05/12/2023
Ito po ang ating gawain para sa ating asynchronous class. December 6 (Wednesday) and 7(Thursday), 2023.
👇👇 December 6, 2023👇👇
Gumawa ng isang TULA para sa iyong kaibigan na nagpapakita ng kaniyang kahalagahan sa iyong buhay at i-ugnay ang ating values focus na HUMILITY (Mapagpakumbaba) sa inyong pagkakaibigan. Ilalagay ito sa bond paper at lagyan ng disenyo.
👇👇 December 7👇👇
1. Gumawa ng sariling recipe ng pagkakaibigan. Itala rito ang mga mahahalagang sangkap na kailangan upang maging malalim at makabuluhan ang pagkakaibigan.
2. Gamitin ang mga terminolohiya na ginagamit sa mga recipe, katulad ng: isang tasa, isang kilo, isang kutsara, at iba pa.
3. Ilalagay ito sa bond paper at lagyan ng disenyo.
______
FYI.
1. On December 6, all 47,678 public schools under the Department of Education (DepEd) in the Philippines will shift to asynchronous classes to facilitate a nationwide tree-planting activity. This initiative, part of the project "DepEd's 236,000 Trees: A Christmas Gift for the Children," will involve all 47,678 DepEd public schools. Each school is expected to plant at least five trees, aiming for over 236,000 trees. The effort aligns with the "Pagbabago: A Million Trees Campaign," a collaboration between the Office of the Vice President, the Department of Environment and Natural Resources (DENR), and DepEd.
2. On December 7, teachers of Las Pinas North National High School will attend a Teacher's Day Celebration at Verdant Court. A celebration of appreciation for the teachers from our Dear Mayor Imelda Aguilar.
08/11/2023
Karagdagang Babasahin para sa EsP8_Unang Markahan
1. Pagtulong sa abot ng makakaya ang isa sa mga gawaing nagsasabuhay ng pagiging bukas-palad sa kapwa.
2. Ang pagiging masunurin sa batas ay isang mabuting gawain upang mapangalagaan ang ating karapatan.
3. Ang pagiging mapanagutang mamamayan ay tungkulin at halaga na dapat hubugin sa isang pamilya bilang pakikibahagi sa lipunan at ang pagpapaunlad nito.
4. Mga halimbawa ng gampaning PANLIPUNAN: bayanihan, pangangalaga sa kalikasan, pagtulong sa nasalanta ng bagyo at mga nasunugan, paglilinis ng kapaligiran.
5. Ang pakikipag-ugnayan ng pamilya o ng mga kasapi nito sa ibang pamilya at ibang mga sektor ng lipunan ay nagkakaroon ng gampanin sa lipunan.
6. Ang pagiging magalang sa pagsasalita sa ating mga magulang at nakakatanda ay isang halimbawa ng pagpapaunlad ng komunikasyon sa loob ng pamilya.
7. Ang katarungan at pagmamahal ang dapat nanpinapa-iral sa ating komunikasyion sa kapwa.
8. Pagmamahalan ang nagpapatibay ng ugnayan ng bawat kasapi ng pamilya.
9. Ang kabutihang loob, kawanggawa, pagmamahal, pagtutulungan, paggalang at pasunod ay mga bagay na unang natututunan ng isang bata sa kanilang pamilya.
10. Ang bawat pamilya ay ginagabayan ng batas ng malayang pagbibigay (law of free giving)
11. Pagbibigay ng Edukasyon, Pagabay sa mabuting pagpapasiya at paghubog sa pananampalatay ay ang misyon ng pamilya.
12. Ang pagtataglay ng karunungan, pagtitiwala, at pagtuturo ng ating mga magulang ng mga pagpapahalaga ang mga bagay na dapat makatulong sa isang kabataang tulad mo upang matuto ng mabuting pagpapasya.
13. Ang posibleng paraan para maisakatuparan ang misyon ng pamilya at ang pagtitiyak ng paggawa ng mga ito nang sama-sama at may bahagi ang bawat kasapi ng pamilya.
14. ANg pagtuturo ng simple at payak na pamumuhay sa mga anak ay maaaring magbunga ng pagmamahal, pagtanggap at pagtitimpi.
15. Buo at matatag ang isang pamilya kapag sila ay kumikilos ng sama-sama.
08/11/2023
Attention
I will send sa ating mga GC ang PowerPoint Reviewer natin. Thank you.
27/10/2023
Reminders:
The COLOR of the notebook, is the COLOR of the Portfolio Folder.
20/10/2023
Mga Alituntunin para sa Paggamit ng Messenger Group Chat sa ating klase.
1. Magsimula sa pagbati
Iwasan ang ditektang pagsabi ng iyong mensahe.
Hal:
"Ma'am, may assignment ba?"
"Anong ginawa kanina sa klase, Sir?"
Tandaan, hindi kayo magkumpare at magkumare, hindi rin magkaibigan at magkakabata. Ang direktang mensahe ay casual style na ginagamit sa taong matagal mo nang kakilala at ka close mo na. Hindi ito ginagamit sa pakikipag-usap kay teacher kaya ipakita ang galang sa bating paninula.
Hal:
"Good morning Mrs. De Leon"
"Magandang hapon, Gng. Tuzon"
"Hello, Sir! Good day po."
2. Magpakilala
Sa dami ng section at estudyante ni teacher, maaring hindi ka niya makilala. Lalo na kung ang pangalan mo sa messenger ay "bHosX MaHaL", "Nhoj Aled Zurc", "Alden Richards" o "Hokage Naruto".
Kaya upang ikaw ay hindi mapagkamalang scammer o poser, magpakilala ka. Sabihin ang buong pangalan at section.
Hal:
"Magandang hapon po Sir. Ako po si Juan Dela Cruz ng Grade 8-Effeciency." "Good day, Ma'am. I am Zeus Velasquez from Grade 10 Garnet..."
3. Ilahad ang layunin ng mensahe
Pagkatapos bumati, maaari mo nang sabihin ang layunin ng iyong mensahe. Huwag paligoy-ligoy. Mas mainam ang straight to the point na mensahe at may sincerity.
Maari kang magtanong, maglinaw, magbigay impormasyon o pwede rin namang appreciation (Naks!)
Hal:
"Magandang hapon po Sir. Ako po si Juan Dela Cruz ng Grade 8 Effeciency. Tanong ko lang po....."
PAALALA: Hindi lahat ng bagay ay dapat mong itanong o ikonsulta sa teacher mo. Para maka-save ng oras. MAGBASA muna. Madalas kasi yung sagot sa tanong mo ay nasa paligid lang o di kaya ay naibigay na ni teacher ang impormasyon sa group chat. Ugaliin munang magbasa ng impormasyon bago magtanong.
4. Magpasalamat
Huwag kalimutan na magpasalamatkay teacher kahit hindi pa nasasagot ang iyong concern. Hindi kinakailangang pahabain ang pasasalamat.
Hal:
"Thank you Sir." "Salamat po, Ma'am"
Halimbawa:
"Magandang hapon po Sir. Ako po si Juan Dela Cruz ng Grade 8 Effeciency. Nais ko po na ipaalam na ako po ay hindi makakapasok dahil may sakit po ako. Sana po ay maunawaan ninyo. Maraming salamat po"