14/08/2026
Buwan ng Wika: Tinig ng Pagkakaisa, Tulay sa Makabuluhang Kaalaman
Sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2026, inaanyayahan ang lahat na makiisa sa isang makabuluhang pagdiriwang na naglalayong itampok ang husay, talino, at pagkamalikhain ng mga mag-aaral sa paggamit ng wikang Filipino at pagpapahalaga sa panitikan.
Tampok sa pagdiriwang ang temang “Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon,” na nagbibigay-diin sa mahalagang papel ng wika bilang daluyan ng kaalaman at kasangkapan sa makabagong panahon.
Gaganapin ang Buwan ng Wika sa ika-17 ng Agosto 2026 sa Cagayan State University–Lasam Campus, na tampok ang iba’t ibang patimpalak at gawaing pangwika at pampanitikan.
Sama-sama nating ipagdiwang, pagyamanin, at ipagmalaki ang ating sariling wika bilang mahalagang bahagi ng ating kultura, pagkakakilanlan, at pagkakaisa.
Wika natin, yaman natin—gamitin nang may talino at para sa makabuluhang layunin!
_
Layout by Jervie Quibilan and Johnree Arimbuyotan