27/07/2026
OFFICIAL STATEMENT
tungkol sa mga “virtual threat” at kumakalat na video na kinasasangkutan ng ilang mag–aaral
Ang Tanggapan ng Sangay ng mga Paaralan ng Lungsod ng Las Piñas ay kinokondena ang anumang uri ng banta, pananakot, at pagpapakalat ng mga hindi angkop na mensahe o video na nagdudulot ng panganib at/o takot sa mga mag-aaral at sa buong pamayanan ng paaralan.
Aming nabatid ang kumakalat na video na naglalaman ng pagbabanta sa kaligtasan ng mga mag-aaral at g**o kung kaya’t ang aming Tanggapan ay agad na nakipag-ugnayan sa pakikipagtulungan ng mga Punong-g**o sa barangay, kapulisan, PNP Cyber Crime Group, at Bahay Pag-asa upang matugunan at maaksyonan ang insidenteng ito alinsunod sa umiiral na mga regulasyon ng Kagawaran ng Edukasyon, particular ang DepEd Order 6, s. 2026 (Guidelines on Ensuring A Safe and Motivating Learning Environment).
Bukod pa rito, alinsunod sa DepEd Order 7, s. 2026, (Media Management Guidelines) at sa Data Privacy Act of 2012 (RA 10173), mahigpit naming ipinapaalala sa publiko na iwasan ang pagbabahagi, pagpapasa (re-sharing), o pagkokopya ng anumang video sa mga pampubliko o digital na mga platform, upang mapangalagaan ang karapatan, dignidad, at mental na kalusugan ng mga sangkot na menor de edad.
Sa huli, sinisig**o ng SDO Las Piñas ang pagpapatupad ng mga protocol sa seguridad at pagrepaso sa access control sa paaralan upang matiyak na mananatiling ligtas at payapa ang kapaligiran ng pagkatuto.