10/04/2020
TUNAY NA PAG-IBIG
by : LD
Nagmahal ka na ba?
Minahal ka ba?
Pinahalagahan?
O sinaktan?
Meron akong kilala,
Pakiwari ko'y kilala mo rin Siya.
Siya ang may likha,
Lumikha ng langit at lupa.
Bago ka pa ipinanganak,
Tinawag na kitang anak.
Bago ka pa minahal ng magulang mo,
Minahal. Na kita ng buong puso.
Ikaw yung pinakamaganda,
Sa lahat ng aking nilikha.
Binigyan ng buhay,
Pag-ibig ko ang isapamuhay.
Pero isang araw,
Nagbago ka.
P**t, sakit,problema ang nangibabaw,
Nakalimutan mong nandito ako sinta.
Sa oras ng iyong pagkabigo,
Nabigo sa unang pag-ibig.
Mas nagdurugo ang Aking puso,
Dahil hindi na Ako ang iyong bukang bibig.
Nagpakalunod ka sa alak,
Na tila pasan-pasan mo ang mundo.
Huwag mong sayangin ang buhay mo anak,
Dahil pinasan ko na lahat para sa ikabubuti mo.
Tinawag kita,
Pero tila mas tinatawag ka ng mundo.
At ang mas masakit ay mas pinili mo ang mundo,
Na magpapasaya sa katawan mo.
Nagdurogo ang Aking puso,
Dahil ika'y lumayo.
Naaalala mo lang Ako,
Pag meron kang gusto.
Di mo na kailangang sayangin ang buhay mo,
Dahil binuwis ko na ang buhay ko.
Matubos lang ang buhay mo,
Gamit ang sarili kong dugo.
Mahal kita,
Kinaya ko lahat ng sakit,
Dinuraan ng mga tao,
Inalipusta, binugbog at ioinako sa krus ng kalbaryo,
Para sa iyo anak.
Ginawa ko lahat ng ito,
Dahil, Mahal kita.
Huwag kang sumuko,
Nandito ako, lagi lang sa tabi mo.
Huwag mong isipin na nag iisa ka,
Sa mundong ito na mapanghusga.
Anak, nandito ako.
Nasa piling mo lang ako.
Ibinuwis ko ang buhay ko,
Para sa kasalanan mo.
Handa akong ika'y suyoin,
Ako lang ay pansinin.
Nandito ako,
Nagmamahal sayo.
Naghihintay sayo,
Na bumalik sa piling ko.
Mahal kita,
Higit pa sa pagmamahal nila.
Ako si Hesukristo,
Ang magpaparanas sa iyo ng pagmamahal,
Na hinding hindi mo mararamdaman sa iba.