Ang Alpas

Ang Alpas

Share

Boses ng mga Manuyoan

14/03/2026

LITRA-TALENTO

Pagbati para sa aming mahal na Punong Patnugot ng Ang Alpas.

Mula sa Las Piรฑas City National SHS - Manuyo Campus, ipinagmamalaki ka namin sa pagkamit ng First Runner-Up sa Photography Contest ng 4th BFP Art Contest (Fire Prevention Month 2026).

08/11/2025

๐—•๐—”๐—ฆ๐—”๐—›๐—œ๐—ก | Matagumpay na isinara ng paaralan ang selebrasyon ng HUMSS Month, na naging tagpo ng kahusayan at pagkakaisa ng iba't ibang strand โ€” HUMSS, TVL, at GAS nagsanib-puwersa upang ipamalas ang kanilang talento alinsunod sa temang
"๐—ฆ๐—ต๐—ฎ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐—™๐˜‚๐˜๐˜‚๐—ฟ๐—ฒ: ๐—” ๐—›๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐˜๐—ถ๐—ฒ๐˜€ ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—ฆ๐—ผ๐—ฐ๐—ถ๐—ฎ๐—น ๐—ฆ๐—ฐ๐—ถ๐—ฒ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ ๐—ฃ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€๐—ฝ๐—ฒ๐—ฐ๐˜๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ ๐˜„๐—ถ๐˜๐—ต ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐—จ๐—ป๐—ถ๐˜๐—ฒ๐—ฑ ๐—ก๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป๐˜€."
Ang matagumpay na pagtatapos ng isang buwang dedikasyon ay nagbigay-diin sa mahalagang papel ng mga Manuyoans sa paghubog ng isang mas maunlad na kinabukasan.

๐—œ๐˜€๐—ถ๐—ป๐˜‚๐—น๐—ฎ๐˜ ๐—ป๐—ถ | ๐—๐—ผ๐—ต๐—ป ๐——๐—ฒ๐—น ๐— ๐—ฎ๐—ฏ๐˜‚๐—น๐—ฎ๐˜†
๐—ก๐—ถ-๐—น๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐˜‚๐˜ ๐—ป๐—ถ | ๐—๐—– ๐—›๐—ฎ๐—ณ๐—ฎ๐—น๐—น๐—ฎ

30/10/2025

๐—˜๐——๐—œ๐—ง๐—ข๐—ฅ๐—ฌ๐—”๐—Ÿ | ๐—จ๐—น๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐˜‚๐˜๐—ฎ๐—ป, ๐—•๐—ฎ๐—ต๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ž๐˜‚๐—น๐˜‚๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ป

๐—›๐—œ๐—ก๐——๐—œ lang dapat baha ang humupa kundi ang mga taong masaya't maginhawang lumalangoy sa agos ng yamang mula pa sa dugo't pawis ng taumbayan.

Isa sa mga pinakamatinik na isyung kinahaharap nating mga Pilipino ay ang suliranin sa kapaligiran na labis na pagbahaโ€”isyung sana'y matagal nang nalutas o nabawasan sa pamamagitan ng proyekto ng gobyerno na flood control.

Hindi lang pala multo ng masaklap na kasaysayan ang siyang babagabag sa mga mamamayang Pilipino dahil nasa kasalukuyang panahon na ang multong traydor sa lipunan. Ang mga proyektong dapat napakikinabangan na sana ay nagsilbing dagdag salot sa bansa sapagkat ang salaping nagmula pa sa buwis ng mga Pilipinong patas na nakikibaka sa lipunan ay nabulsa't nalustay lang ng mga tiwaling nakaupo sa kapangyarihan.

Batay sa Commission on Audit-Fraud Audit Office (COA-FAO), idineklara ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na buo at tapos na ang apat na proyektong flood control na inilaan sa lunsod ng Bulacan, ang nasabing proyekto ay nagkakahalagang tatlong daan limampu't isang milyon (P351 million).

Nagkaroon ng inspeksyon noong ika-24 ng Setyembre ngayong taong 2025 ang Audit Team at nadiskubreng ang mga proyektong sinasabi ng DPWH na buo at tapos na sa mga naaprubahang lugar ng konstraksyon ay wala namang bakas ng kapakinabangan sa lipunan sapagkat ito'y purong kasinungalingan lamang.

Walang paliwanag ang DPWH-Bulacan First DEO ukol sa isyu na ito at itinuro lang sa iba't ibang lugar ang COA ngunit tulad ng resulta sa nagdaang inspeksyon, wala ding natagpuang mga naisagawang proyekto.

Ang mga napatunayang mananagot sa unang proyekto ay ang dating district engineer na si Henry Alcantara at Sally Santos ng SYMS Construction. Para sa ikalawang proyekto, ang naturing na mananagot ay sina Alcantara, dating district engineer Brice Hernandez, Planning at Design Section Chief Ernesto Galang, Engineer John Michael Ramos, Project Engineer Lemuel Ephraim Roque, Engineer Jolo Mari Tayao, at SYMSโ€™ Santos.

Para sa ikatlong proyekto, ang mananagot ay sina Alcantara, Hernandez, Galang, Construction Section Chiief Jaypee Mendoza, Ramos, Engineer Irene Otingco, Engineer Joshua Blitz Roxas, Engineer Bernardo Villafuerte, at Eumir Villanueva ng Topnotch Catalyst Builders, Incorporated at kanilang mga opisyal at miyembro ng Board.

Para naman sa ikaapat na proyekto, may pananagutan sina Alcantara; Hernandez; Ramos; Galang; Mendoza; mga inhinyero na sina Raymond Tolentino, Lorenzo Pagtalunan, at Elmer Arellano; at Wilfredo Natividad ng Triple 8 Construction & Supply, Incorporated at mga opisyal at miyembro ng board ng kumpanya.

Hindi lamang ito ang mga proyektong hindi napakinabangan ng bawat isang mamamayang Pilipino dahil ngayong Oktubre, sa walong libong flood control na siniyasat ng DPWH kabilang ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at ang Philippine National Police (PNP), apat na raan dalawampu't isa (421) "ghost projects" ang naitala.

Ang mga proyektong flood control sa buong Pilipinas ay tumataginting sa halagang trilyon pesos na may katumbas na isang libong bilyon, katas ng isang tapat at nagsusumikap na indibidwal ang bawat pisong bumubuo sa napakalaking halaga na ito.

Sa bawat araw na lumilipas, ang isyung korapsyon sa flood control ay hindi dapat lumubog dahil nararapat na managot ang mga may salaโ€”pananagutan na magsisilbing hustisyaโ€”sa bawat isang pinoy na ninakawan ng oportunidad sa iba't ibang makabuluhang aspeto ng buhay tulad ng edukasyon at kalusugan.

Hindi dapat mamamayan ang minumulto ng mga magnanakaw sa kaban ng bayan, sila dapat ang multuhin ng ating matibay na pagkakaisa tungo sa layuning panagutin at parusahan ang mga nagkasala sa lipunan. Maaaring ilang beses nang lumubog sa baha ang mga Pilipino subalit iba ang pag-ahon natin ngayon, may kasama itong matinding pagnanais sa pagbabago at paglusong sa pag-unlad.

Sa susunod na pagbaha, nawa'y kulungan ang bahain ng mga taong nagpapakasasa sa perang pinaghirapan nang kapwa nila Pilipino. Hindi kailanman magsasara ang pinto ng kulungan para sa mga nararapat na maparusahan dahil sa oras na umulan ng katotohanan, lulunurin sila ng hindi matatakasang hustisya mula sa bayan at sa diyos.

Kaya sana ang bawat isang mamamayan ay huwag na huwag magpapaanod sa paglipas ng panahon sapagkat tayo ang magsisilbing bahang hinding hindi nila malalangoy nang payapa.

๐—œ๐—ป๐—ถ๐˜„๐—ฎ๐˜€๐˜๐—ผ ๐—ป๐—ถ : ๐—๐—ฐ ๐—›๐—ฎ๐—ณ๐—ฎ๐—น๐—น๐—ฎ
๐—Ÿ๐—ถ๐—ธ๐—ต๐—ฎ ๐—ป๐—ถ : ๐—”๐—ป๐—ป๐—ถ๐—ธ๐—ฎ ๐—๐—ผ๐˜ƒ๐—ฒ๐—น๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ผ๐˜€

Photos from Ulyaw Ng Manuyo's post 27/10/2025

๐—ฆ๐—”๐—•๐—œ ๐—ก๐—œ๐—Ÿ๐—” '๐—ฃ๐—ฅ๐—˜๐—ฆ๐—ฆ,' ๐—”๐—ก๐—š ๐—š๐—œ๐—ก๐—”๐—ช๐—” ๐—ก๐—”๐— ๐—œ๐—ก, '๐—œ๐— ๐—ฃ๐—ฅ๐—˜๐—ฆ๐—ฆ'! ๐— ๐—”๐— ๐—”๐— ๐—”๐—›๐—”๐—ฌ๐—”๐—š ๐—ก๐—š ๐—Ÿ๐—ฃ๐—–๐—ก๐—ฆ๐—›๐—ฆ-๐— ๐—”๐—ก๐—จ๐—ฌ๐—ข ๐—•๐—จ๐— ๐—œ๐——๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—Ÿ๐—”๐—ฅ๐—”๐—ก๐—š๐—”๐—ก ๐—ก๐—š ๐——๐—ฆ๐—ฃ๐—–

Isang malaking pagbati at pagkilala sa mga natatanging mag-aaral ng LPCNSHS-MANUYO CAMPUS sa kanilang matagumpay na partisipasyon at pagkapanalo sa 2025 Division Schools Press Conference (DSPC)

Ang inyong dedikasyon at husay ay muling nagpatunay na ang Manuyo Campus ay may 'ulyaw' ng galing at talino.

Lubos na ipinagmamalaki ng buong paaralan ang inyong mga nakamit. Kabilang sa mga nanalo at nakasungkit ng tiket para sa Regional Schools Press Conference (RSPC) Qualifier

Pagsulat ng Agham at Teknolohiya - Filipino
Mary Claire Rabulan 1st Place

Pagwawasto ng Sipi at Pag-uulo ng Balita - Filipino
Alex Sunder Mayor 3rd Place

Pagsulat ng Editoryal - Filipino
Annika Jovellanos 3rd Place

Technical Director - Filipino
Sirjake Ezekiel Pilapil 3rd Place

Technical Director - Filipino
John Carl Hafalla 4th Place

TV Broadcasting and Script Writing - Filipino (GROUP)

John Carl Hafalla
JazzcZairen Suarez
Sirjake Ezekiel Pilapil
Marian Fresnido
Raizyd Queen Manahan
Kristina Cassandra Bartolome
Hisham Dipatuan

3rd Place Overall
3rd Best TV Script
2nd Runner Up Overall Production
3rd Place Best Technical Application
5th Place Best DevCom

Espesyal na pagkilala rin sa masisigasig at mapagkakatiwalaang School Paper Adviser, si Binibining. JAN RAESIE VALMORIA AGCAOILI at ang iba pang mga gurong tagasanay, sa inyong walang sawang paggabay.

Mabuhay ang mga campus journalists ng LPCNSHS-Manuyo Campus! Ipagpatuloy ang paghahatid ng tapat at makabuluhang balita!

โœ | ๐Ÿ–ผ : JC HAFALLA

15/10/2025

Panoorin | Labang pampalakasan pinagkaisa ng puso at kaalaman.


โœ๏ธ Tristan Kyle Garcia
๐ŸŽฅ Jc Hafalla

21/09/2025

๐—Ÿ๐—”๐—ž๐—”๐—ฆ ๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—ฆ๐—”, ๐—ฅ๐—”๐— ๐——๐—”๐—  ๐—ฆ๐—” ๐—ž๐—”๐—Ÿ๐—ฆ๐—”๐——๐—”

Lakad-lakad sa kalsada, kitang-kita ang lakas ng masa. Bawat hakbang, may kwento ng pag-asa at pagkakaisa. Dito, ramdam ang tibok ng puso ng bayan, nagpapatunay na ang tunay na kapangyarihan ay nasa kamay ng karaniwang mamamayan. Sa bawat ngiti at sakripisyo, mas lumalakas ang boses ng pilipino. Magkaisa at itaguyod ang ating karapatan para sa mas magandang kinabukasan.

๐Ÿ–ผ โœ๏ธ๐Ÿป Jc hafalla

18/09/2025

Tingnan | Nag-aalab na ang puso ng mga atleta.

โœ๏ธ Kyle Garcia
๐ŸŽฅ Jc Hafalla

30/08/2025

๐—•๐—”๐—ฆ๐—”๐—›๐—œ๐—ก | National Press Freedom Day: Kalayaan mula sa Nakapiit na Katotohanan.
โ€Ž
โ€ŽNararapat lamang na ipaglaban ang kalayaan ng pamamahayag. Ito ay isang mahalagang bahagi ng ating demokrasya na nagbibigay-daan sa atin upang magkaroon ng kaalaman at magbigay ng ating mga opinyon nang walang takot at pangamba sa ating puso't isipan.
โ€Ž
โ€ŽSa pamamagitan nito, nabibigyan tayo ng pagkakataon na maging kritikal sa mga isyu at magkaroon nang aktibong papel sa pagpapaunlad ng ating lipunan. Sa pagpapamulat, pagpapalaya at pagpapasulyap sa pag-asa na tanging asam para sa madla.
โ€Ž
โ€ŽSama-sama tayong manindigan tungo sa katotohanan at kalayaan para sa bayan!

Isinulat ni : Darlyn Siapno
Likhang disenyo ni : Jc Hafalla

30/08/2025

๐™‡๐˜ผ๐™๐™ƒ๐˜ผ๐™‡๐˜ผ๐™„๐™‰ | TINTA: Mitsa ng Kalayaan

Tintang tumatak sa puso ng madla ang siyang nagpabuhay sa bawat salitang nailathala mula sa malawig na isip ni Marcelo H. del Pilar. Mga mensaheng layon na ikintal sa kanila na ang katotohanaโ€™y patuloy na lilipad at mananatiling sandata laban sa lipunang p**i at bulag. Ang kanyang tahimik na pagkilos sa likod ng panunupil ay naging mitsa ng mga damdaming nag-aalab para maghayag ng kamulatan sa mga Pilipino. At sa mahabang panahon, hudyat na pala ito ng pag-usbong ng mundo ng pahayagan at publikasyon.

Hindi makukubli ang kapangyarihan ng mga panulat na akala natiโ€™y simpleng bagay lamang. Iyong mga lapis na kay dali nating itapon at maging mga ballpen na kay bilis nating palitan Iyan ang pinatunayan sa atin ni del Pilar: may hiwaga ang pagsulat. Dahil dito, nahulma ang kalayaan. At magmula noon, naging maingay ang boses ng masa.

Subalit kahit nabaklas na tanikala sa nakagapos nating bansa, marami pa ring pumipigil sa pakpak ng balitaโ€”malaya man, ngunit patuloy na inuusig at ikinakaila.

Gayunpaman, hindi kumupas ang tintang pamana ni Plaridel. Sa bisa ng Republic Act 11699 na nilagdaan noong 2022, ang kanyang araw ng kapanganakan โ€”ika-30 ng Agostoโ€”ay ngayoโ€™y tinig na nagpapaalala ng ating kakayahang makialam, at magmulat.

Kaya naman, bilang mga mamamahayag, sabay-sabay nating gunitain ang espesyal na araw na ito nang may pag-asa. Takpan man ng sangkatauhan ang ating mga bibig, nariyan ang ating mga kamay upang sumulat ng katotohanan. Magsilbi nawang ilaw ang kasaysayan ng ating kalayaanโ€”liwanag na hindi lamang wawakasan ang sali-salimuot na isyu kundi magbibigay direksiyon sa bawat sulok ng lipunan.

Maraming salamat, Plaridel. Isang malaking pribilehiyo ang sumunod sa iyong yapak. Kami ang makabagong henerasyonโ€”tagapagdala ng iyong tinta, tagapagsulong ng katotohanan, at tagapagtanggol ng kalayaan. At hanggaโ€™t may panulat sa aming mga kamay, hindi kailanman mananahimik ang tinig ng bayan.

Isinulat ni : Princess Alyssa Apolinar
Dibuho ni : Jc Hafalla

25/08/2025

โ€œ๐˜ผ๐™ฃ๐™œ ๐˜ฝ๐™–๐™ฎ๐™–๐™ฃ๐™ž ๐™–๐™ฎ ๐™๐™ž๐™ฃ๐™™๐™ž ๐™–๐™ก๐™–๐™–๐™ก๐™– ๐™ก๐™–๐™ข๐™–๐™ฃ๐™œโ€”๐™จ๐™ž๐™ก๐™– ๐™–๐™ฎ ๐™ฉ๐™ž๐™—๐™ค๐™  ๐™ฃ๐™œ ๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™ ๐™–๐™จ๐™–๐™ก๐™ช๐™ ๐™ช๐™ฎ๐™–๐™ฃ.โ€

Sa bawat araw na lumilipas, hindi lamang ang mga bayani ng nakaraan ang ating ginugunitaโ€”kundi pati na rin ang mga tahimik na bayani ng kasalukuyan. Ang kabayanihan ay hindi nasusukat sa espada o bala, kundi sa bawat Pilipinong nagsisilbi nang may tapang, malasakit, at pagmamahal sa bayan. Ngayong Araw ng mga Bayani, sabay-sabay nating parangalan ang kanilang di-matitinag na dedikasyon para sa ikabubuti ng mamamayan

๐Ÿ–ผ โœ๏ธ๐Ÿป Jc hafalla

Photos from Ulyaw Ng Manuyo's post 09/08/2025

๐ˆ๐ฌ๐š๐ง๐  ๐ฆ๐š๐ฅ๐ข๐ ๐š๐ฒ๐š'๐ญ ๐ฆ๐š๐ฎ๐ฌ๐›๐จ๐ง๐  ๐ง๐š ๐ฉ๐š๐ ๐›๐š๐ญ๐ข!

Maligayang bati sa mga kasapi ng ating samahang ๐—จ๐—น๐˜†๐—ฎ๐˜„ ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฎ๐—ป๐˜‚๐˜†๐—ผ na nagkamit ng mga parangal mula sa iba't ibang patimpalak sa nagdaang ๐—•๐˜‚๐˜„๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ก๐˜‚๐˜๐—ฟ๐—ถ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป. Nawa'y manatiling nagpapatuloy ang taglay na dedikasyon at determinasyon kaakibat ang mga makabuluhang pangarap na nagsisilbing inspirasyon sa ating kapwa sa loob at labas ng paaralan.

๐™ƒ๐™ž๐™ง๐™–๐™ฎ๐™– ๐™ˆ๐™–๐™ฃ๐™–๐™ฌ๐™–๐™ง๐™ž! ๐Ÿค

โœ๏ธ & ๐ŸŽจ | Kristel Jovellanos

Photos from Ulyaw Ng Manuyo's post 07/08/2025

๐™‹๐˜ผ๐™‰๐˜ฟ๐˜ผ๐™” ๐™ƒ๐™๐™Ž๐˜ผ๐™”

Ginanap ngayong Agosto 7, 2025 sa ICT Room ng Las Piรฑas City National Senior High School Manuyo Campus ang unang pag-eensayo ng mga mamamahayag ng ULYAW para sa nalalapit na DSPC.

Tinutukan sa training ang mga kategoryang Column Writing, Editoryal, Feature Writing, at News Writing. Layunin nitong laliman ang kaalaman, hubugin ang husay sa pagsusulat, at isulong ang mas matatag na tinig ng kabataan sa larangan ng pamamahayag.

Pinangunahan ito ng mga kinatawan mula sa Press Point Journalism Community sina Cervy Ramos at Katrina Isabella Ancheta na nagbahagi ng mahahalagang teknik, inspirasyon, at panibagong pananaw para sa mga kalahok.

๐Ÿ–ผ โœ๏ธ๐Ÿป Jc hafalla

Want your school to be the top-listed School/college in Las Piรฑas?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


Tramo Street
Las Piรฑas