15/09/2026
TAOS-PUSONG PASASALAMAT
Una sa lahat, nagpapasalamat ako sa Allah SWT sa Kanyang gabay, awa, at biyayang ipinagkaloob sa akin at sa ating buong sambayanan. Ang makasaysayang tagumpay na ito ay hindi ko lamang tagumpay, kundi tagumpay nating lahat.
Sa BFP Family, sa pangunguna ni CM Macacua, maraming salamat sa inyong walang sawang suporta, panalangin, at pagtitiwala.
Sa aming Vice-Governor Jim Hataman Salliman at Mayor Roderick Furigay, maraming salamat sa inyong hindi matatawarang suporta at pakikiisa sa adhikaing ito.
Pinapasalamatan ko din ang ating Cong. Yusop Alano sa suporta at pagmamahal.
Sa aking pamilya, Hj. Ibrahim, Dr. Ibrahim, Dr. Nurbiya, Dr. Rasmiya, Halid, at sa aking pinakamamahal na mga apo na sina Rania, Melyka, Rafa, at Aryaa, mga pamangkin at kapamilya maraming salamat sa inyong pagmamahal, pang-unawa, at patuloy na pananalangin. Kayo ang aking lakas at inspirasyon sa bawat hakbang.
Sa ating mga Barangay Captains, Kagawad at iba pang barangay officials, Coordinators, at Watchers, maraming salamat sa inyong serbisyo, oras, at dedikasyon. Hindi matatawaran ang inyong naging ambag sa ating laban.
Sa aking MACFI Family, maraming salamat sa inyong katapatan, sakripisyo, at walang pagod na pagtulong. Kayo ay mahalagang bahagi ng tagumpay na ito.
Sa lahat ng aming supporters, saan man kayo naroroon, maraming salamat sa inyong tiwala, suporta, at mga panalangin. Ang bawat mensahe, bawat sakripisyo, at bawat boto ay aking pinahahalagahan.
Sa aking mga minamahal na Lamiteños, ang tagumpay na ito ay para sa inyo. Maraming salamat sa inyong tiwala at sa pagbibigay sa akin ng pagkakataong magsilbi at maging inyong kinatawan. Pangako ko na dadalhin ko ang inyong mga tinig, pangarap, at adhikain sa Parliament.
Sa ating PNP at AFP, maraming salamat sa inyong serbisyo, sakripisyo, at pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad. Malaki ang aming pasasalamat sa inyong patuloy na paglilingkod sa ating mga kababayan.
At higit sa lahat, maraming salamat sa bawat isa na naniwala, nanalangin, at sumuporta.
Ngayon, buong pagpapakumbaba kong tinatanggap ang karangalang maging unang Member of Parliament ng District 1. Ang pagkakapanalong ito ay isang makasaysayang yugto hindi lamang para sa akin, kundi para sa ating buong distrito at sa bawat taong naniwala na ang pagbabago, pagkakaisa, at tunay na paglilingkod ay posible. Hindi ko makakalimutan ang tiwalang inyong ipinagkaloob.
Mula sa kaibuturan ng aking puso, maraming maraming salamat.
Ang inyong tagumpay ay aking pananagutan.
Ang inyong tinig ay aking dadalhin.�At ang inyong kapakanan ay aking paglilingkuran.
Alhamdulillah. Mabuhay ang Lamitenyos! Mabuhay ang District 1!