26/09/2026
๐๐๐๐๐ฆ, ๐ก๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐น๐ถ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ช๐ผ๐บ๐ฒ๐ปโ๐ ๐ฉ๐ผ๐น๐น๐ฒ๐๐ฏ๐ฎ๐น๐น ๐ฐ๐ฟ๐ผ๐๐ป; ๐๐ก๐๐ฆ, ๐๐๐บ๐๐ต๐ผ๐ฑ ๐๐ฎ ๐ณ๐ถ๐ป๐ฎ๐น๐
Pinutol ng Cabilaoan Agro-Industrial High School (CAIHS) ang pangarap ng Laoac National High School (LNHS) matapos nilang masungkit ang kampeonato sa Womenโs Volleyball sa ginanap na Municipal Meet, noong ika-26 ng Setyembre 2026, sa Laoac NHS Social Hall.
Ipinatupad sa naturang paligsahan ang single round-robin format kung saan ang dalawang nangungunang koponan lamang ang may karapatang umabante sa championship match.
Sa unang round, bumuwelo ang CAIHS matapos ipadama sa LNHS ang isang manipis na pagkatalo sa dalawang sunod na set, 24โ22 at 21โ13. Sa kabila ng pagkakadapa, mabilis na bumawi ang LNHS sa kanilang kasunod na laro matapos padapain ang Don Maximo G. Gombio-Panaga-Tabao Integrated School (DMGGPT IS) sa pamamagitan ng 22โ20 at 21โ9 na talaan upang siguruhin ang kanilang slot sa finals.
Sa championship match, muling nagkaharap ang dalawang mortal na magkatunggali ngunit hindi na pinahintulutan ng CAIHS na makaporma ang LNHS. Pinatunayan ng CAIHS ang kanilang matinding dominasyon nang tapusin ang laban sa dalawang deretsong set, 25โ16 at 25โ13, upang tuluyang maibulsa ang nagniningning na titulo.
Dahil sa tagumpay na ito, ang CAIHS na ang tatayo bilang opisyal na kinatawan ng Laoac sa nalalapit na Cluster Meet, habang nagtapos naman bilang runner-up ang LNHS matapos ang isang kapana-panabik na kampanya.
๐๐ฟ๐๐ถ๐ธ๐๐น๐ผ | Kheilyn Mhae Alap
๐๐ผ๐ฐ๐๐บ๐ฒ๐ป๐๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ง๐ฒ๐ฎ๐บ | Jia Jamyl Padua, Wilmer Romano, Kheilyn Mhae Alap, Jeiffer Eron Cendana, Princess Lacambra, Ruby Jane Navarro, Aisha Ricafort, Rhodalyn Paragas, Twinkle Althea Patalud at Gretchen Campos