04/01/2023
Si Alma at Zian: Kwento mo, Kwento ko, Kwento natin ito!
Episode 2: Mental Health
Ang mental health ay ang pagkakaroon ng malusog na kaisipan. Ayon sa World Health Organization, ito ay ang kakayahan ng isang taong maabot ang kanyang buong potensyal, harapin ang mga pang-araw-araw na hamon sa kanyang buhay, maging produktibo sa kanyang trabaho, at makapag-ambag sa kanyang komunidad.
Gayunpaman, maaaring nakakaramdam tayo ng lungkot, pagkabalisa, takot, at iba pang mga damdamin na nagiging sanhi para mahirapan tayong harapin ang mga problema natin sa buhay. Wag mag-alala — natural lang ‘yon.
Ngunit kapag nakakasagabal na sa ating pang-araw-araw na buhay nang matagal na panahon ang mga damdaming ito, maaaring sintomas na ito ng problema sa kalusugan ng kaisipan, o mental illness.
Libu-libong tao sa buong mundo ang nakakaranas ng iba’t ibang klaseng mental illness araw-araw, at sila ay mga ordinaryong tao tulad natin na may mga trabaho, libangan, mga mahal sa buhay, atbp.
Mahalagang maintindihan kung ano ang mental health para malaman kung paano natin masisigurong malusog ang ating kaisipan. Bukod dito, magagamit din ang kaalamang ito para matulungan natin ang mga nakakaranas ng mental illness, maging kapamilya, kaibigan o sarili man natin ito.
"Sa panahon ngayon, maaring tumaas ang panganib na magkaroon ng depresyon kung nababalisa o nababahala.
Kung nakakaramdam ka ng lungkot, kawalan ng pag-asa at pinagiisipang saktan ang sarili, makipag usap sa isang mental health professional o kaya sa taong mapagkakatiwalaan tungkol sa iyong saloobin. Lubos na makakatulong ito lalo na sa ating mga mag-aaral".
Credits to the artist and makers of CIC BaTalyon:
Ariel Gabanzo
Alaisza Jaro
Andrei Plopenio
Hailley Nilo
04/01/2023