DepEd Pantay Elementary School - Batangas Province

Call Directions Contact the school

DepEd Pantay Elementary School - Batangas Province Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from DepEd Pantay Elementary School - Batangas Province, Education Website, Sitio Pantay, Brgy. Buso/buso, Batangas, Laurel.

TAOS-PUSONG PASASALAMAT! Taos-pusong pasasalamat ng Pantay Elementary School sa LAUREL MUNICIPAL TOURISM, CULTURE AND AR...
20/09/2026

TAOS-PUSONG PASASALAMAT!

Taos-pusong pasasalamat ng Pantay Elementary School sa LAUREL MUNICIPAL TOURISM, CULTURE AND ARTS OFFICE para sa makabuluhan at inspirasyong PHOTOGRAPHY WORKSHOP na nagbigay ng pagkakataon sa ating mga mag-aaral na matuto, malinang ang kanilang talento, at higit pang mapalawak ang kanilang kaalaman sa larangan ng photography.

Lubos din nating ipinagmamalaki at pinasasalamatan sina QUEENZEL A. LANCETA at KHATE ASHLEY C. RODRIGUEZ, mga mag-aaral ng Pantay Elementary School, sa kanilang aktibong pakikilahok at dedikasyon sa nasabing programa.

Taos-pusong pasasalamat din kay Ma'am Aenjel A. Cabello sa kanyang walang sawang paggabay, suporta, at pag-alalay sa ating mga batang kalahok.

Ang ganitong mga programa ay nagsisilbing daan upang matuklasan at malinang ang talento at potensyal ng ating mga mag-aaral. Maraming salamat sa pagbibigay ng pagkakataong matuto, lumikha, at makita ang mundo sa pamamagitan ng lente ng kamera.

Maraming salamat po, Laurel Municipal Tourism, Culture and Arts Office!
Patuloy nating suportahan ang talento at pagkamalikhain ng ating mga kabataan!

TAOS-PUSONG PASASALAMAT SA ATING BARANGAY OFFICIALS AT BARANGAY TANOD! Lubos ang pasasalamat ng Pantay Elementary School...
17/09/2026

TAOS-PUSONG PASASALAMAT SA ATING BARANGAY OFFICIALS AT BARANGAY TANOD!

Lubos ang pasasalamat ng Pantay Elementary School sa ating mga masisipag na Barangay Officials at Barangay Tanod sa kanilang patuloy na suporta, malasakit, at pagbabantay para sa kaligtasan ng ating mga mag-aaral.

Ang inyong presensya at pakikiisa ay malaking tulong upang mapanatili ang ating paaralan bilang isang ligtas, maayos, at child-friendly na learning environment.

Sa bawat pagbabantay sa gate, pag-alalay sa mga bata, at pakikiisa sa mga gawain ng paaralan, ipinapakita ninyo ang tunay na diwa ng Bayanihan para sa Edukasyon.

Maraming salamat po sa inyong walang sawang serbisyo at suporta sa Pantay Elementary School!

Sama-sama para sa ligtas na paaralan at mas magandang kinabukasan ng ating mga mag-aaral!

TAOS-PUSONG PASASALAMAT, PCAPT NARCISO MALABANAN! Taos-puso ang aming pasasalamat kay PCAPT NARCISO MALABANAN, Chief Fin...
17/09/2026

TAOS-PUSONG PASASALAMAT, PCAPT NARCISO MALABANAN!

Taos-puso ang aming pasasalamat kay PCAPT NARCISO MALABANAN, Chief Finance/Logistic Officer, RCSU NCR, sa kanyang bukal sa pusong donasyon para sa mga mag-aaral ng Kindergarten ng Pantay Elementary School.

Ang kanyang ipinagkaloob na tulong ay inilaan para sa pagbili ng TV Stand na gagamitin ng ating mga batang mag-aaral bilang karagdagang kagamitan sa kanilang pagkatuto, storytelling, at iba pang makabuluhang gawaing pang-edukasyon.

Ang simpleng kagamitang ito ay malaking tulong upang maging mas maayos, makabuluhan, at masaya ang learning experience ng ating mga batang Kindergarten.

Maraming salamat po, PCAPT Narciso Malabanan, sa inyong malasakit, kabutihang-loob, at suporta sa edukasyon. Ang inyong kabutihang ipinakita ay magsisilbing inspirasyon at malaking ambag sa patuloy na paghubog sa kinabukasan ng ating mga mag-aaral.

Mula po sa buong pamilya ng Pantay Elementary School, maraming-maraming salamat po!

MARAMING SALAMAT PO, COUNCILOR LEIZL DE CASTRO! Taos-pusong pasasalamat ang hatid ng Pantay Elementary School kay Commit...
16/09/2026

MARAMING SALAMAT PO, COUNCILOR LEIZL DE CASTRO!

Taos-pusong pasasalamat ang hatid ng Pantay Elementary School kay Committee on Education Councilor Liezl De Castro sa kanyang makabuluhang pagbisita sa ating mga mag-aaral sa Kindergarten.

Maraming salamat po sa pagbibigay ng mga regalo at sa masayang storytelling activity na naghatid ng ngiti, saya, at inspirasyon sa ating mga batang mag-aaral.

Ang inyong oras, malasakit, at suporta para sa edukasyon at sa ating mga kabataan ay tunay na aming pinahahalagahan. Maraming salamat po sa inyong pagmamahal at pagmamalasakit sa mga batang Pantayeño!

Happy birthday, Ma'am Karen Del Mundo - Natanauan ! God bless
14/09/2026

Happy birthday, Ma'am Karen Del Mundo - Natanauan ! God bless

PANTAY ES WARRIORS, NAKILAHOK SA SPORTS AND ATHLETIC MEET 2026! Buong puso at pagmamalaki nating ipinagdiriwang ang paki...
10/09/2026

PANTAY ES WARRIORS, NAKILAHOK SA SPORTS AND ATHLETIC MEET 2026!

Buong puso at pagmamalaki nating ipinagdiriwang ang pakikilahok ng Pantay Elementary School sa Laurel Sub-Office Sports and Athletic Meet 2026!

Ipinamalas ng ating mga batang atleta ang kanilang husay, tapang, disiplina, determinasyon, teamwork, at tunay na sportsmanship. Higit sa panalo at medalya, ang kompetisyon ay naglalayong linangin ang talento at kakayahan ng mga mag-aaral sa sports, palakasin ang kanilang disiplina at tiwala sa sarili, itaguyod ang teamwork at sportsmanship, at mahubog ang kanilang pisikal, mental, at sosyal na pag-unlad.

CONGRATULATIONS, PANTAY ES WARRIORS!

Ipinagmamalaki natin ang ating mga atleta na nakamit ang:

3RD PLACE – ATHLETICS BOYS-ELEMENTARY
4 × 100m RELAY

-MARK NIEL ATIENZA
-CARL SANDER LUCERO
-KING ZYRUS REYES
-NATHANIEL AGOJO

Ang inyong sipag, tiyaga, disiplina, at pagtutulungan ay nagbunga ng isang kahanga-hangang tagumpay. Ang inyong 3rd Place finish ay patunay na ang bawat pagsasanay at sakripisyo ay may magandang resulta.

Taos-pusong PASASALAMAT sa ating mga magulang sa walang sawang suporta, paghahatid, pag-aalaga, at pagbibigay ng inspirasyon sa ating mga batang atleta.

Maraming salamat din sa ating SPTA Officers sa patuloy na pakikiisa at suporta sa mga programa at gawain ng paaralan.

Isang espesyal na pasasalamat kay Barangay Captain Hon. Froilan Sarmiento sa kanyang malasakit at suporta sa ating mga batang Pantayeño. Ang inyong pagtulong ay malaking inspirasyon sa ating mga atleta.

At higit sa lahat, maraming salamat sa ating mga masisipag at dedikadong g**o at coaches na gumabay, nagsanay, at naglaan ng oras at puso upang maihanda ang ating mga batang atleta.

Sa panalo man o pagkatalo, bawat laban ay pagkakataong matuto, lumakas, at maging mas mahusay. Ang bawat Pantay Warrior ay isang tunay na kampeon!

PANTAY ES WARRIORS — LUMABAN NANG BUONG PUSO, MAGLARO NANG MAY DISIPLINA, AT IPAGMALAKI ANG PANTAY!

PANTAY ES RESEARCHERS SHOWCASE INNOVATIVE STUDIES IN THE 2026 LAUREL SUB-OFFICE RESEARCH CARAVANPantay Elementary School...
07/09/2026

PANTAY ES RESEARCHERS SHOWCASE INNOVATIVE STUDIES IN THE 2026 LAUREL SUB-OFFICE RESEARCH CARAVAN

Pantay Elementary School proudly showcases the creativity, dedication, and research skills of its teacher-researchers and learners during the 2026 Laurel Sub-Office Research Caravan.

Through their innovative studies, the Pantay ES researchers demonstrate how research can generate meaningful ideas, address educational challenges, and contribute to improved teaching and learning practices.

Adding to this achievement, Pantay Elementary School was awarded 100% PARTICIPATION in the SMALL SCHOOL CATEGORY, recognizing the school’s collective commitment and active involvement in promoting a strong culture of research and innovation.

This participation and recognition reflect Pantay ES’s continuing commitment to fostering a culture of research, innovation, collaboration, and excellence.

Congratulations, Pantay ES Researchers!
Your passion for inquiry, innovation, and continuous improvement continues to inspire and make a difference in education!

03/09/2026

Simultaneous School Safety Drill on Shooting Incident and Lockdown

Matagumpay na isinagawa sa Pantay Elementary School
ang Simultaneous School Safety Drill on Shooting Incident and Lockdown
bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng kahandaan, kamalayan, at kaligtasan
ng buong school community sa panahon ng emergency.

Layunin ng gawaing ito na maihanda ang mga mag-aaral,
g**o, at kawani sa wastong pamamaraan ng pagtugon sa isang emergency
situation, partikular sa pagpapatupad ng tamang lockdown procedures, upang
maprotektahan ang buhay at mapanatili ang kaayusan at seguridad sa paaralan.

Taos-puso ang aming pasasalamat sa Philippine
National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), Barangay Officials,
Barangay Tanods, mga magulang, at iba pang katuwang ng paaralan sa kanilang
mahalagang pakikiisa at suporta upang maging matagumpay ang gawaing ito.

Ang kaligtasan ng bawat mag-aaral ay pananagutan ng buong komunidad. Sa pamamagitan ng sama-samang paghahanda, pakikiisa, at pagtutulungan, mas nagiging handa tayo sa anumang hamon at panganib.

Pantay Elementary School proudly participated in the District Schools Press Conference on September 3, 2026, showcasing ...
03/09/2026

Pantay Elementary School proudly participated in the District Schools Press Conference on September 3, 2026, showcasing the skills, talents, and journalistic spirit of our young campus journalists.

“Sa oras ng panganib, ang kahandaan ay nagliligtas ng buhay.”Matagumpay na isinagawa sa Pantay Elementary School ang Sim...
03/09/2026

“Sa oras ng panganib, ang kahandaan ay nagliligtas ng buhay.”

Matagumpay na isinagawa sa Pantay Elementary School ang Simultaneous School Safety Drill on Shooting Incident and Lockdown bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng kahandaan at kaligtasan ng buong school community sa panahon ng emergency.

Layunin ng drill na maihanda ang mga mag-aaral, g**o, at kawani sa wastong pagtugon at pagsasagawa ng lockdown procedures upang mapanatili ang kaligtasan at kaayusan sa paaralan.

Taos-puso ang aming pasasalamat sa PNP, BFP, Barangay Officials, Barangay Tanods, mga magulang, at iba pang katuwang ng paaralan sa kanilang pakikiisa at suporta sa matagumpay na gawaing ito.

Ang kaligtasan ay pananagutan ng lahat. Sama-sama para sa isang ligtas, handa, at matatag na paaralan!

Address

Sitio Pantay, Brgy. Buso/buso, Batangas
Laurel
4221

Telephone

+639126234119

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Pantay Elementary School - Batangas Province posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to DepEd Pantay Elementary School - Batangas Province:

Shortcuts

Share