St. Joseph's School of Mactan, Inc. Adarna Club 2025-2026

St. Joseph's School of Mactan, Inc. Adarna Club 2025-2026

Share

" Ang Wika ay siyang nagpapahayag ng mga kaisipan at mithiin sa isang bayan."

- MANUEL L. QUEZON

07/08/2025

Kapayapaan at Kabutihan para sa lahat!

Inaanyayahan ko ang lahat ng miyembro sa Adarna Club na magdala ng mga materyales para sa paggawa ng Bulletin Board sa Buwan ng Wika at kung maaari ay dapat dumalo ang lahat bukas Agosto 8, 2025.

Maraming Salamat!

31/07/2025

KAPAYAPAAN AT KABUTIHAN PARA SA LAHAT!

Ang wika ay hindi lamang kasangkapan sa komunikasyon isa itong buhay na tagapagdala ng kasaysayan, kultura, at diwa ng isang lahi. Sa Pilipinas, ang paglinang ng Filipino bilang Pambansang Wika at ang pangangalaga sa mga katutubong wika ay mahalagang bahagi ng paghubog sa ating pagka Pilipino. Mula sa mga baybayin ng mga katutubong tribo hanggang sa makabagong panahon, ang mga wikang ito ay nagsilbing tulay sa pagitan ng nakaraan at kasalukuyan, at patunay sa ating pagiging isang bansang mayaman sa pagkakaiba-iba.

Sa kasaysayan, ginamit ang wika bilang sandata ng paglaya mula sa pagpapalaganap ng diwang makabayan sa panahon ng kolonyalismo hanggang sa pagbubuo ng isang pambansang identidad na nakasalig sa Inang Wika. Subalit, sa likod ng pag-usbong ng Filipino, nananatiling hamon ang pagbibigay-lakas sa mga katutubong wika na nanganganib nang maglalaho. Ang bawat wikang katutubo, tulad ng Cebuano, Ilokano, o Waray, ay hindi lamang salita,ito ay kuwento ng mga komunidad, tradisyon, at karunungang bayan na nagpapanday sa ating kolektibong pagkatao.

Sa modernong panahon, ang pagtanggap sa ating multilingguwal na katangian ang susi sa pagbuo ng isang bansang nagkakaisa sa kabila ng pagkakaiba. Sa pamamagitan ng edukasyon, midya, at sining, maipapamalas natin na ang paglinang ng Filipino at pagpapahalaga sa mga katutubong wika ay hindi paghahati, kundi pagyaman sa isang bansang pinagbubuklod ng yaman ng ating mga salita.

Tara’t pagtibayin ang ating pagmamalaki sa sariling wika—sagisag ng pagsulong, paglaya, at pagiging tunay na Pilipino!

Photos from St. Joseph's School of Mactan, Inc. Adarna Club 2025-2026's post 30/07/2025

Kapayapaan at Kabutihan para sa Lahat!

Basahin at unawain ang ating Bisyon, Misyon, at Mga Layunin para sa ikabubuti ng bawat miyembro ng Adarna Club.

07/07/2025

Magandang Gabi po sa lahat ng Opisyalis ng Adarna Club,
Nais kong ipabatid na magkakaroon ng isang mahalagang pagpupulong para sa lahat ng OPISYALIS ng Adarna Club bukas July 08, 2025 12: 20 pm - 12:50 pm sa SJSM long dining table - Playground.

Tatalakayin ang mga sumusunod na agenda:
1)General Assembly patungkol sa Adarna Club
2)Buwan ng Wika (Bulletin Board)
3)Paggawa ng Vission, Mission, at Layunin para sa Adarna Club
4)Mga Aktibidad
5)at marami pang iba.

Ang inyong aktibong partisipasyon at presensya ay lubos na hinihikayat upang masiguro ang maayos na pagsasakatuparan ng mga plano at proyekto sa ating Club, maraming salamat po at nawa'y magkita-kita tayo bukas.

Lubos na gumagalang,
Winmar Mae M. Clores
Pangulo ng Adarna Club

Want your school to be the top-listed School/college in Lapu-Lapu City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


St. Joseph's School Of Mactan, Inc
Lapu-Lapu City
6015