01/08/2023
MALIGAYANG BUWAN NG WIKA KAPWA PILIPINO!
MALIGAYANG UNANG ARAW NG AGOSTO!
MALIGAYANG BUWAN NG WIKA KAPWA PILIPINO!
"Ang tema ng Buwan ng Wika 2023 ay pagkilala sa katotohanan ng pagiging linguistically diversed ng Pilipinas na pinatutunayan ng pag-iral ng napakaraming wika na ayon kay Emma H. Santos-Castillo ng Pamantasang Normal ng Pilipinas at Linguistic Society of the Philippines (2008) ay nasa “70 to 120 languages/dialects depending on who is counting and what criteria are used for counting.” Para sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) nasa 134 ang bílang ng mga wika sa bansa kasama ang Filipino Sign Language (FSL) sa bisa ng Batas Republika Blg. 11106 na kapuwa kinikilala sa Early Years Act (Batas Republika Blg. 10410) at ng Enhanced Basic Education Act (Batas Republika Blg. 10533).
Ang pag-iral ng dibersidad pangwika sa Pilipinas ay indikasyon ng pagkakaroon nitó ng isang masiglang linguistic ecosystem. Nakamamangha kung paano napanatiling buháy at matatag ng ibá’t ibáng pangkat etniko sa bansa ang kani-kanilang ugnayang kultural sa kabila ng katotohanang dumaan itó sa napakahabang yugto ng pananakop ng mga Español (333 taón), Americano (halos 50 taón), at mga Japones (humigit-kumulang 5 taón)."
Pinaghanguan:
Komisyon sa Wikang Filipino
Basahin ang Kabuuang Artikulo
https://drive.google.com/file/d/1ulESbbUegJfr5GN31gMAQngWbX1Zp9zK/view?fbclid=IwAR2_vKdg-MNFjY64IeSJacjr8p0U20zDQgQ7Kb8aLkiUVBl5qkO7lHSERGU