12/08/2026
๐ฃ๐๐๐๐๐ฅ๐๐ช๐๐ก๐ ๐ก๐ ๐๐จ๐ช๐๐ก ๐ก๐ ๐ช๐๐๐๐ก๐ ๐ฃ๐๐ ๐๐๐ก๐ฆ๐ 2026
๐ฌ๐ซ๐ฐ๐ป๐ถ๐น๐๐จ๐ณ | ๐ฆ๐๐ป๐๐ผ๐ธ ๐๐ฎ ๐๐๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ด-๐๐ป๐น๐ฎ๐ฑ
๐๐ข๐ณ๐ณ๐ช๐ด๐ข ๐๐ข๐ฆ ๐๐ข๐ค๐ข๐ฏ๐จ
Tayong mga Pilipino, hindi lamang mayaman sa kultura at tradisyon, isa rin sa ating pinakamahalagang yaman ang ating wika sapagkat kung nasaan ang wika naroon din ang kultura. Wikaโy salamin o repleksyon ng ating pagkakakilanlan, kasaysayan, at pagkakaisa. Sa bawat salitang ating binibigkas, dala natin ang kultura at karanasan ng isang bayang patuloy na humuhubog sa kanyang pagkatao. Sa pamamagitan ng Proklamasyon Blg. 1041, s. 1997, itinakda ang buong Agosto bilang Buwan ng Wikang Pambansa upang higit na mapahalagahan at mapalaganap ang ating wika.
Samantala, sa Batas Republika Blg. 7104, itinatag ang Komisyon sa Wikang Filipino na may tungkuling pangalagaan, paunlarin, at payabungin pa ang wikang Filipino at iba pang mga wikang umiiral sa Pilipinas. Noon pa man, may mga Pilipino nang itinataas ang kahalagahan nito, ninais nilang hindi lamang sa komunikasyun gamitin ang wika natin, kundi isapuso, isaisip at isagawa natin upang magsilbing tulay ng pagkakaisa.
Matagal at malalim na ang pagpapahalaga natin sa Wikang Filipino, ngunit bakit kailangan pa rin natin itong ipaglaban sa ngayon? Hindi maikakaila na kasabay ng paglipas ng panahon ay nagbabago rin ang wika. Dumarami ang mga bagong salita, umuusbong ang mga bagong paraan ng pakikipag-usap o pakikipag-ugnayan, at lumalawak ang impluwensiya ng mga banyagang wika. Sapagkat hindi rin batid ng mga mamamayang Filipino na kusang namamatay ang wika kapagka hindi na ito ginagamit. Ang isang matatag na wika ay hindi natatakot sa pagbabago; marunong itong umangkop habang pinananatili ang sariling pagkakakilanlan. Ang wikang Filipino ay patuloy na nabubuhay dahil ginagamit natin ito sa tahanan, paaralan, trabaho, sining, medya, social media at pang-araw-araw na pakikipagtalastasan. Kaya sino nga ba ang tunay na kalaban ng pag-unlad ng ating wika? Ang kolonyal na kaisipan ba? Dahil hanggang ngayon, may mga pagkakataong mas mataas ang tingin ng lipunan sa taong mahusay magsalita ng Ingles kaysa sa taong mahusay magpahayag sa Filipino. Para bang ang pagiging matalino, propesyonal, at matagumpay ay kailangang patunayan sa pamamagitan ng matatas na paggamit sa banyagang wika. May mga pagkakataon ding minamaliit ang paggamit ng Wikang Filipino sa pormal na usapan, paaralan, trabaho, at iba pang institusyon. Hindi bat kabalintunaan na sa sarili nating bansa ay maaari nating maramdaman na kailangan muna nating magsalita ng Ingles upang seryosohin?
Naging kalaban din ba ng sarili nating wika ang mga pagbabago sa edukasyon? Sa CHED (Commission on Higher Education) Memorandum Order No. 20, s. 2013, binago ang General Education Curriculum at inalis ang asignaturang Filipino at Panitikan bilang bahagi ng core courses sa kolehiyo, kalaunan, pinagtibay ng Korte Suprema ang implementasyon nito, habang ipinaliwanag ng CHED na ang mga asignaturang ito ay nailipat sa Senior High School. Tinalo ng mga nasa taas ang pagpapahalaga dapat sa sarili nating wika. Kung ito ang isa sa pinakamahalagang bahagi ng ating pagkakakilanlan, sapat ba ang pag-aaral at paggamit nito kung sa mataas na antas ng edukasyon ay natanggalan ito ng puwang? Hindi ba dapat mas lalo natin itong palakasin, lalo na sa panahong mabilis na nagbabago ang paraan ng ating komunikasyon?
At ngayon, dumating ang isang bagong hamon, ang AI o artificial intelligence. Sa mundong halos lahat ay nasa isang pindot na lamang, napakadaling humingi ng sagot, magpagawa ng sanaysay, magpaayos ng pangungusap, magpagawa ng larawan โsa isang kasangkapan na gawa rin ng tao. Ito ay katunayan ng pagiging henyu, ngunit mayroon ba itong binubura? Kapag ang kasangkapan na dapat tumulong sa ating pag-iisip ay siya nang nag-iisip para sa atin. Na lahat na lamang na kailangang utak mo naman ang lumikha, sa kanya mo na iniaasa. Ayon sa pag-aaral na ginawa ni Fontenelle-Treshchuk (2024), ang pagiging palaasa ng mga mag-aaral sa paggamit ng AI Tool sa pagbuo ng sulatin ay nagreresulta sa pagbaba ng kanilang kritikal na pag-iisip gayundin ang pagtaas ng tendensiya na sila ay kumopya at magsagawa ng plagiarism na nakaaapekto sa pagiging orihinal ng kanilang mga ideya at kakaniyahan ng kanilang personal na istilo sa pormal na pagsulat.
Naging komportable na ang karamihanโna kopyahin ang mga salita kaysa lumikha. Kaya unti-unti na nating nakakalimutan kung paano magpahayag nang sariling isipin. Ilang beses nang AI mismo ang kalaban ng wikang Filipino. Ang tunay na kalaban ay ang maling paggamit natin dito. Kung kaya ng AI na magsulat sa Filipino, kaya rin natin itong gamitin upang mas mapalawak ang paggamit ng ating wika sa digital na mundo.
Gayunpaman, sa kabila ng benepisyong dulot ng artipisyal na katalinuhan sa larangan ng edukasyon, ang paggamit nito ay maihahalintulad sa isang "espadang may dalawang talim" dahil ito ay lumilikha at nagpapakita ng parehong mga benepisyo at banta sa kasalukuyang sistema ng edukasyon, maaari itong maging sandata tungo sa pagpapaunlad ng kakayahan, at maaaring maging mapanira kung gagamitin sa hindi naaangkop na pamamaraan (Hagendorff, 2020). Nasaan na ang mga na likhang sining na hindi man perpekto ang mga linya at lagpas ang mga kulay sa guhit ay bunga pa rin ng mga kamay na malikhain? Uhaw na ang edukasyon sa masining na paglalahadโpagsusulat na may mangilan-ngilan mang imperpeksyon sa gramatika, ngunit tagos sa puso ang nais ipahiwatig. Nais natin ng pag-unlad, pero ninais ba nating patayin ang tunay na likha ng isipan at dumepende na lamang sa artipisyal na kaalaman? Nakikita na natin ang pagbaba ng kalidad ng edukasyon. Pinatutunayan ito sa isinagawang pag-aaral ni Sales (2026), kung saan ilan sa mga negatibong epekto ng paggamit ng AI tools sa mga mag-aaral sa sekondarya ay ang pagiging tamad; palaasa sa teknolohiya; maling impormasyon o hindi angkop na sagot; Paglabag sa Academic Integrity; Limitado ang kaalaman sa AI; at Hamon sa seguridad.
Sa huli, hindi AI and tunay na banta sa unti-unting paglimot sa kahalagahan ng wikaโkundi ang hindi karapat-dapat na paggamit nito. Dahil hindi teknolohiya, batas, o banyagang wika ang may huling desisyon sa kinabukasan ng Filipinoโtayo. Maaari nating yakapin ang AI nang hindi isinusuko ang sariling kakayahang mag-isip at magpahayag. Sapagkat tao pa rin ang gumawa ng AIโtao rin ang may kapangyarihang magtakda kung paano ito gagamitin. Kung nagawa ng taong lumikha ng teknolohiyang kayang tumulong sa milyon-milyong tao, kaya rin ng mga Pilipinong lumikha ng isang henerasyong marunong gumamit ng teknolohiya habang ipinagmamalaki ang sariling wika. Sa mundong patuloy na umuunlad, huwag nating hayaang ang wikang nagbuklod sa atin ang siyang maiwan. Gamitin natin ang teknolohiya bilang tulong, hindi bilang kapalit. Bugbog na ang ating wika, panahon naman upang ilaban natin ang instrumento ng ating pagkakaisa. Huwag sana nating hayaan na ang pag-unlad natin gamit ang wikang Filipino ay maging suntok sa buwan na lamang.
๐๐ฟ๐ถ๐๐ถ๐ธ๐ผ ๐ป๐ด ๐๐ถ๐ธ๐ฎ: Dr. Evangeline L. Agcaoili
๐ฃ๐ฎ๐ด๐น๐ฎ๐น๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐๐๐ฑ๐น๐ถ๐ป๐ด (๐๐ฑ๐ถ๐๐ผ๐ฟ๐ถ๐ฎ๐น ๐ฐ๐ฎ๐ฟ๐๐ผ๐ผ๐ป๐ถ๐๐): Gian Caban
๐ง๐ฎ๐ด๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐บ๐ฎ๐๐ป๐๐ด๐ผ๐ ๐ป๐ด ๐ถ๐บ๐ฎ๐ต๐ฒ (๐๐บ๐ฎ๐ด๐ฒ ๐ฒ๐ฑ๐ถ๐๐ผ๐ฟ): John Kenneth Castillo
๐ ๐ด๐ฎ ๐ฑ๐ฎ๐น๐๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐ฏ๐ฎ๐๐ถ๐:
buwanngwika.com.https://buwanngwika
Fontenelle-Tereshchuk, D. (2024). Academic writing and ChatGPT: Students transitioning into college in the shadow of the COVID-19 pandemic. Discover Education, 3(1), 1-10. https://link.springer.com/article/10.1007/s44217-023-00076-5
Hagendorff, T. (2020). The ethics of AI ethics: An evaluation of guidelines. Minds and Machines. 30(1), 993120. https://doi.org/10.1007/s11023-020-09517-8
Sales M. (2026). Epekto Ng Artificial Intelligence (AI) Sa Akademikong Pagganap Ng Mga Mag-Aaral Sa Asignaturang Filipino Sa Mga Pampublikong Paaralang Sekondarya Sa Lalawigan Ng Albay: Isang Pagsusuri. Pambansang Akademikong Journal sa Pananaliksik at Edukasyon. 10.5281/zenodo.20050840