25/04/2026
Ang DepEd Order No. 6, s. 2026 ay isang opisyal na kautusan ng Department of Education na may pamagat na ๐๐๐ถ๐ฑ๐ฒ๐น๐ถ๐ป๐ฒ๐ ๐ผ๐ป ๐๐ป๐๐๐ฟ๐ถ๐ป๐ด ๐ฎ ๐ฆ๐ฎ๐ณ๐ฒ ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐ ๐ผ๐๐ถ๐๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐๐ฒ๐ฎ๐ฟ๐ป๐ถ๐ป๐ด ๐๐ป๐๐ถ๐ฟ๐ผ๐ป๐บ๐ฒ๐ป๐ (๐๐ฆ๐ ๐๐)
Layunin nito na tiyakin na ang lahat ng paaralan ay nagbibigay ng ligtas, inklusibo, at positibong kapaligiran sa pagkatuto para sa mga mag-aaral at g**o. Saklaw ng kautusang ito ang pagpapatupad ng mga polisiya at mekanismo laban sa anumang uri ng pang-aabuso, karahasan, diskriminasyon, at iba pang banta sa kapakanan ng learners, pati na rin ang pagtataguyod ng respeto, disiplina, at mental well-being sa loob ng paaralan. Inaatasan din nito ang mga school heads at personnel na magpatupad ng malinaw na protocols sa pag-report at pag-imbestiga ng mga insidente, upang matiyak ang proteksyon at karapatan ng bawat mag-aaral.
Para sa buong detalye basahin ang link na ito: https://tinyurl.com/DepEdESMLE26
17/04/2026
๐๐๐๐๐ฆ ๐จ๐ฃ ๐๐๐ง๐๐๐๐๐ฆ!
Ayon sa inilabas na ๐๐ฒ๐ฝ๐๐ฑ ๐ข๐ฟ๐ฑ๐ฒ๐ฟ ๐ฌ๐ฌ๐ต ๐. ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ noong April 16, 2026. Ang opisyal na pagbubukas ng klase para sa SY 2026-2027 ay magaganap sa ๐๐ฎ๐ง๐ ๐, ๐๐๐๐ at matatapos sa ๐๐ฉ๐ซ๐ข๐ฅ ๐, ๐๐๐๐.
Para sa mga detalye basahin ang link na ito para sa detalye ng bagong 3 TERM SCHOOL CALENDAR. Link: https://tinyurl.com/depedorder09s2026
16/04/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐-๐๐๐๐
Narito ang mga iskedyul ng mga araw ng enrolment para sa SY 2026-2027.
Mangyaring basahin ito at unawain para hindi magkaroon ng kahit na anong hindi pagkakaunawaan.
๐ง๐๐ก๐๐๐๐ก: ๐ช๐๐๐๐ก๐ ๐๐๐ฌ๐๐ ๐๐ก๐ ๐ฃ๐๐๐ฃ๐๐ฃ๐๐ง๐๐๐ ๐๐๐๐ก๐ฆ๐จ๐ก๐ข๐ ๐ฆ๐ ๐๐ฒ๐ฝ๐๐ฑ ๐ผ๐ฟ๐ฑ๐ฒ๐ฟ ๐ป๐ผ ๐ฐ๐ญ ๐ ๐ฎ๐ฌ๐ญ๐ฎ
11/04/2026
PARA SA GATCHALIAN PARA SA BAYAN!
Nasa ORMOC na sina ๐๐๐ฎ๐ฅ๐๐๐ง ๐๐๐ฒ ๐. ๐๐๐ฌ๐๐จ at ๐๐ข๐๐ญ๐จ๐ซ๐ข๐ ๐๐ง๐ญ๐จ๐ข๐ง๐๐ญ๐ญ๐ ๐. ๐๐๐ซ๐๐ง๐ญ๐๐ฌ para sa NSPC 2026.
Sila ay magsisilbing inspirasyon at kinatawan ng husay, talino, at dedikasyon ng bawat Gatchalian. Sa kanilang pagharap sa hamon, nawaโy samahan natin sila ng ating buong suporta at taimtim na panalangin ngayong linggo.
Nawaโy patuloy silang gabayan ng Poong Maykapal, patatagin ang kanilang loob, at pagkalooban ng karunungan upang maipamalas ang kanilang pinakamagaling na kakayahan.
Padayon, Gatchies! Ipaglaban ang dangal ng paaralan at ng bayan! ๐โจ
09/04/2026
๐๐๐ญ๐๐ฅ๐๐ฌ๐ญ๐๐ฌ ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐ ๐ฌ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐ญ๐๐ง๐ ๐ ๐๐ฉ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐ญ๐ข๐ง๐ ๐ฉ๐๐๐ซ๐๐ฅ๐๐ง
Nais naming ipagbigay alam na bilang pagsunod ng ating paaralan sa ๐๐๐ฆ๐จ๐ซ๐๐ง๐๐ฎ๐ฆ ๐๐ข๐ซ๐๐ฎ๐ฅ๐๐ซ ๐๐จ. ๐๐๐ na pinalabas noong March 9, 2026 at ๐๐๐ฉ๐๐ซ๐ญ๐ฆ๐๐ง๐ญ ๐๐๐ฆ๐จ ๐ง๐จ. ๐๐ ๐ฌ. ๐๐๐๐.
Ang mga tanggapan sa ating paaralan ay bukas mula ๐๐จ๐ก๐๐ฆ ๐ต๐ฎ๐ป๐ด๐ด๐ฎ๐ป๐ด ๐๐จ๐ช๐๐๐๐ฆ ๐บ๐๐น๐ฎ ๐ณ:๐ฌ๐ฌ ๐ฎ๐บ ๐ต๐ฎ๐ป๐ด๐ด๐ฎ๐ป๐ด ๐ฒ:๐ฌ๐ฌ ๐ฝ๐บ
08/04/2026
Sa paggunita ng Araw ng Kagitingan, ating binibigyang-pugay ang hindi matatawarang tapang, sakripisyo, at pagmamahal sa bayan ng ating mga bayani.
Ang araw na ito ay paalala ng katatagan ng mga Pilipinoโna sa kabila ng pagsubok at paghihirap, nananatili ang diwa ng pagkakaisa at pagmamalasakit para sa kalayaan ng ating bansa.
Nawaโy magsilbi itong inspirasyon sa bawat isa na ipagpatuloy ang kabayanihan sa makabagong panahonโsa maliliit man o malalaking paraan, para sa ikabubuti ng ating bayan. ๐ต๐ญโจ
Pagpupugay sa kagitingan ng lahing Pilipino!
08/04/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐-๐๐๐๐
Narito ang mga iskedyul ng mga araw ng enrolment para sa SY 2026-2027.
Mangyaring basahin ito at unawain para hindi magkaroon ng kahit na anong hindi pagkakaunawaan.
๐ง๐๐ก๐๐๐๐ก: ๐ช๐๐๐๐ก๐ ๐๐๐ฌ๐๐ ๐๐ก๐ ๐ฃ๐๐๐ฃ๐๐ฃ๐๐ง๐๐๐ ๐๐๐๐ก๐ฆ๐จ๐ก๐ข๐ ๐ฆ๐ ๐๐ฒ๐ฝ๐๐ฑ ๐ผ๐ฟ๐ฑ๐ฒ๐ฟ ๐ป๐ผ ๐ฐ๐ญ ๐ ๐ฎ๐ฌ๐ญ๐ฎ
05/04/2026
Maligayang Pasko ng Muling Pagkabuhay sa ating lahat.
04/04/2026
๐๐ง๐ ๐๐ฎ๐ฐ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐๐ซ๐ข๐ฅ ๐๐ฒ ๐๐ฎ๐ฐ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐๐ง๐ข๐ญ๐ข๐ค๐๐ง!
Sa pangunguna ng Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining, Komisyon sa Wikang Filipino, at Pambansang Lupon sa Pagpapaunlad ng Aklat o National Book Development Board - Philippines , at alinsunod sa Proklamasyon Bilang 968 na nilagdaan noong 2015, ating ipinagdiriwang ang National Literature Month o Pambansang Buwan ng Panitikan ngayong Abril sa temang
๐๐ฒ๐ธรซ๐ ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ถ๐๐ถ๐ธ๐ฎ๐ป: ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ถ๐๐ถ๐ธ๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐๐๐ถ๐ฟ๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ ๐๐ฎ๐น๐ถ๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐ป.
Bekรซt Panitikan: Para sa Katwiran at Kalikasan
Kumukuha ng katutubong lakas ang tema ngayon ng Buwan ng Panitikan para itanghal ang kapangyarihan ng panitikan na pagkaisahin ang bayan. Hango ang โbekรซtโ sa mga Agutaynรซฬn ng Palawan at nangangahulugan ito ng pagkakaisa at pagbibigkis.
Sa ganitong paraan, kinikilala ng โBekรซt Panitikanโ ang mahalagang ambag ng katutubong haraya sa pagbuo ng panitikang pambansa. Dahil ang bayan ay binubuo ng ibaโt ibang pamayanan ng mambabasรกโt manunulat na patuloy na yumayabong ang ugnayan. Itinatanghal din nito ang panitikan bilang mahalagang bigkis sa haraya, gunita, at intelektuwal na pag-unlad ng bayan.
Ang subtema
Mahalagang pinaglalaanan ng pokus ang pagkakaisa na itinataguyod ng panitikan. Sa pagdiriwang na ito binibigyang-pansin ang pangangailangan upang pagkaisahin ang lakas para sa katwiran at kalikasan. Ang katwiran, at ang pananaig nito sa bayan, ay noon at noon pa idinambana ng mga bayaning manunulat ng bayan para marating ang minimithing ginhawa at kalayaan. Mahalaga rin ang pagbibigkis para sa kalikasan upang maging malรกy pa lalo ang mamamayan sa kanilang gampanin na pangalagaan ito. Dahil bahagi lamang sila nito at kailanmaโy hindi makatataas sa kalikasan.
Bekรซt hindi?
Sa dulo, isang pang pamilyar na tanong ang aalingawngaw kapag binigkas ang katutubong pamana ng mga Agutaynรซฬn: Bakit hindi panitikan? Dahil nasa ikalawang dekada na ng implementasyon ang pagdiriwang ng Buwan ng Panitikan mula nang ilabas ang Proklamasyon Blg. 968 noong 2015, patuloy ang panawagan para sa pagpapahalaga at patuloy na pagpapayaman pa ng tangkilik sa panitikan ng bansa. Dahil sa hulรญ, ang panitikang pambansa rin ang magpapakita ng ating malalim na ugnayan sa isaโt isa bilang kapuluan ng mga wika, bilang kapuluan ng mga tekstong patuloy na nabubuhay.
Post at impormasyon ng tema ay mula sa National Commission for Culture and the Arts
03/04/2026
Ang Poong Diyos na mahal ay kaya nagpakamatay sa Krus ay panabayubay pagtubos at awang tunay sa taong makasalanan.
- Sipi mula sa Pasyong Mahal
Ang Sabado Santo ay ang huling araw ng Mahal na Araw bago ang Linggo ng Pagkabuhay. Ito ay araw ng katahimikan at pagninilay-nilay sa paghimlay ng katawan ni Hesukristo sa libingan matapos ang Kanyang pagkamatay noong Biyernes Santo. Sa tradisyong Pilipino, ito ay panahon ng paghihintay at paghahanda para sa muling pagkabuhay.
03/04/2026
Ang Biyernes Santo (Good Friday) ay isang sagradong araw sa pananampalatayang Kristiyano na ginugunita ang pagpapakasakit, pagpapahirap, at pagkamatay ni Hesus sa krus. Ito ay bahagi ng Semana Santa na nagaganap bago ang Linggo ng Pagkabuhay, kung saan nagpapahayag ng pananampalataya, pagninilay, at pagpapakumbaba ang mga mananampalataya