinuturo dito ang pagmamahalan, pagmamahal sa magulang, sa asawa, sa pamilya, sa kamag-anak, at sa kapwa, at hindi tinatangi ang mga araw ng pagmamahalan, bagkus ito ay kalakip ng araw-araw na pamumuhay ng isang Muslim, at iyan ay may napakaraming teksto mula sa Qur’an at Sunnah.

والله أعلم.

✍️: 𝑺𝒉𝒂𝒚𝒌𝒉 𝑨𝒎𝒆𝒓 𝑴. 𝑷𝒖𝒏𝒅𝒐𝒈𝒂𝒓

✨
12/02/2026

اللَّهُمَّ بَلِّغْنَا رَمَضَان 🤲PH TIME: 4:00 AM po! See yah! IN SHAA ALLAH
11/02/2026

اللَّهُمَّ بَلِّغْنَا رَمَضَان 🤲
PH TIME: 4:00 AM po!

See yah! IN SHAA ALLAH

Assalamo alaikom warahmatullah wabarakatuh..

Mapia maudto/malulem to all Filipino Bangsamoro
Anyway We are coming back na hihiram ng mga oras nyo at dadaan sa mga Newsfeeds nyo..

By the Way our Program Online here at the organization Addawato Annisae na pinamumunuan ng aming B.O.D. shiekh Muhammad A Dipatuan حفظه الله and our President Guiaria Idris Bulhan...
Sisimulan Ulit in this Month of February INSHAA ALLAH...
At ang ating 1st Program ay pinamagatang
استقبال رمضان
Kung saan ang ating unang Speaker or magiging Speaker ay si Ustadh Al-Majester Abura'fiah Ulama حفظه الله
At ang kanyang magiging Topic ay
كيف نستقبل رمضان؟
Ito ay gaganapin on February ¹⁶ 2026 Monday -11pm Middle east Time at gaganapin powh sa STREAMYARD ngunit kami powh ay mag LA'LIVE dito powh sa Page powh na ito...
Together with

Like b4 magkakaroon tayo ng open Forum and Questions and answer portion at mag seselect den kami sa mga Sharers ng bibigyan namin ng load or Gcash Inshaa Allah

Jazaakum Allahu khayran powh

Address

Lebak Sultan Kudarat
Lebak
9605

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when D.A. lebak chapter posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share