18/08/2026
📢WALANG PASOK‼️
Alinsunod sa Memorandum Circular No. 129 na inilabas ng Malacañang, suspendido ang face-to-face classes at ipatutupad ang Alternative Learning Modalities sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Las Piñas City bukas, August 19, 2026, Miyerkules, dahil sa inaasahang malakas na pag-ulan dulot ng Habagat.
Pinapayuhan ang lahat na unahin ang kaligtasan at manatiling nakasubaybay sa mga opisyal na anunsyo mula sa Pamahalaang Lungsod ng Las Piñas.