Ricardo Dizon Canlas Agricultural High School Senior High School

Ricardo Dizon Canlas Agricultural High School Senior High School SHS offers

Official List of SHS Students 2021-2022
11/09/2021

Official List of SHS Students 2021-2022

13/07/2020

RICARDO DIZON CANLAS AGRICULTURAL SCHOOL PROMOTIONAL VIDEO

12/07/2020

BAYANIHAN SA PAARALAN
Sa minamahal po naming mga magulang, alumni, kaibigan at kapamilya na handang tumulong sa Ricardo Dizon Canlas Agricultural School ,kami ay kumakatok sa inyong mga ginintuang puso upang maging katuwang sa paghahanda sa darating na pasukan. Ang Brigada Eskwela at Oplan Balik Eskwela ay opisyal na pong sinimulan nitong Hunyo 1 at magtatapos sa ika-31 ng Agosto 2020. Ang kasalukuyang pandemya na atin pong nararanasan ay asahan po ninyo na hindi magiging hadlang para sa pagkatuto ng ating mga anak at sa pagkakaroon ng ligtas na paaralan para sa mga g**o at magulang na kukuha ng modules ng kanilang mga anak.
Narito po ang ilan sa mga pwede ninyong maging donasyon:
1. Thermal scanner
2. Alcohol
3. Anti-bacterial Soap
4. Face Shields/ Face Mask/ Gloves
5. School Supplies ng mga mag-aaral (Notebook, ballpen, pencil, envelope, longpad, crayon etc.)
6. Multivitamins
7. Cleaning tools ( bleach, foot bath etc.)
8. Bondpaper, Ink ( Para po sa Printing ng Modules)
Anuman po ang inyong maipagkakaloob ay lubos naming pasasalamatan.Pagpalain po kayo ng Poong Maykapal.
Maraming salamat po!


BE ALWAYS A BLESSINGTO OTHERS...GOD will return the blessing a hundred folds❤

29/05/2020

MAGANDANG ARAW PO!

Sa mga minamahal na magulang at mag aaral at ng RICARDO DIZON CANLAS AGRICULTURAL SCHOOL, gayundin sa lahat ng mamamayan ng BAYAN NG LAUR at mga nasasakupang barangay… ipinagbibigay alam po sa lahat na ang enrolment po para sa Taong Aralan 2020-2021 ay magsisimula na sa June 1, 2020 at magtatapos sa June 30, 2020.
Sa mga hindi pa po nakakapag enrol thru online ay maaari po kayong mag text,tumawag sa dati nilang adviser sa nakaraang school year o mag message upang mailista ang inyong anak sa taong panuruan 2020-2021..WALA PO MUNANG PUPUNTA SA PAARALAN para magpalista dahil sa pamamagitan po ng TEXT o TAWAG ang inyong mga anak po ay ENROLLED na. Kami po ay makikipag-ugnayan sa ating mga barangay officials upang ihatid sa inyong mga tahanan ang enrolment form .Ang enrolment form po na ito ay may mga kinakailangan datos o impormasyon tungkol sa inyong anak gayundin ang inyong saloobin tungkol sa paraan ng pagtuturo na nais ninyo. Mangyari lamang pong idala ang enrolment form na ito sa ikatlong linggo ng Hunyo, 2020 sa paaralan at ihulog sa nakatalagang kahon na lagayan ng enrolment form.
Ang Kagawaran po ng Edukasyon ay gumagawa ng paraan para po maipagpatuloy ang pag-aaral ng inyong mga anak na hindi po malalagay sa kapahamakan ang kanilang kalusugan. Kaya po hinihiling namin sa mga minamahal naming mga magulang na huwag mag-alala.
Hintayin na lang po natin ang abiso ng Kagawaran ng Edukasyon kung anu-anong paraan ang dapat po sa ating mga anak sa panahon ng pandemic na ito na dulot ng COVID 19 pero sigurado po na walang Face to Face na paraan ng pag-aaral.
Ipanalangin po natin sa ating Panginoon na matapos na ang pandemyang ito at maging ligtas na po ang lahat.
Kung may mga katanungan po kayo huwag po kayong mag - atubiling tumawag sa mga g**o o makipag-ugnayan po sa pamamagitan ng facebook o messenger.
Keep Safe Everyone! Maaari po ninyong tawagan o i-text ang mga sumusunod para sa inyong katanungan tungkol sa pagpapalista:
JESSICA P. FRANCISCO School Principal 0943 500 5727
JOCELYN A.ELEFANTE Head Teacher 09185368686/09750269875
VENUS GRACE D.SANTOS ICT- Coordinator 09329518238/09061517116
JOAN GRACE P. LADIA Enrolment Focal Person Grade 10 09351024726
KIM JHONES C.DEL ROSARIO Enrolment Focal Person Grade 9 09162446615
EDWARD S.DOMINGO Enrolment Focal Person Grade 8 09556812858 LUCILA U. SOMERA 09500548134 Enrolment Focal Person Grade 8 EMALYN M.MIGUEL
09497656580 Enrolment Focal Person Grade 7 DANICA M.SOMERA 09750224022 Enrolment Focal Person Grade7
JEANETTE CHRISTIE T.PENEYRA 09276515504 Enrolment Focal Person Grade 11 RONALD D.PACADA 09281003897 Enrolment Focal Person Grade11
KATHELYN N.SOTELO 09672666353 Enrolment Focal Person Grade 12 ERWIN L.CARBONELL 09428148204 Enrolment Focal Person Grade 12 Mag ingat po tayong lahat!GOD BLESS US ALL!

24/05/2020

ATTENTION‼️‼️‼️
Sa mga , mga magulang, at mga nagnanais na maging bahagi ng aming family. Pakibasa nyo po ang post na ito.
Maraming salamat!
Stay safe and healthy ❤️

FYI

PARA SA KAALAMAN NG LAHAT

Sa ating mga Magulang:
!

:
Kaunting kaalaman patungkol sa pagbubukas ng klase sa August 24, 2020 for SY 2020-2021.

Ang School Year 2020-2021 ay magbubukas sa August 24, 2020 pero HINDI ibig sabihin na FACE TO FACE Learning may four Alternative Delivery Modes ang DepEd para isagawa ito...

Kung ano ang gagamitin ay depende na po sa paaralan na bibigyang permiso ng Regional at Division Office kaya po tayo mag-eenroll starting June 1 para ipagbigay alam natin sa paaaralan ang delivery mode na iyong kakayanin para sa inyong anak.

1. FACE TO FACE - ito ang traditional classroom scenario... na sa palagay ko marami ang may ayaw sapagkat nandiyan ang panganib na ma-infect... malinaw po na ito ay gagamitin lamang sa mga lugar na walang banta ng Covid na papahintulatan ng IATF... Babawasan din po ang bilang ng mga mag-aaral at dapat i-observe ang minimum health standards.

2. Distance Learning
a. Online Distance Learning - ito ay pag-aaral gamit ang internet, laptop at smart phones. Maaaring (real time.. ibig sabihin... kailangan mong mag-online sa oras ng iyong klase) o asynchronous (mag-oonline ka lamang pag may kakayahan ka na ayon sa time frame na binigay ng iyong g**o).

b. Modular - ito ay paggamit ng mga learning modules na ibibigay ng paaralan na maaaring printed o electronic.

c. Paggamit ng TV and Radio Broadcast
- ang distance learning mode na ito ay nangangailangan ng suporta ng magulang. Kung ang tanong ay paano ako magtuturo sa anak ko ay wala naman akong kakayahan... habang hinihintay po ang August 24 ay bibigyan po ng pagkakataon ang mga magulang o sinumang volunteer na i-capacitate ang sarili para dito... ito ay sa pamamagitan ng trainings na ibibigay ng paaralan.

3. Blended Learning - pinagsamang Learning Modalities 1 and 2.

4. Home-based Schooling - mula sa salitang home, ang bata ay nasa bahay lamang nag-aaral kasama ang magulang bilang g**o.

*Kung ang tanong ay paano naman po bibigyan ng marka ang mga bata - ang sagot, maglalabas ang DepEd ng panibagong Assessment Tool.

Saan naman kukuhanin ang grades ng mga bata? Paano isasagawa ang assessment?
*Sa distance learning ay Formative Test lang ibibigay (hindi po graded ang formative) pero ang bata ay magte-test sa oras na pwede na at may pagkakataon na... kaya po habang nasa bahay, dapat ay ma-master ng bata ang skills na dapat niyang matutunan para sa pag-eexam niya kaya na niyang magsagot.

Anong skills ang ituturo sa bata?
- babawasan po ng DepEd ang Learning Competencies - magpo-focus po tayo sa Most Essential Learning Competencies (MELC).

Saan po kukuha ng mga learning modules? Babayaran po ba?
- Ito po ay provided ng paaralan.

Kung ipagpapaliban po natin ngayong taon ang pasukan dahil walang bakuna... sigurado po ba tayo na by next year may bakuna na? Paano po kung aabutin pa ng 2 o 3 o higit pang taon bago magkaroon ng bakuna.. ibig sabihin po ba ay 3 o higit pang taon hihinto ang ating mga anak sa pag-aaral?

Tayo po ay binibigyan ng DepEd ng mga paraan upang hindi mahinto ang pagkakatuto ng ating mga anak... kooperasyon at suporta lamang po ang kailangan.

Pero at the end of the day.... ang desisyon po kung i-eenroll ninyo ang inyong mga anak this school year ay nasa inyong mga kamay.


22/05/2020

Welcome to RDCAS

22/05/2020

RDCAS SENIOR HIGH SCHOOL OFFERS:
GENERAL ACADEMIC STRAND
TVL (TECHNOLOGICAL VOCATIONAL LIVELIHOOD)
EIM NC 2
SMAW NC 2
FOOD PROCESSING NC 2
AGRI CROP PRODUCTION NC 2

Address

Laur
3129

Telephone

+639056078418

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ricardo Dizon Canlas Agricultural High School Senior High School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category