04/08/2026
Maligayang ika-445th na Patronal Town Fiesta, Lal-lo! 💚
Taos-pusong pagbati mula sa Girl Scouts of the Philippines - Lal-lo National High School para sa Paroquia De Sto. Domingo de Guzman!
Heto na naman ang hinihintay nating panahon ng taon, ang pagtitipon-tipon ng magkakaibigan, pag-uwi ng mga kababayan mula sa malayo, at ang masaganang salo-salo sa bawat tahanan! Isang masaya at makabuluhang pagdiriwang ng tradisyon, at pagkakaisa ng bayan ng Lal-lo!
Ngayong araw, sama-sama tayong mag-alay, manalangin, at magpasalamat para sa patuloy na gabay at mga biyayang ating natatamasa araw-araw sa pamamagitan ng intersesyon ng ating Mahal na Birheng Maria at Sto. Domingo de Guzman!
Sana’y maging inspirasyon ang araw na ito upang patuloy na mag-alab ang ating pananampalataya sa Diyos, sa ating kapwa, at komunidad. Ialay natin ang ating mga puso't isipan sa patuloy na paghingi ng kapayapaan, kalusugan, at pagpapala para sa bawat pamilyang Lalloqueño.
"Our Lady of Piat, Pray for us" 🌸
-loFiesta2026
-loNationalHighSchool