30/08/2024
𝙇𝘼𝙉𝙏𝘼𝙒𝘼 | 𝐏𝐢𝐬𝐭𝐚 𝐬𝐚 𝐍𝐚𝐲𝐨𝐧, 𝐢𝐩𝐢𝐧𝐚𝐠𝐝𝐢𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐠 𝐋𝐢𝐧𝐠𝐚𝐲𝐚𝐨 𝐍𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐇𝐢𝐠𝐡 𝐒𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥 𝐧𝐢𝐭𝐨𝐧𝐠 𝐀𝐠𝐨𝐬𝐭𝐨 𝟐𝟗, 𝟐𝟎𝟐𝟒
Naging makulay at matagumpay ang pagdiriwang ng Pista sa Nayon na naging sentro ng kasiyahan at pagkakaisa sa ating Kulminasyon sa Buwan ng Wika na may temang Filipino: Wikang Mapagpalaya. Pinatunayan ng mga estudyante ang kanilang angking galing sa iba’t ibang aspeto ng kultura at sining.
Sa pamamagitan ng mga tradisyonal na sayaw, ipinakita ng mga studyante sa iba’t ibang baitang ang kanilang husay sa paggalaw at pagpapahalaga sa ating mga katutubong tradisyon. Hindi lamang ito naging isang palabas, kundi isang pagdiriwang ng yaman ng ating kultura. Kasabay nito, ipinamalas din ng mga estudyante ang kanilang talento sa pagluluto sa paghahanda ng mga masasarap na pagkaing Pilipino. Isa pang tampok ng selebrasyon ay ang paligsahan ng mga kubol, kung saan pinatunayan ng mga kalahok ang kanilang pagiging malikhain at mapanlikha sa pagbuo ng mga istrukturang sumasalamin sa kultura ng ating bayan.
Isang mainit na pagbati sa lahat ng nanalo sa iba’t ibang patimpalak—karapat-dapat kayong tanghalin sa inyong mga natatanging galing! Nawa’y patuloy kayong magtagumpay sa bawat aspeto ng inyong buhay.
Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mga nakilahok na estudyante, g**o, at mga taong naging saksi sa kagalakan ng araw na ito, sa buong pusong paglalaan ng inyong oras para maging matagumpay ang ating selebrasyon. Ang ating pagkakaisa at pagmamalasakit sa kulturang Pilipino ang tunay na nagbigay saysay sa pagdiriwang na ito.
Maraming Salamat at Mabuhay ang Wikang Filipino!