Captain NOLI - the Seaside

Captain NOLI - the Seaside Let's rise by lifting others. - Capt. NOLI

CASH ADVANCE.Maganda lang pakinggan sa English, pero sa Tagalog—UTANG pa rin ’yan.At tandaan:kahit gaano kaganda ang pan...
20/09/2026

CASH ADVANCE.
Maganda lang pakinggan sa English, pero sa Tagalog—UTANG pa rin ’yan.

At tandaan:
kahit gaano kaganda ang pangalan ng utang,
kapag nasanay ka rito, unti-unti nitong kinakain ang susunod mong sweldo.

Kung normal na sa iba ang laging may utang,
huwag kang makisabay.
If debt is normal, be weird!

Mas mabuting matutong mag-budget, mag-ipon, at magplano
kaysa laging umaasa sa cash advance.

Hindi lahat ng gusto, kailangan.
Hindi lahat ng kailangan, dapat utangin.

⚓ VOYAGE 018 — TRAIN BEFORE THE TEST COMESSa training, puwedeng magkamali, magtanong, ulitin, at matuto.Pero kapag nasa ...
18/09/2026

⚓ VOYAGE 018 — TRAIN BEFORE THE TEST COMES

Sa training, puwedeng magkamali, magtanong, ulitin, at matuto.

Pero kapag nasa actual operation ka na, ang isang pagkakamali ay maaaring may kapalit na equipment, cargo, career—or even life.

Kaya huwag hintaying nasa sitwasyon ka na bago ka maghanda.

“Training is the safest place to fail. The sea is not.”

— THE COMPASS
Captain NOLI
:::

Bago bilangin ang padala, bilangin muna ang sakripisyo. ⚓💛Sa MARINO at OFW: mag-ipon habang may lakas at kita.Sa kamag-a...
18/09/2026

Bago bilangin ang padala, bilangin muna ang sakripisyo. ⚓💛

Sa MARINO at OFW: mag-ipon habang may lakas at kita.
Sa kamag-anak: pahalagahan ang bawat perang ipinapadala.

Dahil bawat padala ay sakripisyo—at bawat ipon ay paghahanda sa kinabukasan.

- Capt. NOLI - The Shoreside - Gabay Pinansyal

  LEARN HOW TO SAY NO! 🚦Masama ba ang tumulong o magpautang?Hindi naman. Ang pagtulong ay magandang bagay—basta hindi it...
16/09/2026

LEARN HOW TO SAY NO! 🚦

Masama ba ang tumulong o magpautang?

Hindi naman. Ang pagtulong ay magandang bagay—basta hindi ito magiging sagabal sa sarili mong pag-asenso, sa pangangailangan ng pamilya mo, at sa kinabukasang pinaghahandaan mo.

Tandaan: may sarili ka ring buhay, responsibilidad, pamilya, at mga pangarap na nais marating.

Bago magbigay o magpautang, magandang itanong muna:

🚑 Emergency ba talaga?
Para ba ito sa biglaang pangangailangan gaya ng medical emergency, o para lamang sa luho at bagay na puwedeng ipagpaliban?

🔌 Responsibilidad mo ba talaga ito?
Alamin ang hangganan ng responsibilidad mo sa ibang tao. Ang kuryente, matrikula, renta, at iba pang regular na gastusin ay mga bagay na dapat sana ay pinaghahandaan buwan-buwan.

💪 Kaya ba niyang tulungan ang sarili niya?
Kung malakas, may kakayahang magtrabaho, at may paraan naman para kumita, baka ang mas magandang tulong ay hikayatin siyang tumayo sa sarili niyang paa—hindi ang masanay na palaging umaasa.

🎁 Minsan ba, o palagi na?
Ang minsang tulong ay maaaring tunay na tulong. Pero kapag ang “minsan” ay naging regular na inaasahan, baka hindi na ito pagtulong kundi pamimihasa sa iyong kabaitan.

💰 Kaya mo bang mawala ang perang ibibigay mo?
Ang bawat tulong, hiram, o pautang na hindi naibabalik ay direktang nababawas sa perang pinaghirapan at iniipon mo para sa sarili mong pamilya at kinabukasan.

At minsan, kapag marunong kang tumanggi, ikaw pa ang nagiging masama.

May magsasabi pa:

“Hindi mo naman madadala sa hukay ang pera.”

Totoo. Hindi natin madadala ang pera.

Pero maaari nating maiwan ang ipon, tahanan, puhunan, proteksyon, at maayos na paghahanda para sa mga mahal natin sa buhay. Kapag dumating ang panahon na wala na ang breadwinner, malaking bagay na hindi sila magsisimula muli sa wala.

At may paalala rin sa Biblia tungkol sa taong ayaw magsikap at ayaw tumupad sa kanyang responsibilidad:

2 Mga Taga-Tesalonica 3:6
“Mga kapatid, iniuutos namin sa inyo sa pangalan ng Panginoong Jesu-Cristo na layuan ninyo ang sinumang kapatid na tamad at ayaw sumunod sa mga itinuro namin sa inyo.”

Hindi ito tungkol sa taong hindi kayang magtrabaho o tunay na nangangailangan. Ang punto ay huwag nating gawing permanente ang pag-asa ng taong kaya namang tumayo sa sariling paa.

Kaya tandaan:

Hindi lahat ng pagtanggi ay pagiging madamot.
Minsan, ang pagsasabi ng NO ay pagprotekta sa iyong pamilya, ipon, at kinabukasan.

At minsan, ang pinakamagandang tulong ay hindi pautang—

kundi pagtulak sa isang tao na matutong tumayo sa sarili niyang paa. 💪

At sabi nga natin nang pabiro:

LAYUAN… hindi PAUTANGIN. 😅

Salamuch sa tiwala at suporta…DIY request ng mga shipmates ko. ⚓📚Isa-isa nating ginagawa onboard.
16/09/2026

Salamuch sa tiwala at suporta…
DIY request ng mga shipmates ko. ⚓📚
Isa-isa nating ginagawa onboard.

Masarap kumita. Mas masarap ang may naitatabi. ⚓💰Dahil ang tunay na peace of mind ay hindi lang nasa sweldo—nasa ipong a...
11/09/2026

Masarap kumita. Mas masarap ang may naitatabi. ⚓💰

Dahil ang tunay na peace of mind ay hindi lang nasa sweldo—nasa ipong alam mong may naghihintay para sa kinabukasan.

- Capt. NOLI - The Shoreside - Gabay Pinansyal

Bago bilangin ang padala ng OFW, bilangin muna ang mga araw na wala siya sa pamilya. ❤️🌍Madaling gastusin ang pera.Hindi...
08/09/2026

Bago bilangin ang padala ng OFW, bilangin muna ang mga araw na wala siya sa pamilya. ❤️🌍

Madaling gastusin ang pera.
Hindi madaling palitan ang oras, pagod, at sakripisyong pinanggalingan nito.

- Capt. NOLI - The Shoreside - Gabay Pinansyal

Natuto akong mag-bookbind dahil sa Founding Readers… 😅Pati mga kasama ko sa barko, nag-avail din.Akala ko pagsusulat lan...
08/09/2026

Natuto akong mag-bookbind dahil sa Founding Readers… 😅
Pati mga kasama ko sa barko, nag-avail din.
Akala ko pagsusulat lang—pati pagbuo ng libro, kasama pala sa voyage! 📚⚓

Madali minsan humanap ng uutangan… pero mahirap humanap ng pagtataguan kapag oras na ng bayaran. 😅💸Bago mangutang, sigur...
05/09/2026

Madali minsan humanap ng uutangan… pero mahirap humanap ng pagtataguan kapag oras na ng bayaran. 😅💸

Bago mangutang, siguraduhing may plano ring magbayad.

Huwag maging mabilis manghiram tapos biglang maging invisible sa singilan. 😂

- Capt. NOLI - The Shoreside - Gabay Pinansyal

04/09/2026

Magbigay nga ng mga bagay na inuuwi ng mga DOLLAR EARNER galing barko… 😅⚓

Yung pinayagan ha—hindi yung biglang naging “souvenir.” 😂

Address

Laoag City
2900

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Captain NOLI - the Seaside posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to Captain NOLI - the Seaside:

Shortcuts

Share