Kapisanang Inang Wika MMSU CTE

Kapisanang Inang Wika MMSU CTE Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Kapisanang Inang Wika MMSU CTE, Castro Avenue, Laoag City.

Bilang isang organisasyon, layunin ng Kapisanang Inang Wika na mas maisulong, mapaunlad, maitaguyod, at mas mahalin ng lahat ang ating sariling wikang Pambansa.

๐™ˆ๐™–๐™ฉ๐™–๐™œ๐™–๐™ก ๐™ฃ๐™–๐™ฃ๐™–๐™ฃ๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ก๐™ž ๐™จ๐™– ๐™ฅ๐™ช๐™จ๐™ค ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ข๐™œ๐™– ๐™จ๐™–๐™ก๐™ž๐™ฉ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™๐™ž๐™ฃ๐™™๐™ž ๐™ฅ๐™– ๐™ฃ๐™–๐™จ๐™–๐™จ๐™–๐™—๐™ž.Sa likod ng bawat aral ay may g**ong naglaan ng panahon, p...
23/09/2026

๐™ˆ๐™–๐™ฉ๐™–๐™œ๐™–๐™ก ๐™ฃ๐™–๐™ฃ๐™–๐™ฃ๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ก๐™ž ๐™จ๐™– ๐™ฅ๐™ช๐™จ๐™ค ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ข๐™œ๐™– ๐™จ๐™–๐™ก๐™ž๐™ฉ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™๐™ž๐™ฃ๐™™๐™ž ๐™ฅ๐™– ๐™ฃ๐™–๐™จ๐™–๐™จ๐™–๐™—๐™ž.

Sa likod ng bawat aral ay may g**ong naglaan ng panahon, pasensya, at puso. Sa likod ng bawat pangarap ay may mga salitang minsang nagbigay ng tapang upang magpatuloy.

Mga kawika, halinaโ€™t isulat ang mga salitang matagal nang nais iparating sa mga g**ong naging bahagi ng inyong buhay.

Sa ๐‹๐ˆ๐‡๐€๐Œ ๐๐€๐‘๐€ ๐Š๐€๐˜ ๐†๐”๐‘๐Ž, hayaang ang bawat titik ay maging yakap, pasasalamat, at pagpupugay. ๐Ÿ’Œ

๐™ˆ๐™–๐™ฎ ๐™ข๐™œ๐™– ๐™™๐™–๐™ข๐™™๐™–๐™ข๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™๐™ž๐™ฃ๐™™๐™ž ๐™ ๐™–๐™ฎ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ž๐™จ๐™ช๐™ก๐™–๐™ฉ ๐™จ๐™– ๐™ฅ๐™–๐™ฎ๐™–๐™  ๐™ฃ๐™– ๐™จ๐™–๐™ก๐™ž๐™ฉ๐™–, ๐™ ๐™–๐™ฎ๐™– ๐™จ๐™– ๐™ฉ๐™–๐™ก๐™ช๐™™๐™ฉ๐™ค๐™™ ๐™ฃ๐™– ๐™ก๐™–๐™ข๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ฃ๐™–๐™ž๐™ฅ๐™–๐™ฅ๐™–๐™๐™–๐™ฎ๐™–๐™œ.Sa bawat taludtod ay m...
23/09/2026

๐™ˆ๐™–๐™ฎ ๐™ข๐™œ๐™– ๐™™๐™–๐™ข๐™™๐™–๐™ข๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™๐™ž๐™ฃ๐™™๐™ž ๐™ ๐™–๐™ฎ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ž๐™จ๐™ช๐™ก๐™–๐™ฉ ๐™จ๐™– ๐™ฅ๐™–๐™ฎ๐™–๐™  ๐™ฃ๐™– ๐™จ๐™–๐™ก๐™ž๐™ฉ๐™–, ๐™ ๐™–๐™ฎ๐™– ๐™จ๐™– ๐™ฉ๐™–๐™ก๐™ช๐™™๐™ฉ๐™ค๐™™ ๐™ฃ๐™– ๐™ก๐™–๐™ข๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ฃ๐™–๐™ž๐™ฅ๐™–๐™ฅ๐™–๐™๐™–๐™ฎ๐™–๐™œ.

Sa bawat taludtod ay maaaring mabuhay ang pasasalamat, paghanga, at mga kuwentong iniwan ng g**ong walang sawang gumabay at naniwala sa kakayahan ng bawat mag-aaral.

Mga kawika, halinaโ€™t makilahok sa ๐€๐๐“๐”๐‹๐€๐‡๐ˆ๐˜๐€ at ipahayag sa pamamagitan ng tula ang pasasalamat sa mga g**ong naging bahagi ng ating paghubog. ๐Ÿ–‹๏ธโค๏ธ

๐—ฆ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐˜ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐˜ ๐—ฎ๐˜† ๐—ต๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ ๐—น๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—ฏ๐—ถ๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐˜€, ๐—ธ๐˜‚๐—ป๐—ฑ๐—ถ ๐—ถ๐˜€๐—ถ๐—ป๐˜‚๐˜€๐˜‚๐—น๐—ฎ๐˜ ๐—บ๐˜‚๐—น๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐˜‚๐˜€๐—ผ.

๐™Ž๐™– ๐™ž๐™จ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ ๐™ช๐™๐™–, ๐™ข๐™–๐™–๐™–๐™ก๐™–๐™ก๐™– ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ข๐™œ๐™– ๐™ฅ๐™–๐™œ๐™œ๐™–๐™—๐™–๐™ฎ, ๐™ฅ๐™–๐™œ๐™ฅ๐™ช๐™ฅ๐™ช๐™œ๐™–๐™ฎ, ๐™–๐™ฉ ๐™ฅ๐™–๐™จ๐™–๐™จ๐™–๐™ก๐™–๐™ข๐™–๐™ฉ ๐™ฅ๐™–๐™ง๐™– ๐™จ๐™– ๐™ข๐™œ๐™– ๐™œ๐™ช๐™ง๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™ฃ๐™–๐™œ๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™—๐™–๐™๐™–๐™œ๐™ž ๐™ฃ๐™œ ๐™–๐™ข๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™ ๐™ช๐™ฌ๐™š๐™ฃ๐™ฉ๐™ค.A...
23/09/2026

๐™Ž๐™– ๐™ž๐™จ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ ๐™ช๐™๐™–, ๐™ข๐™–๐™–๐™–๐™ก๐™–๐™ก๐™– ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ข๐™œ๐™– ๐™ฅ๐™–๐™œ๐™œ๐™–๐™—๐™–๐™ฎ, ๐™ฅ๐™–๐™œ๐™ฅ๐™ช๐™ฅ๐™ช๐™œ๐™–๐™ฎ, ๐™–๐™ฉ ๐™ฅ๐™–๐™จ๐™–๐™จ๐™–๐™ก๐™–๐™ข๐™–๐™ฉ ๐™ฅ๐™–๐™ง๐™– ๐™จ๐™– ๐™ข๐™œ๐™– ๐™œ๐™ช๐™ง๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™ฃ๐™–๐™œ๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™—๐™–๐™๐™–๐™œ๐™ž ๐™ฃ๐™œ ๐™–๐™ข๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™ ๐™ช๐™ฌ๐™š๐™ฃ๐™ฉ๐™ค.

Ang bawat larawan ay may kuwentong hindi kayang sabihin ng salita. Sa isang pindot ng kamera, maaaring maipakita ang isang g**ong naging ilaw sa landas, sandalan sa pag-aalinlangan, at inspirasyon sa pag-abot ng pangarap.

Mga kawika, halinaโ€™t makilahok sa ๐ƒ๐€๐†๐‹๐ˆ๐“๐‘๐€๐“๐Ž at gawing alaala ang bawat sandaling nagbigay-liwanag ang isang g**o. ๐Ÿ“ธ

๐—ž๐—œ๐—ช๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ ๐—บ๐—ผ ๐—ฏ๐—ฎ? | ๐—œ๐—ธ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ง๐—ฎ๐—ป๐—ผ๐—ป๐—ดUnang ipinagdiriwang ang World Teachers' Day noong October 5, 1994 upang gunitain ang p...
23/09/2026

๐—ž๐—œ๐—ช๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ ๐—บ๐—ผ ๐—ฏ๐—ฎ? | ๐—œ๐—ธ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ง๐—ฎ๐—ป๐—ผ๐—ป๐—ด

Unang ipinagdiriwang ang World Teachers' Day noong October 5, 1994 upang gunitain ang paglagda sa 1966 UNESCO/ILO Recommendation concerning the Status of Teachers, isang instrumento na tumutugon sa estado, sitwasyon, karapatan at tungkulin ng mga g**o.

Sa Pilipinas, nilagdaan ni Pangulong ______________________ ang Proclamation No. 479 noong October 1, 2003 na nagtatakda sa araw ng October 5 bilang National Teachersโ€™ Day.

๐™‹๐™–๐™–๐™ก๐™–๐™ก๐™–: ๐˜ฝ๐™–๐™œ๐™ค ๐™—๐™–๐™ฃ๐™œ๐™œ๐™ž๐™ฉ๐™ž๐™ฃ ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ž๐™ฃ๐™ฎ๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™ ๐™–๐™จ๐™–๐™œ๐™ช๐™ฉ๐™–๐™ฃ, ๐™ข๐™–๐™œ๐™—๐™ž๐™œ๐™–๐™ฎ ๐™ข๐™ช๐™ฃ๐™– ๐™ฃ๐™œ ๐™ฉ๐™–๐™ฉ๐™ก๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™ฅ๐™–๐™๐™–๐™ฎ๐™–๐™œ ๐™ฃ๐™– ๐™ฃ๐™–๐™œ๐™จ๐™ž๐™จ๐™ž๐™ข๐™ช๐™ก๐™– ๐™จ๐™– "๐™„ ๐™—๐™š๐™ก๐™ž๐™š๐™ซ๐™š..."

๐Ÿ”” ๐—ฆ๐—”๐—š๐—ข๐—ง ๐—ง๐—ฆ๐—˜๐—ž! ๐Ÿ””๐Ÿ“– Ang tamang sagot ay...๐—ฃ๐—ฅ๐—˜๐—ฆ๐—œ๐——๐—˜๐—ก๐—ง๐—œ๐—”๐—Ÿ ๐——๐—˜๐—–๐—ฅ๐—˜๐—˜ ๐—ก๐—ข. ๐Ÿญ๐Ÿฌ๐Ÿฌ๐Ÿฒ!Nakuha mo ba ang tamang sagot? ๐Ÿ‘€๐Ÿ“
23/09/2026

๐Ÿ”” ๐—ฆ๐—”๐—š๐—ข๐—ง ๐—ง๐—ฆ๐—˜๐—ž! ๐Ÿ””

๐Ÿ“– Ang tamang sagot ay...

๐—ฃ๐—ฅ๐—˜๐—ฆ๐—œ๐——๐—˜๐—ก๐—ง๐—œ๐—”๐—Ÿ ๐——๐—˜๐—–๐—ฅ๐—˜๐—˜ ๐—ก๐—ข. ๐Ÿญ๐Ÿฌ๐Ÿฌ๐Ÿฒ!

Nakuha mo ba ang tamang sagot? ๐Ÿ‘€๐Ÿ“

๐—ž๐—œ๐—ช๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ ๐—บ๐—ผ ๐—ฏ๐—ฎ? | ๐—จ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ง๐—ฎ๐—ป๐—ผ๐—ป๐—ดG**o ka ba sa kaalaman? Subukin natin ang iyong alam! Sa pagdiriwang ng Buwan ng mga G**o, ...
22/09/2026

๐—ž๐—œ๐—ช๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ ๐—บ๐—ผ ๐—ฏ๐—ฎ? | ๐—จ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ง๐—ฎ๐—ป๐—ผ๐—ป๐—ด

G**o ka ba sa kaalaman? Subukin natin ang iyong alam!

Sa pagdiriwang ng Buwan ng mga G**o, balikan natin ang isang mahalagang yugto sa kasaysayan ng propesyon ng pagtuturo sa Pilipinas.

KIWlala mo ba?

Anong batas na nilagdaan noong 1976 ang kinilala bilang โ€œDecree Professionalizing Teachingโ€ at naging mahalagang hakbang sa pagkilala sa pagtuturo bilang isang ganap na propesyon?

Ilagay ang iyong sagot sa comment section!
Tingnan natin kung sino ang tunay na nakakiKIWlala sa larang ng Edukasyon!

Abangan ang sagot at ang susunod pang tanong sa KIWlala Mo Ba? Online Trivia Quiz!

Kapag wika ang sandigan, kaalaman ay naipapasa. Kapag g**o ang gabay, kinabukasan ay nahuhubog.

๐Œ๐š๐ฅ๐ข๐ ๐š๐ฒ๐š๐ง๐  ๐€๐ซ๐š๐ฐ ๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐†๐ฎ๐ซ๐จ!โค๏ธSa bawat pisarang may sulat, may g**ong may pangarap na hinuhubog;sa bawat pahinang binubu...
21/09/2026

๐Œ๐š๐ฅ๐ข๐ ๐š๐ฒ๐š๐ง๐  ๐€๐ซ๐š๐ฐ ๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐†๐ฎ๐ซ๐จ!โค๏ธ

Sa bawat pisarang may sulat, may g**ong may pangarap na hinuhubog;
sa bawat pahinang binubuklat, may isip at pusong unti-unting binubuo.
Sa bawat tanong na aming ibinabato, nariyang siyang handang sumagot;
at sa bawat landas na aming tatahakin, may g**ong unang nagturo kung paano ito matatamasa nang hindi natatakot.

Kayo ang ilaw sa silid-aralan kapag ang aralin ay nagiging malabo,
ang gabay kapag ang aming landas ay tila hindi pa malinaw at tiyak ang dulo.
Ang inyong mga salita ay binhing sa aming puso ay tumutubo,
at ang inyong mga aral sa buhay mananatili saanman kami patungo.

Hindi lamang kaalaman ang inyong iniiwan sa bawat aralin
kundi tiwala, tapang, pangarap, at paninindigan.

Sa bawat mag-aaral na natutong mangarap, may g**ong unang naniwala.
Sa bawat tagumpay na aming maaabot, may g**ong bahagi ng aming mga kuwento.

Ngayong Buwan ng mga G**o, kayo naman ang aming bibigyang-pugay.
Maraming salamat sa bawat aral, bawat sakripisyo, at bawat pusong pinipiling magturo araw-araw.

Maligayang Buwan ng mga G**o!
Ang inyong liwanag ay hindi nagtatapos sa loob ng silid-aralan kundi patuloy itong nagniningning sa bawat buhay na inyong pinapanday.

๐™ˆ๐™–๐™ง๐™–๐™ข๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™จ๐™–๐™ก๐™–๐™ข๐™–๐™ฉ ๐™ฅ๐™ค, ๐™ข๐™œ๐™– ๐™ˆ๐™–๐™ข ๐™–๐™ฉ ๐™Ž๐™š๐™ง!โค๏ธ

๐— ๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—ฑ๐—ฎ๐—น๐˜‚๐—ฏ๐—ต๐—ฎ๐˜€๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฎ๐˜€๐—ถ๐—ด๐—ป๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—™๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ผ๐Ÿ–‹๏ธ๐Ÿ“–Malapit nang magsimula ang bagong kabanata sa nobela ng inyong pagpapakadalu...
19/09/2026

๐— ๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—ฑ๐—ฎ๐—น๐˜‚๐—ฏ๐—ต๐—ฎ๐˜€๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฎ๐˜€๐—ถ๐—ด๐—ป๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—™๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ผ๐Ÿ–‹๏ธ๐Ÿ“–

Malapit nang magsimula ang bagong kabanata sa nobela ng inyong pagpapakadalubhasa! Ang mga tinta ng inyong panulat ang magtatakda ng bago ninyong kapalaran, at ang papel ng kahusayan ang magbibigay ng bagong landas sa kuwentong puno ng hirap at sakripisyo.

Panalangin namin na sa bawat titik na inyong isusulat sa papel, nawa'y sumibol ang inyong pagpupunyagi at magningning ang inyong pagmamahal para sa wikang patuloy nating ipinaglalaban.

Mula sa mga bumubuo ng Kapisanang Inang Wika, padayon, mga tagapagtanggol ng wika at hangad namin ang inyong Tagumpay!

๐™‡๐™–๐™๐™–๐™ฉ, ๐™ฅ๐™–๐™ฅ๐™–๐™จ๐™–!๐Ÿ•ฏ๏ธ

๐๐š๐ฅ๐ข๐ญ๐š | ๐’๐š๐ฅ๐ฏ๐š๐ญ๐ข๐ž๐ซ๐ซ๐š, ๐ง๐š๐ง๐ ๐ข๐›๐š๐›๐š๐ฐ ๐š๐ง๐  ๐ญ๐ข๐ง๐ข๐   ๐ฌ๐š ๐๐š๐ ๐ฅ๐ข๐š๐ง๐  ๐ญ๐š๐ฅ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐š๐ญ๐ขHindi naging hadlang ang maikling oras sa pagbuo ng kan...
15/09/2026

๐๐š๐ฅ๐ข๐ญ๐š | ๐’๐š๐ฅ๐ฏ๐š๐ญ๐ข๐ž๐ซ๐ซ๐š, ๐ง๐š๐ง๐ ๐ข๐›๐š๐›๐š๐ฐ ๐š๐ง๐  ๐ญ๐ข๐ง๐ข๐  ๐ฌ๐š ๐๐š๐ ๐ฅ๐ข๐š๐ง๐  ๐ญ๐š๐ฅ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐š๐ญ๐ข

Hindi naging hadlang ang maikling oras sa pagbuo ng kaniyang kaisipan para kay Salvatierra matapos niyang angkinin ang kampeonato sa Dagliang Talumpati sa ๐˜Š๐˜ถ๐˜ญ๐˜ต๐˜ถ๐˜ณ๐˜ข๐˜ญ ๐˜ข๐˜ต ๐˜“๐˜ช๐˜ต๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ข๐˜ณ๐˜บ ๐˜Š๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ฆ๐˜ด๐˜ต ng ๐˜”๐˜ข๐˜ณ๐˜ช๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฐ ๐˜”๐˜ข๐˜ณ๐˜ค๐˜ฐ๐˜ด ๐˜š๐˜ต๐˜ข๐˜ต๐˜ฆ ๐˜œ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ท๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ด๐˜ช๐˜ต๐˜บ-๐˜Š๐˜ฐ๐˜ญ๐˜ญ๐˜ฆ๐˜จ๐˜ฆ ๐˜ฐ๐˜ง ๐˜›๐˜ฆ๐˜ข๐˜ค๐˜ฉ๐˜ฆ๐˜ณ ๐˜Œ๐˜ฅ๐˜ถ๐˜ค๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ (๐˜”๐˜”๐˜š๐˜œ-๐˜Š๐˜›๐˜Œ) ๐˜๐˜ฏ๐˜ต๐˜ณ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ณ๐˜ข๐˜ญ๐˜ด ๐˜”๐˜ฆ๐˜ฆ๐˜ต 2026 noong Setyembre 14.

Sa paksang โ€œKahalagahan ng Pamana ng Lahi sa Social Media Age,โ€ binigyang-diin ni Salvatierra ang patuloy na halaga ng kultura at mga pamanang iniwan ng mga naunang salinlahi sa gitna ng mabilis na pagbabago ng paraan ng pakikipag-ugnayan sa kasalukuyang panahon.

Sa kaniyang pagtatanghal, naipamalas niya ang kakayahang bumuo ng malinaw at makabuluhang pananaw mula sa ibinigay na paksa at maihatid ito nang may kumpiyansa sa harap ng tagapakinig.

Sa limitadong oras ng paghahanda, naipakita ni Salvatierra na ang isang makabuluhang mensahe ay hindi nasusukat sa haba ng panahon ng paghahanda, kundi sa linaw ng kaisipan at husay sa pagpapahayag.

Dahil sa kaniyang pagkapanalo, si Salvatierra ang inaasahang kakatawan sa CTE sa nalalapit na UniGames 2026.

๐๐š๐ฅ๐ข๐ญ๐š | ๐Ž๐ซ๐›๐ž๐ญ๐š ๐ง๐š๐ ๐ญ๐š๐ฅ๐š ๐ง๐  ๐ค๐š๐ฌ๐š๐ฒ๐ฌ๐š๐ฒ๐š๐ง; ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐ข๐ง๐  ๐ง๐š๐ฆ๐š๐ฒ๐š๐ง๐ข ๐ฌ๐š ๐ฉ๐š๐ ๐ฌ๐ฎ๐ฅ๐š๐ญ ๐ง๐  ๐ฌ๐š๐ง๐š๐ฒ๐ฌ๐š๐ฒSa Ikalawang pagkakataon, muling pinatunay...
15/09/2026

๐๐š๐ฅ๐ข๐ญ๐š | ๐Ž๐ซ๐›๐ž๐ญ๐š ๐ง๐š๐ ๐ญ๐š๐ฅ๐š ๐ง๐  ๐ค๐š๐ฌ๐š๐ฒ๐ฌ๐š๐ฒ๐š๐ง; ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐ข๐ง๐  ๐ง๐š๐ฆ๐š๐ฒ๐š๐ง๐ข ๐ฌ๐š ๐ฉ๐š๐ ๐ฌ๐ฎ๐ฅ๐š๐ญ ๐ง๐  ๐ฌ๐š๐ง๐š๐ฒ๐ฌ๐š๐ฒ

Sa Ikalawang pagkakataon, muling pinatunayan ni Jamilla Casie Mei Orbeta ng Sophomore Class Organization (SOCO) ang husay sa pagsulat matapos masungkit ang kampeonato sa Pagsulat ng Sanaysay na ginanap bilang parte ng ๐˜Š๐˜ถ๐˜ญ๐˜ต๐˜ถ๐˜ณ๐˜ข๐˜ญ ๐˜ข๐˜ต ๐˜“๐˜ช๐˜ต๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ข๐˜ณ๐˜บ ๐˜Š๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ฆ๐˜ด๐˜ต ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜”๐˜ข๐˜ณ๐˜ช๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฐ ๐˜”๐˜ข๐˜ณ๐˜ค๐˜ฐ๐˜ด ๐˜š๐˜ต๐˜ข๐˜ต๐˜ฆ ๐˜œ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ท๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ด๐˜ช๐˜ต๐˜บ-๐˜Š๐˜ฐ๐˜ญ๐˜ญ๐˜ฆ๐˜จ๐˜ฆ ๐˜ฐ๐˜ง ๐˜›๐˜ฆ๐˜ข๐˜ค๐˜ฉ๐˜ฆ๐˜ณ ๐˜Œ๐˜ฅ๐˜ถ๐˜ค๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ (๐˜”๐˜”๐˜š๐˜œ-๐˜Š๐˜›๐˜Œ) ๐˜๐˜ฏ๐˜ต๐˜ณ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ณ๐˜ข๐˜ญ๐˜ด ๐˜”๐˜ฆ๐˜ฆ๐˜ต 2026, Setyembre 14.

Sa kasalukuyang mainit na usaping "No Hiring" ng Kagawaran ng Edukasyon sa mga Public School Teachers sa susunod na taon, ipinamalas ni Orbeta ang talas ng isip, lalim ng pag-unawa, at husay sa paghabi ng mga kaisipan sa pamamagitan ng makabuluhang sanaysay. Sa kaniyang pagsusulat, naipakita niya ang kakayahang maglahad ng ideya nang malinaw, organisado, at may matibay na mensahe.

Sa kaniyang muling pagwawagi, hindi lamang medalya ang naiuuwi kundi isang kasaysayang nagsisilbing inspirasyon sa mga kabataang patuloy na hinahasa ang kanilang tinig sa pamamagitan ng pagsulat.

Inaasahang si Orbeta ang magiging kinatawan ng CTE para sa Pagsulat na Sanaysay sa nalalapit na UniGames 2026.

Address

Castro Avenue
Laoag City
2900

Opening Hours

Monday 7am - 8pm
Tuesday 7am - 8pm
Wednesday 7am - 8pm
Thursday 7am - 8pm
Friday 7am - 8pm
Saturday 8am - 8pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kapisanang Inang Wika MMSU CTE posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to Kapisanang Inang Wika MMSU CTE:

Shortcuts

Share