23/08/2025
๐๐ธ๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ฌ๐๐ด๐๐ผ, ๐ ๐ฎ๐ ๐ ๐ฎ๐น๐ฎ๐น๐ถ๐บ ๐ป๐ฎ ๐ฃ๐ฎ๐ด๐ป๐ถ๐ป๐ถ๐น๐ฎ๐
Pinangungunahan ng kanilang Tagapayo, ๐ท๐๐๐. ๐ฒ๐๐๐๐๐ ๐ซ. ๐ฝ๐๐
๐๐
, matagumpay na naisagawa ng BSE Filipino 4A ang kanilang ikalawang post-conference sa Field Study.
Kung sa unang pagpupulong ay pagbabalik-tanaw, sa ikalawa namaโy mas malinaw na nakita ang pagbabago at paghinog ng bawat student-teacher. Ditoโy higit na naipahayag ang mga natutunan, ang mga pagsubok na kanilang kinaharap, at ang mga pagkakataong nagpatatag sa kanilang paninindigan bilang magiging g**o.
Ang bawat kwento ay tila hibla ng karanasan na habi-habiโy nagiging kasuotan ng kanilang propesyonโmatibay, makulay, at may saysay.
Sa paggabay ni Prop. Vidad, ang ikalawang post-conference ay nagbukas ng mas malawak na pang-unawa na ang pagtuturo ay hindi lamang pagbibigay ng kaalaman, kundi pagbuo ng tao at pagbibigay-liwanag sa kanilang landas.