19/09/2026
𝓣𝓘𝓝𝓣𝓐𝓛𝓐: 𝓑𝓾𝔀𝓪𝓷 𝓷𝓰 𝓢𝓪𝓵𝓲𝓷𝓵𝓪𝓱𝓲 2026
“𝒲𝒾𝓀𝒶𝓃𝑔 𝐹𝒾𝓁𝒾𝓅𝒾𝓃𝑜 𝒶𝓉 𝒜𝐼: 𝒦𝒶𝓈𝒶𝓃𝑔𝓀𝒶𝓅𝒶𝓃 𝓈𝒶 𝒫𝒶𝓃𝒶𝓃𝒶𝓁𝒾𝓀𝓈𝒾𝓀 𝒶𝓉 𝒯𝓊𝓁𝒶𝓎 𝓈𝒶 𝒴𝒶𝓂𝒶𝓃 𝓃𝑔 𝐼𝓂𝓅𝑜𝓇𝓂𝒶𝓈𝓎𝑜𝓃.”
𝐈𝐊𝐀𝐋𝐀𝐖𝐀𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐇𝐀𝐆𝐈
Setyembre 12, 2026
Sa pagdiriwang ng 𝐁𝐮𝐰𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐖𝐢𝐤𝐚 𝐚𝐭 𝐊𝐚𝐬𝐚𝐲𝐬𝐚𝐲𝐚𝐧 𝟐𝟎𝟐𝟔, muling binigyang-halaga ng mga mag-aaral ang ating wika, kultura, sining, at pagkakakilanlang Pilipino sa pamamagitan ng iba’t ibang makabuluhang paligsahan at gawaing nagpapakita ng kanilang talino, pagkamalikhain, at pagmamalaki sa pagiging Pilipino.
🏮 𝐏𝐚𝐠𝐠𝐚𝐰𝐚 𝐧𝐠 𝐁𝐨𝐨𝐭𝐡 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐏𝐢𝐬𝐭𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐢𝐧𝐨𝐲– Isang malikhaing gawain na naglalayong ipakilala ang iba’t ibang tradisyon, pagkain, sining, at kaugalian na bahagi ng ating kulturang bayan.
🌺 𝐏𝐚𝐫𝐚𝐝𝐚 𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐬𝐮𝐨𝐭𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐢𝐧𝐨𝐲 – Isang makulay na pagpapakita ng mga tradisyonal at makasaysayang kasuotan na sumasalamin sa yaman at pagkakaiba-iba ng kulturang Pilipino.
🎨 𝐏𝐚𝐠𝐠𝐚𝐰𝐚 𝐧𝐠 𝐏𝐨𝐬𝐭𝐞𝐫 – Sa pamamagitan ng sining at biswal na pagpapahayag, naipakita ng mga mag-aaral ang kanilang pag-unawa at pagpapahalaga sa wika at kulturang Pilipino.
📝𝐏𝐚𝐠𝐬𝐮𝐥𝐚𝐭 𝐧𝐠 𝐓𝐮𝐥𝐚 - Sa bawat taludtod at saknong, naipahayag ng mga mag-aaral ang kanilang saloobin, imahinasyon, at pagpapahalaga sa wikang Filipino at kulturang Pilipino.
📖 𝐏𝐚𝐠𝐬𝐮𝐥𝐚𝐭 𝐧𝐠 𝐒𝐚𝐧𝐚𝐲𝐬𝐚𝐲 - Sa pamamagitan ng malinaw at makabuluhang paglalahad ng mga kaisipan, naipakita ng mga mag-aaral ang kanilang kakayahang magsuri, magpahayag ng pananaw, at gamitin ang Filipino bilang kasangkapan sa pagkatuto at pananaliksik.
Sa bawat kasuotan, likhang-sining, booth, tula, at sanaysay, nabibigyang-buhay ang ating kasaysayan at kultura. Higit pa sa isang paligsahan, ang mga gawaing ito ay nagsisilbing daan upang matuto, makalikha, at higit na makilala ang ating sariling pagkakakilanlan bilang mga Pilipino.
✨ Ang wika ay hindi lamang paraan ng pakikipag-usap—ito ay salamin ng ating kultura, kasaysayan, at pagkatao.
𝑀𝒶𝒷𝓊𝒽𝒶𝓎 𝒶𝓃𝑔 𝓌𝒾𝓀𝒶𝓃𝑔 𝐹𝒾𝓁𝒾𝓅𝒾𝓃, 𝑀𝒶𝒷𝓊𝒽𝒶𝓎 𝒶𝓃𝑔 𝓀𝓊𝓁𝓉𝓊𝓇𝒶𝓃𝑔 𝒫𝒾𝓁𝒾𝓅𝒾𝓃💞