15/06/2026
๐๐๐ ๐๐๐๐ฌ๐๐ก ๐๐๐๐๐ก ๐ฆ๐ ๐๐จ๐๐๐ฌ๐๐ก๐, ๐ฃ๐๐ก๐๐๐๐ง๐๐ก๐
๐๐ป๐๐ถ-๐ฏ๐๐น๐น๐๐ถ๐ป๐ด ๐ผ๐ฟ๐ถ๐ฒ๐ป๐๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป, ๐ถ๐๐ถ๐ป๐ฎ๐ด๐ฎ๐๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐ก๐๐ฆ
Upang mabawasan ang mga insidente ng bullying, nagsagawa ang Laua-an National High School (LNHS) ng dalawang araw na Anti-Bullying Orientation para sa mga mag-aaral sa LNHS Gymnasium, Hunyo 9 at 10.
Pinangunahan ni Guidance Counselor Kenia Hukom, RGC, ang nasabing programa bilang bahagi ng Opening Block sa pagbubukas ng klase, na layong ihanda ang mga mag-aaral sa bagong taong panuruan.
Binigyang-diin sa aktibidad ang temang โBreak the Silence,โ na humihikayat sa mga mag-aaral na magsalita at kumilos laban sa bullying.
Tinalakay ni Hukom ang kahulugan, ibaโt ibang uri, at masamang epekto ng bullying, pati na rin ang mahahalagang probisyon ng Anti-Bullying Act of 2013.
Ipinaliwanag din niya ang mga wastong hakbang na dapat gawin ng sinumang nakararanas o nakasasaksi ng bullying, sa loob man o labas ng paaralan.
Naunang dumalo ang mga mag-aaral mula Baitang 7 hanggang 9 noong Hunyo 9, habang sumunod ang Baitang 10 hanggang 12 noong Hunyo 10.
Inaasahan ng paaralan na sa pamamagitan ng programang ito ay mababawasan ang mga kaso ng bullying at higit na mapalalawak ang kaalaman at kamalayan ng mga mag-aaral hinggil dito.
โM Vido
๐ธSV Alojipan