19/04/2020
Isang Tula ng Pag-asa at Pagpupugay sa lahat ng Pilipino
sa gitna ng Krisis na ito๐
Sa Bayan ni Juan ๐ต๐ญ
Mahirap pero kakayanin,
Yan ang pusong lumalaban sa COVID19,
Madilim ngunit may liwanag din,
Sa paghahanap ng lunas,
upang virus na pahirap puksain.
Malabo ngunit lilinaw,
Kung sa pananampalataya'y di bibitaw,
Sinusubok ngunit sa virus di papatalo,
Pagkat dugong Pilipino, nananalaytay sa ugat ko.
Sa gitna nitong unos,
Pag-ibig at pagtutulungan sya mong ibuhos,
Makakaahon nang sama-sama,
kung lahat ng taoy magkakaisa.
Frontliners naming magigiting,
Bayani kayong maituturing,
Sa laban na ito'y tayo'y magkahawak kamay,
Pagkat batid kong kaligtasan ng lahat sa inyo nakasalalay.
Sa bayan ni Juan,
We heal as One,
Tatalima sa payong Bahay muna,
Pagkat Buhay muna syang dapat mauna.