President Ferdinand R. Marcos Jr. extends his warm greetings to the Filipino people on the celebration of Buwan ng Wikang Pambansa.
In his message, the President emphasizes the value of the Filipino language, heritage, and culture in unifying the nation. He calls on the public to cherish and promote the use of the language, not just for communication but also for instilling collective awareness and progress for future generations. Additionally, PBBM encourages citizens to demonstrate their love for the country and work towards the realization of shared aspirations for the Philippines among the Filipino people.
LPNORTHNHS-Filipino Department
Nearby schools & colleges
1747
Las Pinas City
1747
1770
You may also like
Opisyal na pahina ng LAS PIÑAS NORTH NATIONAL HIGH SCHOOL-FILIPINO DEPARTMENT
Operating as usual
AGOSTO NA!
BUWAN NG WIKA NA!
Halina't makiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa ngayong Agosto 2023 sa pamamagitan ng paggamit ng LPNorth Buwan ng Wika 2023 frame sa inyong Facebook Profile. Ang pagdiriwang na ito ay may temang “Filipino at mga Katutubong Wika: Wika ng Kapayapaan, Seguridad, at Ingklusibong Pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan.”
Sundin lamang ang sumusunod:
1. I-click ang link na ito: https://twb.nz/lpnorth
2. Pumili ng picture na gusto mo.
3. I-download ito at i-copy ang caption mula sa twibbonize
4. I-set ang downloaded picture bilang profile picture mo sa Facebook at gamitin ang caption mula sa twibbonize.
Matapos ito, kopyahin ang caption sa ibaba:
Ako si (Pangalan), mag-aaral sa Las Piñas North National High School ay nakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2023 na may temang 'Filipino at Mga Katutubong Wika: Wika ng Kapayapaan, Seguridad, at Ingklusibong Pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan" ngayong 2023.
Mabuhay ang Wikang Filipino! Mabuhay ang Katutubong Wika.
Ano ang kahulugan ng tema ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2023? Alamin sa: https://drive.google.com/file/d/1ulESbbUegJfr5GN31gMAQngWbX1Zp9zK/view?usp=sharing
Umarangkada rin ang mga piling mag-aaral ng
Las Piñas North National High School sa isinagawang DIVISION ACADEMIC CONTEST IN ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM FOR JUNIOR HIGH SCHOOL, Las Piñas City.
Matagumpay na sinungkit ni Ma-reen Gonzales ang UNANG PUWESTO para sa LS 1 ENGLISH JHS CATEGORY sa pamatnubay ng kaniyang tagapagsanay, Gng. MARIA V. QUICOSA, TIII.
Habang IKATLONG PUWESTO naman ang iginawad kay Roberto Lopez para sa LS 5 JHS Category sa ilalim ng pagsasanay ni Bb. Jeanete A. Daroy, TIII.
Pagpupugay sa inyo!
RUMATSADA NA sa Ikatlong Puwesto ang LAS PIÑAS NORTH NATIONAL HIGH SCHOOL para sa Brigada Pagbasa 2022.
Pagbati sa Brigada Coordinator ng Filipino, Gng Anna Rayo, at Brigada Coordinator ng Ingles, Gng Aliana Estrada Mansalapus.
Pagbati rin sa lahat ng kaguruan sa Filipino at Ingles ng LAS PIÑAS NORTH NATIONAL HIGH SCHOOL na nakiisa sa pagsasakatuparan ng proyekto at pagtugon sa hamon na bawat bata bumabasa.
Ang tagumpay na ito ay PARA SA BATA AT PARA SA BAYAN.
Kaya,
Lubos po ang aming pasasalamat sa buong team ng SDO LAS PIÑAS na naglunsad, sumubaybay at nagsuri ng programang ito.
Maraming salamat din po sa dalawang mahusay at supportive na puno ng aming paaralan, Gng. JENNIFER T. ERISPE, Punongg**o II at sa dating punongg**o ng paaralan, G. CARLOS ALEXANDER S. RIGON, Principal IV.
Salamat din po sa suporta ng Barangay Pulanlupa Dos lalo na sa lahat ng volunteer parents and donors. Ang lahat ng ito ay naging posible dahil sa inyo.
Sa Diyos ang Papuri.
“The fruits of your labor will bare the fruits of your success.”
— Jon Jones
CONGRATULATIONS DSPC WINNERS AND RSPC QUALIFIERS!
Filipino Individual Category
G**ong Tagapagsanay- Imelda P. Intano, Teacher III
2nd Place - Pagsulat ng Lathalain-RSPC QUALIFIER
Mark Erick L. Rentosa
3rd Place - Pagsulat ng Editoryal-RSPC QUALIFIER
Jacey Charisse D. Limbo
3rd Place - Pagsulat ng Lathalaing Pang-agham-RSPC QUALIFIER
Stefhanie M. Habana
3rd Place- Pag-uulo at Pagwawasto ng Sipi-RSPC QUALIFIER
Jamilla Claire D. Limbo
ENGLISH INDIVIDUAL CATEGORY
Coach: Jocelyn Peñalosa, Teacher I
2nd PLACE SCIENCE FEATURE WRITING- RSPC QUALIFIER
Nicholas Jayron M. Bustamante
5th PLACE Copy Reading and Headline Writing
Klars Andrea T. Orido
Sama-sama nating saksihan ang paglulunsad ng PROJECT AKAP. Isang Reading Program Intervention ng Kagawaran ng Filipino sa Las Pinas North National High School
Disclaimer: No copyright infringement intended
Bilang tugon sa hamon ng Kagawaran ng Edukasyon na "Bawat Bata Bumabasa", ihahandog ng Kagawaran ng Filipino ng Las Piñas North National High School ang PROJECT AKAP
(i-Angat ang KAsanayan sa Pagbasa).
Kaya, samahan nyo kami sa paglulunsad ng aming proyekto ngayong Lunes via google meet.
Namnamin ang diwa ng tanagang ito na parehong bugtong at salawikain.
Halina't bumasa
dahil sa Pagbasa may
KNOWLEDGE.
ANG NOBYEMBRE AY PAMBANSANG BUWAN NG PAGBASA! 📖
Sa selebrasyon ng Pambansang Buwan ng Pagbasa, ating ipakita ang pagmamahal sa panitikan at pagbabasa!
Sa pangunguna ng Kagawaran ng Edukasyon, nilalayon ng selebrasyon na mas paghusayin pa ang kasanayan sa pagbasa ng mga Pilipinong mag-aaral upang mas mapabuti pa ang kanilang pagkatuto.
Bilang tugon sa layuning ito, maaaring lumahok ang mga mag-aaral sa iba't ibang reading and writing activities na inihanda ng mga rehiyon na siyang ipatutupad sa mga paaralan.
Ito ay serye ng mga sesyon sa pagbása at diskusyon para sa publiko na naglalayong pasiglahin ang kultura ng pagbabasá at pagbabahagi ng kaalaman. Para sa hulíng sesyon ng 2022 sa panitikang-bayan, tatalakayin ang epiko sa 21 Oktubre 2022, 3–5 nh.
Libre at bukás ito sa publiko. Magpatalâ na sa https://forms.gle/SVk4xSweNUvaiGes5.
Bugtungan naman táyo! Ano po ang sagot dito?
Panoorin ang video na ito para sa karagdagang kaalaman sa bugtong: https://www.youtube.com/watch?v=vK9Fa_4UhoQ.
Bawat linggo, ibabahagi sa Panitikang-Bayan Ko! ang karunungan mula sa sariling nating panitikan. Magnilay tayo sa salawikaing ito.
Happy National Teachers’ Month!
Ipadama ang pasasalamat, ipakita ang pagpupugay kina Ma’am at Sir ngayong buwan na inilaan para sa kanila.
Samahan ang Kagawaran ng Edukasyon mula Setyembre 5 hanggang Oktubre 5 sa pagdiriwang ng National Teachers’ Month. Sa temang “G**ong Pilipino, Dangal ng Sambayanang Pilipino,” ating bigyang-pugay ang husay at kadakilaan ng mga Pilipinong g**o na patuloy na nagbibigay ng hindi matatawarang dedikasyon para sa pag-abot ng pangarap ng bawat batang Pilipino.
Tunghayan ngayong Martes, Setyembre 6, ang National Teachers’ Month Kick-off Celebration sa pangunguna ng Schools Division ng Davao Del Norte, na mapapanood via livestream sa DepEd Philippines official website, page, at YouTube Channel.
Kitakits!
**o
Ekstensyon!!!
Malugod po naming ipinababatid sa lahat na ekstended ang pagsusumite ng entri sa bawat patimpalak na bukas mula baitang 7 hanggang 10.
Kaya ano pa ang hinihintay mo?
Halina't makiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa pamamagitan ng paglahok sa mga patimpalak na inihanda ng Kagawaran ng Filipino.
Ipadala na ang iyong entri sa pahinang ito.
Asahan namin kayo!😊
Kasabay ng pagsisimula ng unang araw ng InService Training ay sinimulan din ang paghahanap sa tatanghaling Fashionistang Pinoy mula sa mga Kaguruan ng ating paaralan.
Sabay-sabay nating abangan ang pasya ng mga hurado.
Mensahe ng Pangulo ng Republika ng Pilipinas, Kgg. Ferdinand Romualdez Marcos Jr. para sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2022
Mga G**o at Mag-aaral ng Norte, Handa ka na ba?
Halina at makiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Pambansang Wika 2022.
Sabay-sabay tayong lumikha at tumuklas sa pamamagitan ng pakikilahok sa iba't ibang patimpalak na inihanda ng Kagawaran ng Filipino.
Basahin ang mekaniks at pamantayan at ipadala ang inyong entri sa LPNORTHNHS-Filipino Department page.
Magandang Araw Mga Ka-G**o!
Isa ka bang Fashionistang G**o ng Norte? Kaya mo bang umawra at magpakuha ng malikhaing larawan?
Kung oo ang sagot mo, ikaw na ang hinahanap namin.
Halina at lumahok sa patimpalak ng "Fashionistang Pinoy".
Ito ay isang paligsahan ng pinakamagandang katutubong kasuotang pambabae at panlalaki na bukas lamang sa mga g**o ng Las Piñas North National High School.
Tunghayan sa ibaba ang kabuuan ng mekaniks at pamantayan ng nasabing paligsahan.
Ano pang hinihintay mo?
Sali Na!
Ipadala na ang iyong entri sa page na ito mula Agosto 8-19, 2022.
Magandang Araw Northians!
Mahilig ka ba sa musika? Kaya mo bang bumuo ng sariling liriko at maglapat ng tunog?
Kung oo ang sagot mo, ikaw na ang hinahanap namin.
Halina at lumahok sa patimpalak ng "Tinig ng Hilaga: Lumang Awit, Bagong Himig".
Ito ay isang paligsahan sa pagbuo ng sariling liriko sa himig ng piniling Awiting Bayan ng Pilipinas.
Ang liriko ng awit o mensahe ng awit ay nararapat na may kaugnayan sa tema ng Buwan ng Pambansang Wika 2022 "Filipino at Mga Katutubong Wika:Kasangkapan sa Pagtuklas at Paglika".
Bukas ang patimpalak na ito sa mga mag-aaral ng Las Piñas North National High School mula ika-7 hanggang ika-10 baitang. Tunghayan sa ibaba ang kabuuan ng mekaniks at pamantayan ng nasabing paligsahan.
Ano pang hinihintay mo?
Sali Na!
Ipadala na ang iyong entri sa page na ito mula Agosto 8-19, 2022.
Magandang Araw Northians!
Isa ka bang makata? Mahilig ka bang humabi ng mga letra at tugma?
Kung oo ang sagot mo, ikaw na ang hinahanap namin.
Halina at lumahok sa patimpalak ng "LETRA AT TUGMAAN". Isang paligsahan sa pagbuo ng sariling piyesang pang-Spoken Poetry kaugnay ng tema ng Buwan ng Pambansang Wika 2022 "Filipino at Mga Katutubong Wika:Kasangkapan sa Pagtuklas at Paglika".
Bukas ang patimpalak na ito sa mga mag-aaral ng Las Piñas North National High School mula ika-7 hanggang ika-10 baitang. Tunghayan sa ibaba ang kabuuan ng mekaniks at pamantayan ng nasabing paligsahan.
Ano pang hinihintay mo?
Sali Na!
Ipadala na ang iyong entri sa page na ito mula Agosto 8-19, 2022.
"Ito'y napapanahon dahil kailangan nating pag-ibayuhin, palaganapin ang sariling wika"
Pakinggan natin ang kabuuan ng mensahe ng ating masigasig na Education Program Supervisor sa Filipino, Dr. Macario D. Pelecia, Jr. para sa pagdiriwang ng Buwan ng Pambansang Wika 2022.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Videos (show all)
Location
Category
Website
Address
Las Piñas
Palayangbayan Pantingan
Las Piñas, 2101
This page is for School Advocacy Purposes
Cor. Tolentino-Trinidad Sts. Phase 4, Gatchalian Subd. , Manuyo Dos
Las Piñas, 1740
This is the Official page of Gonzalo Gatchalian Elementary School. View and use the page re
Phase II Venus Street Moonwalk Village Talon V
Las Piñas, 1747
Moonwalk Elementary School is now offering a Special Science Program designed to develop students with a higher aptitude for science and mathematics through the implementation of an enhanced Science and Mathematics curriculum.
Sultana Road Tabon I, Daniel Fajardo
Las Piñas, 1740
The Youth for Environment in Schools Organization (YES-O) is the premiere student organization (for high school) in the Philippines that concerned for environmental welfare.
Panilao
Las Piñas, 2101
This is the official page of Pablo Roman National High school - Senior High.
Tramo Street Zapote
Las Piñas, 1742
Address: Fruto Santos Ave. Zapote, Las Piñas City Tramo Road
Guidance Services 02 8 6600321
Las Piñas, 1745
LPNHS - Gatchalian Annex is located at Aguila cor Loro St. Phase 2, Gatchalian Subd., Manuyo Dos
Las Piñas, 1740
The official page of Las Pinas North National High School used for announcements and updates for all school activities, and of staff profiles