Throwback Friday
Kapisanan ng Mga Mag-aaral sa Asignaturang Filipino
Ang Opisyal na Kapisanang Pang-akademiko ng mga Mag-aaral sa Asignaturang Filipino sa Bernardo College.
22/05/2025
Maligayang kaarawan sa ating butihing Ingat-Yaman, Bb. Jenneth Rosano!
Isang mainit na pagbati sa iyo, nawa'y ang espesyal na araw na ito ay mapuno ng kasiyahan at magandang mga alaala. Loob namin na ang iyong mga hiling at pangarap ay sana'y matupad. Patuloy kang maging isang inspirasyon sa amin sa iyong walang sawang pagseserbisyo at pakikibahagi sa ating Kapisanan.
Maligayang kaarawan, Binibini!
Maraming salamat at Padayon!
17/05/2025
TINGNAN! Malugod naming ipinababatid ang pagkakahalal ng mga bagong opisyales ng Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Asignaturang Filipino.
Sa kanilang pamumuno, inaasahan ang mas pinaigting na pagsusulong ng wikang Filipino, gayundin ang pagpapalalim ng kaalaman at pagpapahalaga sa ating kultura at panitikan. Nawa'y magsilbing huwaran sila ng mahusay na paglilingkod at makabuluhang pakikibahagi sa buhay-akademiko sa wikang Filipino.
17/05/2025
Maligayang kaarawan sa ating butihing Tagapamagitan, G. Jonas Tantiado!
Isang mainit na pagbati sa iyo, nawa'y ang espesyal na araw na ito ay mapuno ng kasiyahan at magandang mga alaala. Loob namin na ang iyong mga hiling at pangarap ay sana'y matupad. Patuloy kang maging isang inspirasyon sa amin sa iyong walang sawang pagseserbisyo at pakikibahagi sa ating Kapisanan.
Maligayang kaarawan, Ginoo!
Maraming salamat at Padayon!
12/05/2025
Maligayang kaarawan sa ating butihing Tagapamagitan, Bb. Nhika Joyce Julio!
Isang mainit na pagbati sa iyo, nawa'y ang espesyal na araw na ito ay mapuno ng kasiyahan at magandang mga alaala. Loob namin na ang iyong mga hiling at pangarap ay sana'y matupad. Patuloy kang maging isang inspirasyon sa amin sa iyong walang sawang pagseserbisyo at pakikibahagi sa ating Kapisanan.
Maligayang kaarawan, Binibini!
Maraming salamat at Padayon!
07/05/2025
TINGNAN! Noong ika-5 ng Mayo, idinaos ang Film Showing kung saan itinampok ang dalawang short film kaugnay sa pagdiriwang ng Buwan ng Panitikan 2025.
Matapos ang pagpapalabas ng mga pelikula, naganap ang Gawad Parangal upang bigyang-pagkilala at gawad ang mga indibidwal na nagpakita ng husay at dedikasyon sa paggawa ng pelikula. Ang pagdiriwang ay nagsilbing pagpupugay sa panitikan at sining ng pelikula. 🎥🎉
PANOORIN! Narito ang opisyal na trailer ng maikling pelikula na inihanda ng mga mag-aaral mula sa BSEd-Filipino, Una at IkalawangTaon.
Para Sa'yo
Direksyon ni: Kecie Ventura
Pinagbibidahan nina: Ma. Cristina Maglangit at Jefferson Nikko Berroya
PANOORIN! Narito ang opisyal na trailer ng maikling pelikula na inihanda ng mga mag-aaral mula sa BSEd-English, Unang Taon.
MULTO
Sa panulat at direksyon nina: Daniela Macaambac & Marian Santocildes
27/04/2025
TUNGHAYAN! Narito ang opisyal na poster ng maikling pelikula na inihanda ng mga mag-aaral mula sa BSEd-Filipino, Una at Ikalawang Taon.
Para Sa'yo
Direksyon ni: Kecie Ventura
Si Amila Sanchez ay isang dalagang may matayog na pangarap. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, dahil sa kaniyang malubhang karamdaman ay matatagpuan niya ang sarili sa isang kasunduan kasama ang lalaking nagwasak sa puso ng daan daang kababaihan. Mahahanap kaya niya ang pagmamahal na hinahangad bago niya lisanin ang mundo? O purong sakit lang ang hatid ng inakalang kaligayahan na, sapagkat sa maling tao niya ipinagkatiwala ang puso?
27/04/2025
TUNGHAYAN! Narito ang opisyal na poster ng maikling pelikula na inihanda ng mga mag-aaral mula sa BSEd-English, Unang Taon.
MULTO
Sa panulat at direksyon nina: Daniela Macaambac & Marian Santocildes
Si Calista, isang tahimik at mahiyain na dalaga na hindi nagkaroon ng mga kaibigan at ayaw ring magkaroon, ay namuhay sa sarili niyang munting mundo—hanggang sa makilala niya si Kianne. Iba siya. Sa piling nito, nakatagpo siya ng ginhawa at koneksyon. Naging malapit sila sa isa’t isa at nag-enjoy sa presensya ng bawat isa… hanggang sa araw na inamin ni Calista ang kanyang nararamdaman—at nagbago ang lahat.
25/02/2025
Ngayon, ika-25 ng Pebrero kasalukuyang taon, ating ginugunita ang ika-39 na anibersaryo ng EDSA People Power Revolution. Ating inaalala at patuloy na kinikilala ang diwa ng pagkakaisa, tapang at lakas ng taumbayan na naging susi sa tagumpay ng ating bansa laban sa diktadura at kawalang-katarungan.
Sa kasalukuyan, patuloy nating hinaharap ang mga hamon ng nakaraan sa modernong lipunan. Ang katuturan ng rebolusyong EDSA ay nananatiling silbing liwanag sa atin— sa ating mga adhikain at layunin sa pagtataguyod ang isang maunlad na kinabukasan.
Sa bawat pagkakataon, ating ikabit sa ating mga sarili ang kahalagahan ng pagkikibaka at pagiging isa laban sa inhustisya upang kampyunin ang isang malaya at makatarungang lipunan.
🎨✍🏻 Jericho N. Sonio, Pangulo
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Contact the school
Website
Address
Bernardo College
Las Piñas