Talon Elementary School

Talon Elementary School

Share

This is the Official Page of TALON ELEMENTARY SCHOOL, Las Piñas.

18/05/2026

📣ATTENTION

Please be informed that the graduation pictures of the Grade 6 learners from Batch 2025–2026 are now ready for release at the Records Section of Talon Elementary School. Please look for Mrs. Janice Notarte.

Thank you

Photos from Talon Elementary School's post 13/05/2026

Mula sa pamunuan Ng TES, Maraming salamat po sa lahat ng nagbigay ng suporta at donasyon para sa ating Summer Reading Program ng mga mag-aaral ng Talon Elementary School.

Lubos po ang aming pasasalamat sa Santillan Family, sa SPTA sa pangunguna nina Magienita Martin at Annalyn Belen, sa inyong walang sawang pagtulong at malasakit sa mag-aaral Ng TES.

12/05/2026

ALS Enrollment is now open

05/05/2026

✨ ARAL Reading & Math Summer Program 2026

Magandang balita, mga Talonians! 🏫
Ngayong bakasyon, muling magbubukas ang Talon Elementary School ng ARAL Reading & Math Summer Program 2026—isang makabuluhang programa na layong paunlarin ang kasanayan ng mga mag-aaral sa pagbabasa at matematika.

📚 Ano ang maaasahan?
Sa programang ito, ang mga bata ay magkakaroon ng pagkakataong:

Mapahusay ang kanilang reading skills

Mapalakas ang pundasyon sa Math

Matuto sa masaya at interaktibong paraan

📅 Mga Mahahalagang Detalye:

Petsa: Mayo 6 – Hunyo 2, 2026

Oras: 7:00–9:00 AM / 9:00–11:00 NN

Lugar: Talon Elementary School

Orientation: Mayo 6, 2026 | 7:30–11:00 AM

👨‍👩‍👧 Paanyaya sa mga Magulang:
Huwag palampasin ang pagkakataong ito na matulungan ang inyong mga anak na maging mas handa at kumpiyansa sa kanilang pag-aaral.

🌟 Sama-sama nating ihanda ang kinabukasan ng ating mga kabataan!
Kita-kits sa ARAL Summer Program 2026!




na may puso
TULONG na may bunga

Photos from Talon Elementary School's post 01/04/2026

📣✨ State of the School Address (SOSA) 2025–2026 ✨📣

Isang taos-pusong pagbati at pagpupugay sa matagumpay na pagdaraos ng State of the School Address na pinangunahan ng aming butihing punong g**o, Dr. Aileen O. Ballaran.

Sa temang naglalarawan ng pagkakaisa, pag-unlad, at patuloy na paghahangad ng kahusayan, buong puso naming nasaksihan ang mga tagumpay ng ating paaralan sa taong panuruan 2025–2026. Mula sa mas pinatibay na academic performance ng mga mag-aaral, mas pinahusay na mga programa, hanggang sa aktibong partisipasyon ng mga g**o, magulang, at iba’t ibang stakeholders—lahat ay naging patunay ng sama-samang pagsisikap at dedikasyon.

Lubos din ang aming pasasalamat sa TES FAMILY na patuloy na nagsusulong ng dekalidad na edukasyon, disiplina, at malasakit para sa bawat mag-aaral. Sa kanyang inspirasyon at gabay, mas lalong lumalakas ang pundasyon ng aming paaralan tungo sa mas maliwanag na kinabukasan.

Ang bawat tagumpay na ating natamo ay hindi lamang bunga ng iisang tao, kundi ng buong komunidad na may iisang adhikain—ang magtagumpay ang bawat batang mag-aaral.

Maraming salamat sa lahat ng g**o, magulang, non-teaching personnel, at mga bisitang nakiisa sa makabuluhang okasyong ito. Ang inyong suporta ay mahalagang bahagi ng patuloy na pag-angat ng ating paaralan.

Sa pagtatapos ng makasaysayang State of the School Address na ito, dala namin ang panibagong inspirasyon at mas matibay na pangako: patuloy na maglilingkod, magtuturo, at magpapatatag ng kinabukasan ng kabataan.

Mabuhay ang ating paaralan! 💙📚
Mabuhay ang sama-samang tagumpay ng 2025–2026! 🎉

31/03/2026

Hanggang sa Muli, Batch 2026! 🎉

Photos from Talon Elementary School's post 31/03/2026

Sa pagtatapos ng taong panuruan 2025–2026, buong pusong pagbati sa ating mga minamahal na nagsipagtapos ng Batch 2025–2026 ng Talon Elementary School! 🎓✨

Hindi naging madali ang inyong paglalakbay—punong-puno ito ng pagsisikap, tiyaga, at mga pangarap. Ngayon, kayo ay handa nang humarap sa panibagong yugto ng inyong buhay. Dalhin ninyo ang mga aral, alaala, at pagpapahalagang natutunan ninyo sa ating paaralan. 💖
Taos-pusong pasasalamat din po sa lahat ng nakiisa at nagbigay ng suporta upang maging matagumpay ang ating pagdiriwang:
• Dr. Aileen O. Ballaran, Punong G**o ng Talon Elementary School
• Mr. Raygienald P. Villacorta, Senior Program Specialist – Schools Mobilization and Networking
• Dr. Lucy G. Perez, Pampublikong Tagamasid Pampurok sa Ika-apat na Distrito
• Gng. Genovie G. Tagum, Pampublikong Tagamasid sa Agham
• Kgg. Gerry P. Sanga, Punong Barangay ng Talon Kwatro
• Kgg. Lester G. Aranda, Gumaganap na Punong Barangay ng Talon Uno
• Kgg. Erick Gonzales, Kagawad ng Barangay Talon Uno
• Kgg. Macky Saito, Konsehal sa Ikalawang Distrito ng Las Piñas

Maraming salamat sa lahat Ng g**o na pumatnubay at mga magulang na Kaisa sa paghubog Ng mga mag-aaral Ng TES.

Ang inyong presensya at suporta ay nagbigay inspirasyon at karangalan sa ating mga mag-aaral.
Muli, pagbati sa ating mga graduates! Ipagpatuloy ninyo ang pag-abot ng inyong mga pangarap. Ang Talon Elementary School ay palaging magiging tahanan ninyo. 💙

Photos from Talon Elementary School's post 31/03/2026

✨ Moving Up Ceremony 2025–2026 ✨

Isang taos-pusong pasasalamat ang aming ipinaaabot sa lahat ng naging bahagi ng matagumpay na Moving Up Ceremony ng Kindergarten ng Talon Elementary School 💖

Maraming salamat po sa aming Punong G**o Dr. Aileen O. Ballaran, sa mga g**o, mga magulang, mga mag-aaral, at sa lahat ng non-teaching personnel sa inyong walang sawang suporta, pag-gabay, at pagmamahal sa ating mga batang mag-aaral.

Sa inyong pagtutulungan, ang unang hakbang ng mga bata tungo sa mas mataas na antas ng edukasyon ay naging makabuluhan at matagumpay. 🌟

Mabuhay po tayong lahat at patuloy nawa tayong magkaisa para sa ikabubuti ng ating mga kabataan! 🎉👏

Photos from Talon Elementary School's post 31/03/2026

Taos-pusong pasasalamat kay Ms. Phoebe Stacey Manzolim Almario (TES Alumnae Batch 2013) sa pagbabahagi ng kanyang oras at inspirasyonal na mensahe bilang aming panauhing tagapagsalita sa Araw ng Pagkilala ng Talon Elementary School ✨
Ang inyong makabuluhang talumpati ay tunay na nagbigay-inspirasyon sa aming mga mag-aaral upang magsumikap pa at mangarap nang mas mataas. Maraming salamat po! 💐

Photos from Talon Elementary School's post 31/03/2026

Isang taos-pusong pagbati sa lahat ng mga mag-aaral ng Talon Elementary School na nagkamit ng karangalan!
Ang inyong sipag, tiyaga, at determinasyon ay tunay na inspirasyon.
Ipagpatuloy ninyo ang pag-abot ng inyong mga pangarap! 🌟👏

Photos from Talon Elementary School's post 27/03/2026

A heartfelt salute to our dedicated teachers of Talon Elementary School! 💙📚

Your unwavering commitment, patience, and passion have truly made a difference in strengthening the Literacy and Numeracy Skills of our learners for SY 2025–2026. Because of your hard work, countless young minds are now more confident in reading, writing, and solving—skills that will guide them for a lifetime.

Behind every improved learner is a teacher who never gave up. Your efforts, sacrifices, and love for teaching do not go unnoticed. You are the true heroes of education.

Maraming salamat po sa inyong dedikasyon at malasakit. Patuloy po kayong maging inspirasyon sa ating mga mag-aaral. 👏✨

Want your school to be the top-listed School/college in Las Piñas?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


San Antonio Valley Road, Talon Uno
Las Piñas

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm