01/08/2021
MAULAN PA RIN | HABAGAT PATULOY NA MAGDADALA NG MGA PAG-ULAN SA WESTERN SECTIONS NG LUZON🌧️
Patuloy na asahan ang mga kalat-kalat na pag-ulan (Monsoon Rains) at Thunderstorms dulot ng Habagat sa Ilocos Region, Cordillera Region, Batanes, Cagayan, Zambales, at Bataan.
Lumalakas ang mga pag-ulan kung sinasabayan ito ng Thunderstorms.
•Hanggang kailan? Posibleng magtagal pa hanggang sa mga susunod na araw.
•Kapag ba nagpakita ang araw ay tapos na ang pag-uulan?
Para sa kanlurang bahagi ng Luzon, may mga pagkakataong titila o magkakaroon ng "break" sa pag-ulan at bahagyang magpapakita ang araw at pagkatapos nito ay muli na namang bubuhos ang ulan.
Manatiling Updated at mag-ingat po tayo.🌧️
📊Meteologix
source: PAGASA